Chapter 46: Confesion

915 92 23
                                    





Austin's POV






"Hoy ano ba?! Uy teka lang hintayin mo naman ako oh!" Inis na protesta ko habang mabilis na sumunod sa kanya. No hindi ko nga alam kung ba't ko sya sinundan eh! Basta! Naguilty ako, na naiinis na ewan! Lakas kasi nang saltik eh!




Naiwan na silang lahat sa loob nang resto, siguro nagtuturuan pa Kung sinong magbabayad. Habang ako, eto! Todo habol sa tukmol na hindi alam kung anong problema sa buhay!





"Hoy sorry na! Ikaw naman kasi eh! Ako umorder nun tapos ikaw yung kumain, eh hindi mo naman pala alam kung ano yun!--" todo paliwanag ko habang sinusubukang himabol sa kanya pabalik sa kotse nang bigla syang huminto saka lumingon sakin dahilan para mapahinto din ako





Hindi ko alam kung bakit pero unti unting muling bumilis ang kabog nang dibdib ko. Kinakabahan na parang sasabog...hindi ko maintindihan






"Just leave me alone" malamig na tonong sagot nya saka muling bumalik sa paglalakad at sumakay nang kotse, naiwan naman akong nakatulala at hindi alam kung anong magiging reaksyon






Gusto ko syang habulin....pero bakit?






Gusto kong magtanong kung anong problema...pero sino ba ko para magtanong at manghimasok sa buhay nya?







Napabuntong hininga na lang ako saka tumalikod at muling bumalik sa loob nang resto, lutang nanaman tulad nang kanina







Kung alam mo lang aana kung gano mo pinapasakit ang ulo ko ngayon Dos por dos....











Lunes...





Lumipas ang ilang araw at panibagong sakit nanaman nang ulo ang umiral sa loob nang classroom na to.

Todo kamot nang ulo ang ginawa ko habang tinitignan ang test paper kong laktaw laktaw ang sagot at may sandamak mak na tinta mula sa correction pen ko. Nasapo ko na lang ang ulo ko saka bumugtong hininga habang dahandahang napatanga sa kisame, nagbabakasakaling may makitang mahiwagang tuko na nagbibigay nang sagot sa lintek na math equation na to ╥﹏╥






"Hahaha ano kaya pa?"





"Eh??" Agad akong napabalikwas nang makita ang ngingiting si Clinton na dumaan sa harap ko, napakunot pa ko nang mapansing isa isa na silang nagsisipasahan nang mga test papers nila









Hala sh*t! Tapos na sila!








"Mr. Zamora, go out already!" Maowtoridad na utos sa kanya ni Sir Valmora, kaya napahawak naman sya sa batok nya saka nahihiyang nilagpasan ako






"Geh una nako,kanya mo yan HAHAHA"Saad nya pa bago ako nilampasan, mas lalo lang tuloy akong napabuntong hininga dahil sa kawalan nang pag asa





Ano ba yan kababaeng tao ko ako pa ata ang pinakabobo dito! -_-;






Lumipas ang ilang minuto at wala din akong nagawa kundi ang magpasa nang papel kasabay nila Rent, Forth, Klyde at Wes na inabutan din nang oras tulad ko. Nag ala ninja moves pa ang mga mokong at kunwaring nagsisiksikan para makakopya sa mga kasama, napailing na lang ako saka maayos na ipinasa ang test paper ko






Tsh! Buti ba sana kung tama din ang mga sagot nang mga yan! Eh kung sila Xeon at Matthew siguro tyak kampante akong tama!







Matapos pa nang dalawang makapigil hiningang exam ay dumating na ang Lunch. Gaya nang sa math ay nahuli nanaman ako dahil sa nakalalokang pa essay ni ma'am sa likod nang test paper sa english. Feel ko tuloy naubos na lahat nang mga brain cells ko, maka english lang -,-





Sinenyasan na ko kanina ni Clinton na sumunod na lang sa kanila sa cafeteria, pero dumiretso muna ako sa may lockers para kumuha nang libro sa History para pagaralan. Mahirap na pag wala talagang alam, masyadong masakit sa utak






Nang makarating sa lockers ay halos mapatalon ako nang makita ang Dos por dos na mukhang may kinuha ding libro.

Akmang tatalikod na sana ako para tumakbo na lang paalis nang saktong tumingin sya sa direksyon ko, dahilan para matuod ako sa kinatatayuan ko







Ayan nanaman sya sa malalamig na tingin nyang yan, ano bang problema nito? Nung nakaraan pa sya ganyan ah!





"What? You're just gonna stand there?" Taas kilay nyang tanong dahilan para magising ako at muling bumilis ang kabog nang dibdib ko





"H-hindi...sabi ko nga may kukunin lang..." Pahina nang pahina ang boses ko habang naglalakad papunta sa locker kong dalawang metro ang layo mula sa kanya






Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero pinangungunahan ako nang takot at kaba. Wala akong ibang marinig kundi ang malalakas na kabog nang dibdib ko at ang sunod sunod na paglunok habang hindi magkanda ugagang hinahanap ang lintek na librong Yun!






Asan na ba kasi yun ha??






Parang nasu-suffocate na tuloy ako sa sobrang bigat nang mga hiningang pinapakawalan ko. Sinubukan kong magconcentrait sa paghahanap nang lintik na librong yun, pero kahit anong gawin kong halungkat at hindi ko talaga makita dahil ramdam kong nanjan pa din sya at tinitignan ako







T*ng*na asan na ba kasi yun ha?!





"Slow down, I can barely hear you breathing"





Para akong binuhusan nang malamig na tubig with ice pa! Nang marinig ang boses nya malapit sa tenga ko. Hindi agad ako nakagalaw at ngayon naman ay pinipigilan ang paghinga ko habang pinapalakas ang loob kong humarap sa kanya







Ba't ba parang takot na takot ha ah?! Ano ba Austin wag ka ngang bakla! >.<





Eh babae nga kasi akooo ╥﹏╥





"Eto ang hinahanap mo diba?" Tanong nya pa din sa likuran ko matapos kunin ang librong halos ilang minuto ko nang hinahanap, eh nasa harap ko lang pala! >_<






"A-ah..heheh oo yan nga" nahihiyang sagot ko naman habang hindi pa din sya nililingon.


Akmang kukunin ko na sana ang libro sa kamay nya nang ilayo nya ito, ako naman si tanga na sinubukang abutin ang lintek na librong yan pero hindi pa ko tuluyang nakakalingon sa kanya nang biglang literal na huminto sa pagkatibok ang puso ko. Halos maduling na ko sa sobrang lapit bang mga mukha namin,pero dun ko lang napansin....















Na nahalikan nya na pala ako...










Parang nagslow motion ang lahat, kasabay nang kusang pagpikit nang mga mata ko nang mapansing nakapikit na sya.




Dumoble ang bilis nang pagtibok ng puso ko, mas lalo akong hindi makahinga at mas nanlamig ang mga kamay ko. Dampi lang ton kung tutuusin, pero iba ang epekto sakin. Hindi matagal pero hindi din mabilis, at yun ang naging rason kung bakit ako nanlalambot ngayon...







"Tell me i'm insane, but I just fell for a gay like you Austin. And I don't f*cking care anymore..."
















_________________________________





Ampuuchhiiwaaan hahahaha eto na ba? Is dis it? Hahahaha si Dos na ba talaga?? HAHAHAHA thank you for reading mga bb's! Wag kalimutan mag vote saka comment! Tenchuuuu hahahahahahaa 😘😂✨





Boys Dormitory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon