Entry #130

63 5 3
                                    

Cruel Destiny

By cha_rixx

"Love doon naman tayo please, I've always wanted to go there with you, that's the most romantic place for me" she asked me while pointing at the seaside facing the sun as it sets.

"We're not going anywhere Creshia, I'm not in the mood for such a nonsense thing" malamig kong sagot dahil sa totoo lang hindi ko na alam ang nangyayari saakin.

Posible din pala na magsawa ka sa tao na kahapon lang ay mahal na mahal mo, posible pala na bigla- bigla na lang mawala ang pagmamahal na nararamdaman mo. Hindi ko inakala na aabot kami sa puntong ito.

Ewan ko ba kung bakit isang araw nawala na lang bigla ang lahat.

Kapag kasi masyado nang matagal ang pagsasama ninyo, masasanay ka na sa ideya na mahal mo siya kahit na ang nararamdaman mo ay nag-iba na.

Love is cruel, it really is, ayokong saktan siya pero ayokong manatili sa isang relasyon na hindi na ako masaya, being selfless isn't my thing. Siguro naman pwede kong unahin ang sarili ko.

"Oh? Gusto mo ba na dito na lang tayo? Pwede kitang lutuan o kung ano man ang pwede kong gawin para maging maayos ang pakiramdam mo, may masakit ba sayo? Gusto mo ng masahe?" akmang pupunta siya sa loob ng condo unit na tinitirhan ko pero pinigilan ko siya.

How can this happen? How can I suddenly fall out of love with such a sweet, beautiful and caring woman? she's perfect but being perfect isn't needed in a relationship, love itself is enough at iyon ang hinahanap ko ngayon sa sarili ko at sa relasyon namin.

"Creshia, we need to talk" napatigil siya nang marinig ang sinabi ko, I know that she can feel it, alam ko na napapansin niya na nanlalamig na ako sa kanya dahil ilang linggo na kaming nasa ganitong sitwasyon at ilang linggo ko na rin na pinipilit ang sarili ko.

"Bakit? May gusto ka ba? Pwede kong ibigay iyon say-" pinutol ko na siya bago pa niya matapos ang sasabihin niya na at baka maawa lang ako sa kanya.

"Creshia stop! Stop doing this! Ayoko nang lokohin ang sarili ko. Pagod na ako, sawang sawa na ako sa relasyon na to, wala na kasi yung kilig na dati ay araw-araw kong nararamdaman. Siguro kailangan na muna nating maghiwalay. Kailangan ko lang pakiramdaman ang sarili ko, sorry."

Tiningnan lang ako ng mga inosente niyang mata, ang mga matang isa sa mga minahal ko sa kanya, mga mata na laging magpapakita ng pagmamahal.

"Gusto mo bang magpahinga? Siguro pagod ka lang, halika ihahatid na kita sa kwarto mo, k-kung ano ano nanaman ang sinasabi ng mahal ko, t- tara na sa loob" pagpapagaan niya ng sitwasyon kahit na umaagos na ang luha sa mga mata niya.

I'm such a jerk! Ayokong masaktan siya pero mas ayokong ako ang masaktan, oo masama na akong tao pero tapos na.

"I'm serious Creshia! Ayoko na"

"A- ayaw mo na? Bakit? Pasensiya ka na may nagawa ba akong mali? Kung meron sorry, dahil ba sa mahirap lang ako? Na hindi ako karapat-dapat na ipagmalaki?parang awa mo na sabihin mo na lang kung ano ang mali, kung ano ang kulang saakin para maayos ko diba? Wag naman ganito, maaayos naman natin ito diba? Sarili mo lang nanaman ba ang iisipin mo?"

Nilapitan ko siya at pinunasan ang mga luhang ako nanaman ang dahilan.

"Wala, ni minsan wala kang ginawang mali, walang kulang sayo, ang tadhana ang mapaglaro, pero sa tingin ko ay hindi talaga tayo ang para sa isat- isa"

"Ganon na lang ba 'yon? Pasensiya ka na ah, sorry kung hindi ko ginawa ang best ko para maging karapat- dapat sayo. Pero mahal, kapag kailangan mo ako, kapag narealize mo na ako pa rin, hihintayin kita, kasi hindi ako magsasawa na paulit ulit na mahalin ka kahit na masakit. Sorry, ako na lang ang aalis"

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now