Entry #106

962 16 3
                                    

"The Things We Do For Love"

by IMANOPTION02

I'm Vincent, I have a longtime girlfriend named Liezel. Magka live in kami noong nasa Pilipinas pa ako, ngunit dahil sa family business namin ay kailangan naming pumasok sa long distance relationship.

Isang taon na ako dito sa America at sa isang taon na iyon ay hindi kami nawalan ng komunikasyon ni Liezel. Ngunit napansin ko na tila nagbago na ang pakikitungo ni Liezel sa akin simula ng umalis ako sa Pilipinas. Maraming tao ang nagsasabi na may ibang lalaki na si Liezel. Mayroon pa ngang nagsesend ng mga picture para patunay daw, ngunit hindi ko pinaniwalaan ang lahat ng iyon dahil mayroon akong tiwala kay Liezel. Hanggang sa ako na mismo ang nakarinig at nakakita ng mga ginagawa niya.

Isang araw, masaya kong tinawagan si Liezel upang ibalita na makakauwi na ako ng Pilipinas.

"Kring... Kring... Kring..." matapos ang tatlong ring ay sinagot na ni Liezel ang tawag ko.

"Hello, Liezel!" bati ko.

"Hmmm" tugon niya. Isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil baka nagising ko lang siya.

"Liezel, si Vincent ito. Uuwi na-" naputol ang sasabihin ko dahil sa aking narinig.

"Hmmm. Dahan dahan naman, Gab. Masyado kang excited" sabi ni Liezel.

"Okay, I'll be gentle" saad ng isang lalaki, ang kaisa isang lalaking pinagkakatiwalaan ko.

"Hmmm, okay" parang kinakapos na hiningang tugon ni Liezel.

Hindi ko na kaya pang pakinggan ang mga naririnig ko, kaya't pinatay ko na ang tawag.

"Hayop!" sigaw ko habang pinagbababato ang mga gamit na nasa tabi ko, "B-bakit nila nagawa sa akin iyon?" tanong ko sa sarili ko. Unti unti na akong nanghihina, napasalampak na lamang ako sa sahig ng kuwarto ko at nakatulugan na ang aking pag-iyak.

Kinabukasan, napagdesisyunan kong umuwi na ng Pilipinas at pinayagan naman ako nila Mommy. Gusto ko kasing makita mismo ng mga mata ko kung niloloko ba talaga ako ni Liezel para matauhan na ako.

Nakauwi na ako sa Pilipinas at hindi na ako nagsabi pa kay Liezel, natatatakot kasi akong may marinig ulit kapag tinawagan ko siya.

Makalipas ang ilang araw ay napagdesisyunan kong pumunta sa MOA. Bibili na ako ng engagement ring para kay Liezel. Nangako kasi ako sa kaniya na pagbalik ko rito sa Pilipinas ay hindi ko na siya pakakawalan pa.

Naglalakad na ako papunta sa kotse ko dahil pagabi na rin nang may marinig akong kaluskos sa may sulok. Sa pagiging curious ko ay tiningnan ko kung ano iyon. Ngunit nagkamali ako ng desisyon, dahil tila nawalan ako ng dugo sa aking nasaksihan. Si Liezel, kahalikan ang best friend ko na si Gab. Hindi ako makagalaw at tila nanonood ako ng isang romance film sa aking nasasaksihan. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa pumasok na sila ni Gab sa backseat ng kotse nang hindi nagbibitaw ang mga labi. Gusto ko silang sugurin, ngunit parang nawalan ako ng lakas. Bumalik lang ako sa ulirat nang businahan ako ng isang sasakyan.

"Hijo, huwag kang tumambay sa gitna ng daan, baka ikaw ay masagasaan. At bakit umiiyak ka?" saad ng matandang driver sa akin. Agad naman akong kumuha ng panyo dahil uma-agos na pala sa mukha ko ang aking mga luha.

"Wa-wala po. Pasensiya na po kayo" sabi ko at gumilid na para makaalis ang sasakyan.

Pagkapasok ko sa kotse ay nag unahan na muli sa pagtulo ang aking mga luha. Ang sakit, sobrang sakit ng nasaksihan ko. Patuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha, hanggang sa nakita kong lumabas na ulit ng sasakyan sila Gab at lumabas ng parking lot.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें