Chapter 122: Shopping

250 17 9
                                    


Austin's POV

Alas-singko ng hapon nang mag aya si tita na pumunta sa mall para mamili ng ipapasalubong sa mga magagaling kong ate. Nagtaka nga ako nung una kung bakit ngayong pa lang kami mamimili, 'e kung pwedi naman kaninang tanghali. Pero ayon kay tita mas maganda raw na pumunta ng mall pag hapon dahil hindi na ganun karami ang mga tao, hindi tulad ng sa tanghali kung saan halos mapuno ang mall sa dami ng tao na karamihan 'e hindi naman bumubili at nagpapa-aircon lang.

Nakapagbook na rin si tita ng ticket namin nung isang linggo pa kaya naman kanina ay nag-ayos na lang sya ng mga bagahe nya, habang ako naman ay hinanda lang ang backpack ko na paglalagyan ng mga pasalubong at regalo kanila mama. Hindi na rin naman ako nagabala pang magdala ng mga damit dahil nandun din naman halos lahat ng damit ko sa bahay.

Nang makarating sa mall ay dumiretso agad kami ni tita sa clothing section para bumili ng damit na ipapasalubong ni tita kanila mama at papa. Nagtaka naman ako nang mapansing puro kilalang brand at mamahalin ang mga biniling damit ni tita para kay papa samantalang simple at di gaanong kilalang mga brand naman ang binili nya para kay mama.

"Tita, napansin ko lang po, bakit ang mamahal naman po ata ng mga pinamili nyo para kay papa? Eh diba si mama po ang kapatid nyo?" takang tanong ko habang naglalakad palabas ng boutique.

"Ayaw kasi ng mama mo ng mga masyadong mamahalin. Napagsawaan nya na 'yon" nakangiting sagot ni tita. Napataas ang dalawang kilay ko.

Wow naman, ang sosyal ng nanay ko ah!

"Pano pong napagsawaan, tita? Eh hindi naman kami mayaman." Tanong ko pa.

"Sabihin na lang nating... maraming mayayamang manliligaw ang mama mo dati" Mahinang sagot ni tita habang nakangiti, na para bang kapitbahay na may nasagap na chismis. Nanlaki naman ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa narinig.

Ayown! Iba den!

Eh kung andami pala ni mama'ng naging manliligaw na mayayaman, bakit si papa pa ang pinili nyang pakasalan? Tapos sa huli, magbubunganga na kesyo wala na daw kaming pera at akala daw namin pinupulot lang nila yung pera. -,-

Nakakapulot din kaya ako paminsan minsan ng pera. Madalas pagkain pa nga eh. -,-

Pero kunsabagay, hindi ko naman masisisi si mama. Sa gwapo at matcho ba naman nang tatay ko, talagang mababasted kahit pinakamayamang lalaki sa mundo! Kaya nga mana ako kay papa eh!

Naks! Sipsip lang? HAHAHAHA!

Matapos makabili ng mga damit ay sumunod naman naming pinuntahan ang isang sikat na brand ng mga sapatos. Hindi naman na ako nag abala pang tumingin o kahit humawak ang man lang ng sapatos dahil alam kong di hamak na mas mahal pa ang mga sapatos na yun kumpara sa mga kamay ko. Gaya ng sa clothing department ay nakatunganga nanaman ako habang kinakausap ni tita ang sales lady. Niyaya pa 'ko ni tita na sumubok ng sapatos na gusto ko, pero agad akong tumanggi.

Mahirap na, baka magasgasan pa yung sapatos ng mga kalyo ko sa paa. Nakakahiya naman sa sapatos. -,-

"Tita, pupunta po muna ako ng book store, pwedi? Saglit lang naman po ako dun, babalik din agad ako." Paalam ko kay tita nang mapansing mukhang matatagalan pa sya dito dahil sa bonggang pang se-sales talk sa kanya nung saleslady.

"Sige. Magkita na lang tayo sa Shiseido. Dun ako didiretso pagkatapos nito" sagot naman ni tita sa gitna ng pakikipag-usap sa sales lady.

"Sige po." Tumango agad ako.

Nang makarating sa may book store ay hinanap ko agad yung manga na palaging mukang bibig ni Ate Debbie. Oo si ate Debbie talaga ang inuna ko dahil, eto lang naman ang gusto nya, hindi tulad dun sa isa, nagrequest na ng sapatos dinagdagan pa ng kwintas saka bestida. Ano bang akala nya sakin? Sugar daddy nya? Nagtatae ng pera? Pumunta ako dito para mag aral, hindi para maging tagabili ng mga luho nila! Saka ako ang bunso, dapat nga ako ang nireregaluhan nila eh! Kung hindi lang ako pinapabaunan ng malaking pera ni tita at kung hindi lang ako nagiipon, hindi naman ako magkakaroon ng pera pambili ng mga 'to.

Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon