Entry #181

58 3 2
                                    

THE AGONY OF MY OWN

by Angelus_Mara

Sabi nila, isa sa pinakamasakit na parte ng pagmamahal ang iwan ka ng taong minamahal mo. Ang bigla kang iwan ng walang dahilan at bigla na lang siya bumitaw at sumuko sa relasyon niyo.

'Yong tipong para kang tanga kakahanap ng posibleng rason kung bakit siya umalis. Na sa dinami-dami na nang napagdaan ninyo, pinili niya pa ring sumuko.

Aaminin kong sobrang sakit n'on. But in my case, it's different, because I was the one who left him. I was the one gave up on our relationship. I was the one who chose to end our relationship. And lastly, I was the one who hurt him and made his life miserable.

"Of all the paintings here, that is my favorite." Naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko 'yon binigyang pinansin.

Nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa painting na nasa harapan ko. Nandito kasi ako ngayon sa exhibit ng isang kilalang pintor sa lungsod namin.

The paintor I've been admiring for so long.

"Ahm, so you're the one who want to buy this?" rinig na rinig ko ang baritonong boses niya, walang palya sa pagpapabilis ng tibok ng puso ko.

I nodded as response not bothering to look at him.

"You know what, that was the only painting which I invested all of my feelings with. I actually named that as, 'The Agony of My Own'. It reminded me of someone close to my heart before. "

Tahimik akong nakikinig sa kaniya habang ang mga mata ko ay hindi pa rin nakaalis sa painting. Hinahangaan ang bawat nakaukit dito.

Malaking canvas ito. Black and white na paint lang ang ginamit ngunit sadyang nakakaagaw ang bawat larawang pinapakita sa painting. Mukha ng isang babae, nakapikit ngunit bakas ang luha sa pisnge niya. Sa likod niya ay may nakatayo na lalaki tila hinihintay sa pagbabalik ng babae. At nasa likod ng lalaki at tila isang liwanag.

It reminded me of the same scenario that I've been keeping for years already. A scenario wherein it broke not just my heart but also his heart.

"I dedicated that to the woman who became the reason of my success. Actually, I don't have plans on selling that but I think Zyrrah was right. I need to, so that I could move forward," he said, as if trying to persuade me more.

"Tama nga ang desisyon ko," mahina kong saad, sakto lang para marinig niya.

"Pardon me, Miss?"

Napayuko ako at pilit na ngumiti nang bigla siyang magsalita ulit.

"By the way, if we fix everything, from the payment to your address. We will deliver that paint-"

Tumikhim ako saglit. "I'm so proud of you, Zeo," wika ko at unti-unting lumingon sa kaniya.

Agad na bumakas ang gulat at pagtataka sa mukha niya, sa moreno ngunit guwapo niyang mukha.

"Y-Yzy."

Ngumiti ako at tumango. Ang singkit niyang mga mata ay bahagyang lumaki. Bahagya ring nakaawang ang mapupulang labi niya.

"Yes, it's me." The girl who left you 3 years ago, gusto ko sanang idagdag sa sasabihin pero naunahan ako ng kaba.

"Ikaw ang b-bibili n-nito?" nauutal niyang tanong sabay turo sa painting niya.

He looks so better now, so sophisticated and successful man.

I chuckled and nodded again. "Why? Is there any problem if I'll buy the painting that was dedicated to me?"

Natahimik si Zeo sa sinabi ko.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now