Entry #173

70 7 2
                                    

GONE

by MysteriousGirl

Si Amia ay isang babaeng may sakit sa puso. Sobrang malala na ang sakit niya kaya kailangan na niya ng heart transplant. Kakatapos lang niyang maoperahan at habang tulog siya ay nanunumbalik ang mga ala-ala o senaryo sa kanyang panaginip.

-**-

Amia's POV

Naglalakad ako sa madilim at tahimik na kalsada nang biglang may pumulupot na braso sa aking leeg at tinutukan ako ng baral sa ulo.

"Holdup to"

Normal lang na matakot ako sa mga ganitong pagkakataon ngunit imbis na matakot ay tila ba mas nakaramdam ako ng saya. Kahit naman siguro sumigaw at magpumiglas ako ay wala ring makakarinig sa'kin dahil bihira lang ang dumaraan sa kalsadang ito.

"Ibigay mo sakin lahat ng gamit mo o ipuputok ko ito" tukoy niya sa baril na hawak nya

"Thank you. Please don't be guilty ok? Smile and live. Pull the trigger. I'm tired" instead of giving him my things, this words came out of my mouth.

Hinanda ko na ang sarili ko sa pagdanak ng dugo ko pero ilang segundo o minuto na ang lumilipas ay walang nangyari. Maya-maya pa ay lumuwag ang pagkapulupot ng braso niya sa akin at tuluyan na akong pinakawalan. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang lalaking tumatakbo papalayo sa'kin. Napansin ko ang kulay itim niyang jacket na may design sa likod na bungo.

Anong nangyari dun? Tanong ko sa sarili. Hindi ko tuloy alam kung sasaya ba ako o manghihinayang. Hayst, pati ba naman mga holduper ngayon paasa na din.

-**-

"Good morning class, today we have a transfer student from other school. Please come in and introduce your self to us" saad ni prof. Pumasok naman ang isang lalaki at nagpakilala.

"Hi I'm Jericho Chris Peralta you can call me Riko for short,19 years old. I hope I can get along with you" simpleng pagpapakilala niya nang may malawak na ngiti.

Nasa bandang likod ako nakaupo, sa kaliwa ko ay si Grayson Lim, ang best friend ko. Sa kanan ko naman ay bakante kaya doon pinaupo ni prof si Riko. Pinanood ko siyang lumapit sa akin hanggang sa makaupo na siya. Lumingon siya sa'kin at ngumiti sabay bati ng "magandang umaga". Binati ko din siya pabalik ng may ngiti din sa labi.

May narinig akong pekeng ubo galling sa kaliwa ko kaya nilingon ko si Gray.

"Ehem. Baka matunaw" pagpaparinig niya sa'kin nang hindi lumilingon. Dun ko lang narealize na nakatitig na pala ako kay Riko. Well wala lang naman sakin yon dahil si Gray ang gusto ko. Oo may gusto ako kay Gray matagal na pero never pa akong umamin sa kanya. But I think, Riko is cute.

-**-

Lumipas ang ilang araw, lingo, at buwan ay naging kaibigan namin si Riko. Si Riko ay mabait, masiyahin, at caring na tao. Mapagkakatiwalaan din siya kaya halos alam na niya ang mga sikreto namin ni Gray, sinabi ko na din sa kanya ang nararamdaman ko para kay Gray. Pero may isang sikreto na hindi ko sinabi sa kanya, yun ay yung may sakit ako sa puso. Dahil din sa sakit ko ay nawalan na ako ng gana sa buhay. Buti na lang at nandyan si Gray para sa'kin at dumating din si Riko para mas lalo akong pasayahin. Madalas akong napapatawa ni Riko dahil sa mga corny niyang jokes at mga walang kwentang banat.

Pero may isang banat siyang sinabi na hindi ko maintindihan.

"The moon is beautiful. Isn't it?" saad niya habang nakatingala sa langit.

"Umaga ngayon Riko, wala pang moon" sagot ko sa kanya na ikinatawa niya

"Hayst. May tama ka na talaga. Pagamot ka na"

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now