Entry #166

26 1 1
                                    

A Bestfriend To Be Love

by Dhey_1999

" hoy! Pagong halika kana dito! " sigaw na narinig ko habang palabas ng classroom. "larrica!" muling sigaw nito. Agad ko itong nilingon at naroon nga si Redge ang aking kababata. By the way ako si Larrica isang typical highschool girl hindi gaanong maganda ngunit kahit papaano naman meron akong ibubuga hindi rin ako papahuli sa klase masasabi kong nasa average student ako medyo tamad nga lang.

" kanina pa kita tinatawag ngayon mo lang ako pinuntahan.. engot ka talaga.." biro sakin ni Redge na bahagyang hinimas ang ulo ko.

Sa totoo lang sanay na ko sa ganitong trato sakin ni Redge halos ilang taon na kaming magkapitbahay at halos nakita ko na ang lahat ng pwedeng makita sa kanya kaya ganun na lamang ako awayin ng mga nililigawan nya mas close pa kami sa mga nagiging girlfriend nya.

" kumain kana ba? Kung hindi pa sabay na tayo.." nakangiting pagyaya ni Redge sakin sasagot na sana ako ng may lumapit sa kanya.

" Ahh.. Redge pede ba kitang makausap sandali?" marahang tanong ng nito

" Pasensya na Abby pero... kasi... kakain pa ko pwede bang i-text mo na lang" marahang tumingin sakin si Redge. Sa titig nya alam kong gusto niyang iligtas ko siya kay Abby pero noong huli ko yung ginawa sinabunutan ako ng Ex nya. bahagya akong huminga bago tuluyang nagsalita.

" Ayos lang kakain na lang ako mag-isa" na kangiti kong sabi kay Abby " Yun naman pala.. halika na" pagkasabi'y agad na hinila si Redge palayo.

Sa lahat ng Ex ni Redge si Abby ang ayokong kalaban Presidente kasi siya ng student council at malakas ang nanay nya kahit kanino kaya naman walang gumagawa ng masama laban kay Abby tingin ng lahat ng tao isa siyang anghel.. naku! Kung di lang alam ng nanay niya sobrang wild nya pagkasama ang mga lalaki.

Nang makaalis na sila ay agad na kong bumaba para kumain.

'ikaw lang mag-isa?' boses ng isang lalaki.

" Ikaw pala yan Marc.. kain? Kumain kana ba?" aya ko kay Marc ang masugid kong manliligaw since first year. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na siyang ni-reject pero heto at nanliligaw na naman siya.

' makita lang kitang busog parang busog na rin ako' nakangiting sagot nito.

'Eh bakit masmukha kapang gutom sakin' mula sa likod ay lumapit si Redge.

' Ano bang sinasabi mo? Maupo ka nga' inis na sabi ko kay Redge.

' Gusto ko lang naman sabihan tong lalaking toh na... hindi kaba nadadala? Kelan ka titigil ng kakahirit mo at yang mga bulok mong linya' inis na sabi ni Redge habang papalapit samin.

Bago pa tumaas ang tension agad na kong tumayo.

" ahh.. Marc..pasensya na..pede bang sa classroom na lang tayo magkita" nahihiya kong sabi kay Marc agad namang umalis si Marc.

'Bakit mo pinaalis?' tanong ni Redge.

"Hindi ko yun ginawa para sayo! Ayoko lang ng gulo" diyan ka na nga. Agad kong kinuha ang mga gamit. Nang akmang aalis na ako biglang hablot nito pabalik sa upuan gulat ako nang maramdaman kong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa bahagya kaming nagkatinginan at agad na bumalik sa ulirat.

"Ano bang ginagawa mo! Hindi na tayo mga bata para gawin mo sakin yan!" galit na sabi ko sa kanya. Agad akong tumayo, kinuha ang gamit at umalis.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now