Entry #110

127 7 4
                                    

"Gagawin Ko Ang Lahat"

by Shashaxxe

Kiarah's Point of view

Busy ako sa paghahanap ng libro sa bag ko nang tawagin ako ng tropa ko. Si Caith.

"Hoy padaan na 'yung crush mo!" buyo niya sa'kin.

There is a girl named Joana, I like her since we're in first year highschool. Kaya lang she's into girls lang pakiramdam ko tuloy may bad past siya sa boys.

Kaagad kong inayos ang buhok ko't nagkunwaring nagbabasa. Balita ko kasi mahilig rin siya sa mga libro.

Nang huminto siya sa harap ko ay narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Dahilan nang pagtibok ng puso kong kanina pa man ay nagkakarerahan na.

"Baliktad libro mo." kaswal na sabi niya't inayos ang baliktad ko ngang libro!

Napayuko ako ng tingin at hinintay ang pag-alis niya saaking harapan.

"Pahiya konti, bukas bawi!" tumatawang sabi ni Caith.

Umirap ako sakaniya at hinatid ng tingin si Joana. Masasahi kong sikat din siya sa school dahil sa taglay niyang ganda. Morena man ang kulay ng kaniyang balat ay hindi maitatangging siya'y maganda pa rin.

Ang mga mata niyang singkit na para bang lagi kang tinatawag. Ang labi jiyang kulay rosas na ani mo'y hinahalina kang matikman. Ang ilong niyang akala mo'y makikipag-espadahan dahil sa tangos na taglay.

"Aamin na ako sakan'ya at liligawan ko s'ya." isang araw ay sabi ko habang kasama ko ang nag-iisa kong tropa.

"Seryoso?! Teka sino ka? Baka alien ka! Sabihin mo, nilubog mo ba sa imburnal ang katawan ng kaibigan ko?!" sabi ni Caith at inalog-alog pa ako.

Bahagya ko siyang itinulak at binatukan.

"Sira! Masama bang umamin sa 4 years crush ko?! Saka isa pa last year naman na natin bilang senior high. Malay mo hindi na kami magkita.." pahina nang pahinang sabi ko.

Iisipin ko palang ata na malayo siya ay mas masasaktan ako, kaysa makita siyang may bagong nobya.

"Hmm kung 'yon naman pala, edi tara na! Sasamahan kiyang umamin sakaniya, Kia!" malapad ang ngiting sabi ni Caith habang nakaakbay saakin.

Naglakad kami papunta sa room nila Joana. Dito palang sa labas ay nangangatog na ang kamay at tuhod ko sa kaba. Paano pa kaya kapag umamin ako sa harap n'ya.

"Hi po! Pwede po i-excuse si Joana? May kakausap lang po!" nakangiting sabi ni Caith.

Napalunok ako bago tumingin sa mga kaklase ni Joana na halos lahat ay may mapang-asar na ngiti sa labi.

"Ayii may pornerber na siya!" kantiyaw ng isa sa mga kaklase ni Joana.

Nilakasan ko ang loob ko't walang sabing hinawakan siya sa palapulsuhan at hinila sa tagong hallway. Matangkad ako sakaniya ng ilang dangkal kaya kinailangan ko pang yumuko ng maisandal ko siya sa pader.

"Joana... Gusto kita, matagal na. Pwede bang manligaw?" tuloy-tuloy na sabi ko.

Nakita ko kung paano siyang namula bago hinawakan ang dalawang balikat ko at iniyuko ako sakaniya upang maabot ang mga labi ko. Nang humiwalay siya ay nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa gulat.

"Gusto rin kita, Kiarah. Hindi mo na kailangang manligaw dahil ang pag-iisa ng ating mga labi ay ang pagkakabuo ng salitang tayo." nakangiting aniya.

Hanggang ngayo'y hindi ko makalimutan ang araw na 'yon at sa tuwing maaalala ko? Palaging pamumula ng pisngi ang nararamdaman ko, hindi nagbabago.

Nakaigtad ako sa pagkakaupo sa kama ng may yumakap mula sa likuran ko.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon