Chapter 33: Special guest

1.1K 102 7
                                    



Austin's POV

Haaiissshhh!!!

Kasalukuyan akong nagaayos ng uniform ko dahil ngayon na daw ipapakilala ang mga bagong board of directors ng school, at gaya nga ng sabi ni sir dapat presentable kaming lahat tignan, napasulyap naman ako sa delubyong nagaayos ng necktie nya

P*nyetang hindi daw matitiis,eh limang araw nang hindi namamansin aarrgghh! Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Alam mo kasi yung feeling na gusto mo syang kausapin kaso hindi mo magawa kasi sa huli ikaw rin yung magmumukhang tangang kinakausap Ang sarili mo? Haish! Last time na nagtampo sya halos mabaliw nako kakaisip pano hihingi ng sorry tas ngayon mas lalo pa kong mababaliw kakaisip kung ano nanaman ang kinatatampo nya



Ano bang ginawa kong mali ha??


Nang matapos sa pagliligpit ay walang kagatol gatol syang naglakad palabas ng kwarto na para bang wala syang ibang kasama. Dahil naman sa sobrang inis ay marahas kong hinila ko ang dulo ng necktie dahilan para masakal din ako sa katangahan ko

Namaaaaaaannnn!!!

Padabog kong nilock ang pinto saka inis na naglakad mag isa papuntang Gym nang aksidenteng makabangga ko ang isang babae. Agad namang nawala ang inis ko saka tinulungan ang babae na pulutin ang mga gamit nyang nagkalat sa sahig

"S-sorry miss" paumanhin ko pero laking gulat ko nang makitang umiyak sya

Hala grabe hindi naman masakit yung pagkakabangga namin ah! Makaiyak to wagas

"A-ayos ka lang ba miss? S-sorry hindi ko naman talaga sinasady--" taranta kong paumanhin habang nakahawak sa magkabilang balikat nya

"Hi-hindi yun, k-ka-kasi----waaaaaaaahhhh!!" nanginginig nyang saad saka agad na yumakap sakin na sya namang ikinagulat ko

At dahil sa pagkataranta ay agad ko syang tinulak palayo, bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat at pagkabalisa nang makalayo sakin

"T-teka b-bat..." Utal nyang saad saka tinuro ang dibdib ko na sya namang kinalaki Ng mata ko

Aba't! Sira ulong babae to ah nakasubsub pa sa boobs ko!

Napanganga naman din ako sa gulat at pagiisip nang palusot nang makita ang grupo ng mga estudyanteng padaan sa direksyon namin. Dahil sa pagkataranta ay agad ko syang hinila sa isang kalapit na kwarto at hinintay na makalampas ang mga grupo ng estudyanteng padaan

" Balita ko may special guest daw ngayon eh"

"Anak daw ata nung isang bagong Board of directors"

"Babae o lalaki?"

"Babae daw pre!"

Nang makalampas na sila ay agad naman akong nakahinga nang maluwag. Dali dali akong lumayo dun sa babae nang mapansin ang posisyon naming halos magkayakap na

Nasisilip ko pa tuloy Cleavage nya, Edi wow ikaw na po may malaking dibdib

"B-babae ka?" Tanong nya agad sakin na syang ikinakaba ko naman

"Shhh wag mo sanang ipagsabi please" pakiusap ko, napatabingi pa nang bahagya ang ulo nya na animo'y nagiisip bago agad na tumango. Agad ko naman syang binigyan ng panyo pamunas ng luha nya

"S-salamat" saad nya saka pinunasan ang luha nya, ang kaso... Dahil dun mas lalo lang kumalat ang make up nya na ikinangiwi ko

"B-bakit?" Tanong nya

"Uh... Kasi ano...kalat na yung make up mo" kamot ulo kong sagot na mas lalong kinalaki nang mata nya

"Ano?!" Gulat nyang tanong saka kumuha ng salamin sa bag nya, mas lalo naman syang napaiyak nang makita ang sarili dahilan para mataranta nanaman uli ako

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon