Entry #184

68 6 3
                                    

For the 13th time
by galaxxisha

I was always left alone.

Buong buhay ko, wala pang relasyon ang nagtatagal sa'kin. Lahat sila ay lagi aking iniiwanan-- mapa-kasintahan man o hindi, kaibigan, at kahit pamilya. I've been a witness of numerous relationships that was being ended... most of it being mine.

Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko, ano bang mali sa'kin at palagi na lang silang lumalayo? Is it because of my attitude? Malabo. Malimit nga lang kaming magtalo. Sadyang dumadating lang 'yung araw na umaalis na lang sila nang walang paalam. Tapos pag muling magkikita, ay biglang 'di na ako kilala.

Or is it because I'm boring? Siguro nga. I'm not the one who is known for engaging conversations, although I try. Lahat sila nagdadal-dalan na samantalang ako nasa sulok, nagbabasa na lang para maalis ang kalungkutan.

Pero... sapat na ba itong dahilan para iwan na lang ako sa ere?

Naaalala ko pa ang unang relasyon na meron ako at 'yun ay sa pamilya. Tuwing gabi, sa hapag-kainan, ay lagi ko na lang naririnig ang mainit na sagutan ni papa at mama. Hanggang sa humantong sa hiwalayan. Iniwan kami ni papa. At kahit kasama ko si mama ay pakiramdam ko, ang layo-layo na niya. Buong atensyon ay nasa bago na niyang pamilya.

Sa kasag-sagan no'n ay lagi kong kasama ang kababata ko. He were able to make me feel less alone and temporarily forget all of the problems I had. Pero laging may hanggang. Dumating na lang 'yung araw na kailangan na nilang lumipat sa ibang lugar.

Maayos naman kaming nakapag-paalam pero makalipas ang ilang taon at muli kaming nagkita? Nilalagpasan na lamang niya ako na parang isang estranghero.

Ang sakit lang isipin na ako na nga 'yung iniwan tapos ako lang din 'yung nakakaalala. Gano'n na ba ako kadaling kalimutan?

Maliban dito ay marami pa akong napagdaanang tulad n'yan. Sa dami ay akala ko dadating din 'yung araw na masasanay na lang akong mapag-isa. Ngalang, mas tumindi lang 'yung paghahangad ko na sana may magtagal.

Napapatanong na lang ako sa itaas, ano bang nagawa kong mali at walang nagtatagal? Buti pa 'yung iba, umaabot ng ilang taon. Ako kaya, kailan?

Hanggang sa isang araw ay may na-diskubre ako sa sarili ko. Nalaman kong kaya kong bumalik sa nakaraan at baguhin ang kasalukuyan ko. Syempre sobra akong natuwa. Naisip ko, siguro ito na 'yung pagkakataon na binigay sa'kin ng Diyos upang buuin 'yung mga relasyon na nasira.

At gano'n nga ang ginawa ko. Unang gamit, sinubukan kong ayusin ang relasyon ng mama at papa ko. Binibigyan ko ng flowers si mama at sinasabi kong galing ito kay papa kahit hindi naman. Sinubukan kong i-kwento kay papa ang mga matatamis na salitang galing kay mama-- pero gawa-gawa ko lang naman ang mga 'yun.

Pagkabalik ko sa kasalukuyan ay halos mapatalon ako sa tuwa noon nang makitang sila pa rin ni papa. Ngunit wala pang isang linggo ay naulit na naman 'yung dati. This time, si mama naman ang nakipag-hiwalay.

'Di bale, naisip ko. Hangga't meron sa'kin itong kakayahan ay kaya ko uling bumalik sa nakaraan at gumamit naman ng ibang paraan.

Pangalawa... pangatlo... pang-apat... pang-lima... Limang beses na pagbalik sa nakaraan at sa wakas! Nang makabalik ako sa kasalukuyan ay sila pa rin ni papa. Umabot ang ilang buwan ngunit hindi pa rin sila naghihiwalayan. Malimit man ang pagtatalo pero atleast hindi nila ako iniwan.

Sinunod ko namang ayusin ang pagkakaibigan namin ng kababata ko at sa iba pang mga naging kaibigan ko. Una... pangalawa... pang-anim... Anim na beses akong nagpabalik-balik sa nakaraan habang sumusubok ng ilang paraan. Sa wakas! Gaya kina mama ay hindi na nila ako iniwan.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now