Entry #197

56 3 1
                                    

FILM REVIEW

by Cincinnati


"Grabe, it never gets old pa rin talaga!", ang tanging reaksyon ni Kai matapos nilang panoorin muli ang The Four Sisters and A Wedding.

Comfort film kasi nilang dalawa ni Jemimah ito dahil sadyang relatable siya, at lagpas na rin sa kanilang daliri ang bilang kung ilang beses na nila itong napanood. Simula junior high school hanggang senior high schoo. Ito ang naging outlet nilang magkaibigan para maibsan ang pagkabagabag sa exam. Ngayong nasa kolehiyo na, madalang na lamang sila nagbbinge-watch nitong pelikula.

Kinuha ni Jem ang tissue box na nakalagay bandang kaliwa niya saka inabot ito kay Kai na nasa kaniyang tabi sa kanan. Agarang kumuha ng sandamak-mak na tissue si Kai at bumahing rito.

"Kai, nakakahinga ka pa ba?" pabirong tanong ni Jem.

Tumango si Kai at bumahing muli. "Gaga, siyempre no. Ang emotional-dragging kasi talaga ng ibang parte ng kuwento, specifically doon sa confrontation nilang magkakapatid and kasama si mama."

"True. Akala mo comedy lang, tapos bigla nalang bubwelo ng scene na madadala lahat ng viewers. But isa naman talaga sa objective nila 'yon since Filipinos are fond of dramas." Ani ni Jem at hinigpitan ang yakap sa unang kalong-kalong niya, saka humilig sa sofa para mas kumportable siyang makipag-usap.

"Bukod pa roon, tungkol sa family relationships naman ang subject ng film kaya mas emotional talaga. Lalo na sibling rivalry, common na family issue sa atin 'yan." Dagdag ni Kai habang nilulukumos ang mga tisyung nagamit niya. Tumayo siya at dumiretso sa kusina para itapon ang basura, doon pa kasi nakapuwesto ang trash bin sa gilid ng kitchen sink.

Si Jem naman nagpaiwan sa sala, busy'ng nag-bbrowse sa kaniyang sns account.

"By the way, Jem, anong oras na ba?" tanong ni Kai kay Jemimah mula sa kusina, abalang naglilinis ng kaniyang mga kuko sa kanang kamay.

Pansamantalang tumigil sa pag-i-scroll ng tweets si Jem sa Twitter at tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone, "10:06 pm, uuwi ka na ba?"

"Bata pa naman ang gabi. Dito nalang din ako matutulog, ayos lang ba sa'yo?"

"Bakit naman hindi? Ayos na ayos. Pero 'di pa ako inaantok eh. Maya-maya pa ako papanhik at aakyat, ikaw ba?"

"Magbibihis nalang muna ako. Pahiram ng damit ah? Biglaan din naman itong pag-crash ko rito at hindi ko naman inakalang gagabihin pala ako." Paghingi ng permiso ni Kai. Wala pa sa segundo ang pagtango ni Jem; agaran siyang pumayag sa pabor ng kaibigan.

Umakyat nang mabilisan si Kai at dumiretso sa kwarto ni Jem upang magbihis. Saulo na nito ang kabuoang bahay nito kaya hindi na siya kailangan pang gabayan ng kaibigan. Nakatuon pa rin ang atensyon ni Jemimah sa kaniyang cellphone. Ilang minuto ang lumipas at saka bumaba si Kai suot ang pares na pj's ni Jem.

"Uy, girlfriend mo ba iyong nasa polaroid picture? Nakita ko sa study table mo, nakatiwangwang lang, 'di mo man lang pinaskil o dinisplay," usisa ni Kai.

"Hindi na, noh."

"Hindi na?"

"Oo nga. Bakit mo naitanong?"

"Wala lang. Kape tayo? Magtitimpla ako."

Biglaang aya ni Kai saka pumunta sa kusina, 'tsaka nagsimulang maghalughog ng iinumin.

"Okidoks. Nakalagay sa cupboard. May cup noodles rin diyan. Kuha ka lang."

Hindi na muna ginalaw ni Jem ang kaniyang cellphone at naisipang ligpitin na rin ang natitirang kalat sa sala. Si Kai naman ay abalang nagsalin ng tubig sa takure.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now