Entry #120

51 5 2
                                    

A Woman for Two

by Young Woman

Maingay, masaya, madalas wala sa sarili, minsan malungkot, minsan tumatawa at kadalasan tulala sa harap ng maraming taong nagsisiyahan, nagsasayawan at nagsisigawan. Sana ganun din ang buhay ko upang matagpuan ko ang totoong ako at ang totoong nagmamahal sa akin. Mahirap pala. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Wala kang kaibigang mapagkuwentuhan ng mga desisyon mo, wala kang Ina na masasandalan mo sa mga panahong hindi mo na makilala ang sarili mo at lalong wala kang Ama na iintindi sayo. Saan ka kukuha ng lakas? Magpapaubaya ka na lang ba sa agos ng mundo upang mabuhay at mahalin? Ganun ba kahirap ang buhay ko? Magpapaikot na lang ba ako sa mga taong hindi ako pinapahalagahan? Kailangan ko bang sumandal na lang sa kanila upang umikot din ang mundo ko? Ipagpapatuloy ko na lang ba ang maging tulala na lang sa harap ng mga taong tinatawanan ang sitwasyon ko ngayon?

"Tulala na naman si Maurisse!" Ani ni Vanessa

"Hayaan niyo na yan, mahirap ang sitwasyon niya ngayon." Sagot ni JM, boyfriend ni Vanessa.

"Why not magpalit ka na lang ng name mo?" Si Alexa na naman ngayon.

"Huh? Why?" Si Gary na panay lingon sa lahat ng babaeng nakabikini.

"Diba her Dad made a huge damage sa Government? No one knows your face naman, only your name and identity lang so to make it easier for you to live is to change your name." Usisa uli ni Alexa.

"I agree." Pagsang-ayon ni Vanessa

"Hmmm... Why not 'Melissa'?!" Sabi ni Alexa na natatawa pa.

They laugh.

"Sounds creepy!" Tawang-tawa si Vanessa

They laugh again.

"So Melissa what's your idea?" Sabi pa ulit ni Alexa sabay tawa.

"Maurisse you don't have anyone to lean on, so you don't have a choice. It's for your own good." Kunwaring concern pa si Vanessa.

"You know what? We should enjoy, we are here in BCG to have fun not to plan." Si JM na nakakapansin na ng pagkairita ko.

"Right. Babe. Cheers for our new friend Melissa." Ani pa ni Vanessa at sumasabay sa tawa nila.

Bago pa ako mainis sa kanilang lahat, umalis na lang ako don. Gusto kong mapag-isa, wala naman silang maitutulong sa problima ko. Bakit pa kasi ako nagpunta dito?

"Hey, Melissa where are you going?" Natatawang sigaw pa ni Alexa.

Bitch!

Pupunta sana ako sa CR pero nabangga ako ng lalaking may malalaking braso and thank goodness hindi ako masyadong nasaktan.

"Who the hell are you?" Walang respetong sabi ng lalaking to.

"Ikaw ang bumangga sa akin Mr!" Sagot ko naman.

"Melissa?" Sabi niya pa with a big eyes on him.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what, paano niya nalaman? Nakikinig ba siya sa usapan namin at sino ba to?

"Shit! Melissa. I've been looking for you." Naka drugs ba to?

And he hug me tightly na parang hindi na ako makahinga.

"Bullshit! Who the fuck are you Mr!?" Sigaw ko sakaniya

Sabay sipa ko sa d*ck niya at tumakbo na ako palabas. Iniisip na napakatanga ko kung bakit ko pa naisip na magpa-advise sa mga kaibigan ko at may kumagat talaga sa walang kuwentang palangan ha? Effective. Dire-diretso kong pinaandar ang kotse ko at tuluyan nang umalis sa Bar na iyon. Habang nagmamaneho ako, iniisip ko ang pangalang 'Melissa' at kung bakit hindi ko siya subukan? Papalitan ko lang naman ang pangalan ko, pero bakit may nakakakila kay Melissa at ako? Baka naman nakisabay lang din yon. Pinalitan ko lahat ng account name ko from Maurisse Zamora into Melissa Zamora.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt