Entry #185

32 2 0
                                    

Mahal na Kita

by KuRerence

Letting him go is the biggest mistake I made.

Tiningnan ni Lorena ang screen ng phone niya. 8:00 am na, nakatayo siya harap ng salamin, naglalagay ng make-up at nag-aayos ng sarili. Lumabas siya ng bahay at naghinatay ng taxi. Nang narrating niya ang pinagtatrabahoan, nakita niya ang mga kasamahan niyang naghihinatay na magbukas ang restaurant.

Sumigaw siya. "Karel, miss na miss kita?"

"Kahapon lang tayo nagkita noh, ang 'oa' nito,"anito. Tinitigan lang siya nito at umirap. Alam nang dalaga kung bakit ito nagkakaganito. Ang babaw naman ng dahilan ng tampo na'to.

"Hoy, sorry na, alam mo naman kung sino ang gusto ko diba?" aniya. Tumingin lang siya nang saglit atsaka pumasok sa loob. Nagtatampo pa rin. Hinabol ni Lorena ang kaibigan patungo sa locker at hinarap ito. Diretso lang ang tingin nito sa likod at nagpatuloy sa paglakad. Kinabig niya ang katawan nito kaya napatingin ito sa kanya.

"Alam mo naman ang gusto ko diba, yung matangkad, gwapo at mayaman. Alam mo naman yun, simula nang bata pa tayo, sinasabi ko na yan," malapit nang mairita ang dalaga sa ikinikilos nito. "Sige, ano bang gusto mong sabihin?" tuminis na ang boses niya.

"Bigyan mo naman ng chance yung lalaki, Lorena ang bait-bait niya at maalaga. Ang swerte mo kong bigyan mo siya nang pagkakataon," napamewang itong tumingin sa kanya.

"pero—"

"Hep! Alam ko na yang sasabihin, hindi gwapo, matangkad o ano man. Lorena matanda na tayo, hindi pisikal ang basehan ng pagmamahal nasa ugali yan," hinawakan niya ang balikat ng dalaga. "O sige, sabihin natin na pisikal, hindi naman pangit si Nathan kung nagkataon, marami ngang nagkakagusto non, ano pa ba yang hinahanap mo."

"Yung hot, matangkad, may abs, umiigting ang panga, at yung may ipagmamalaki," sunod-sunod nitong lintaya. Tiningnan na lang ni Karel ang kaibigan, hindi niya alam kung anong nakain nito at nagkakaganito.

Binitawan niya ang kamay na nakahawak sa balikat nito. "Lorena ito lang masasabi ko, iyang mga sinasabi mo," napabuntong hininga ito at sumigaw. "Wala yan rito, walang ganyan, bakit ka ba naghahanap ng wala? Ha!" napasabunot na lang ito sa buhok. "Ito lang ang masasabi ko sayo magsisi ka pagdating nang panahon." Kinuha nito ang apron nito at umalis.

Natikom na lang niya ang bibig sa mga sinasabi nito, Oo, tama naman ito pero paano na man siya. Nagpapaganda ako ng bongga, pero sa kanya lang ako mapunta, no way. Hindi na lang siya pumalag. Nagpalit na lang siya nang uniporme. Paglabas niya nakita niya ang lalaking pinagaawayan nila kanina. Nakasalamin ito, lean ang katawan at ang ganda nang ngiti. Hindi ko talaga siya gusto.

Lumapit ang binata sa kanya. "Lorena, kamusta nakuha mo ba yung regalong binigay ko sayo?" anito. Ang liwanag nang mukha nito.

"Oo naman, salamat doon,"aniya. Ngumiti ang dalaga na mas nagpangiti kang Nathan.

Pumasok na sa loob si Nathan, habang ang dalaga ay nag-eentertain sa mga kostumer. Hindi lubos akalain ni Lorena na hanggang ngayon nangliligaw pa rin ito kahit sinabihan na niya na hindi. Pero kahit pilit niyang pinaparamdam sa dalaga ang pagmamahal nito ay mas naawa siya.

Maraming kostumer ang nagsidatingan ngayon araw na'to kasi may kasal naganap, at ang restaurant nila ang napiling mag-catering kaya ang busy nila. Habang nagsasalin sila nang pagkain hindi maiwasan ni Lorena na mapatingin sa gawi ni Nathan, ang busy rin nito. Pero hindi niya maiwasang mamangha. Ang tamis parin nang ngiti nito.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now