Entry #127

98 3 1
                                    

Huling Disyembre

by iamsaffi89


"Sige nga, sabihin mo nga "I love you!""

"Matapang ka ba talaga?"

"Ay, wala 'to. Weak! Weak!"

Naririnig kong kantyawan at tawanan ng mga ka-trabaho ko. Iniinis nina Chef Paulo, Chef Sammy, Irene at Pat si Zoe dahil may crush ito sa'kin. Sinasabi nilang sabihan niya akong "I love you" kung totoo ngang may gusto siya sa'kin. Nakatahimik lang ako rito sa tabi at naghihiwa ng mga prutas para sa fruit salad. Nandito kami sa cold kitchen at wala pa naman gaanong customers dahil kalagitnaan pa lang ng araw.

"Ano? Gusto mo ba talaga?" Narinig kong tanong ni Chef Paulo, ang aming head chef.

Hindi ko nakita ang reaksyon niya pero matiim ko silang pinapakinggan.

"Oh, sige nga, patunayan mo." Natatawang sabi ni Irene sa bestfriend niya.

"Go, Zoe! Kaya mo 'yan!" Pag-cheer pa sakaniya ni Pat.

Doon ay nag-angat na ako ng tingin dahil 'tapos na ako sa ginagawa ko. Nakita kong nakatingin si Zoe sa'kin. May ngiti sa mga labi niya at nahihiyang sinigaw ang kanina pa nila gustong sabihin nito sa'kin.

"I love you! I love you, Evan!"

Pulang-pula ang mukha niya. Pagkasabi niya niyon sa'kin, mabilis siyang lumabas ng cold kitchen.

"Whoo!"

Nagtawanan at naghiyawan pa ang mga kasama namin.

Napailing na lang ako habang mayroong maliit na ngiti sa labi ko. Inaamin ko, natutuwa ako kapag inaasar ako kay Zoe. Noong una, tinutukso-tukso niya ako at hindi ko pinapansin dahil hindi naman kami ganoon ka-close. Hinahayaan ko lang siya dahil baka wala siyang mapag-tripan. Nakilala ko si Zoe isang buwan na ang nakalipas. Isa siya sa mga intern namin dito sa restaurant kasama niya sina Irene at Pat.

Mabilis lang namin silang naka-close, lalo pa at dito sila sa kitchen naka-assign. Hindi ko alam kung saan nagsimula pero isang araw, napansin ko na lang si Zoe na lagi akong niloloko at binibiro. Minsan, sinasakyan ko iyong pagbibiro niya. Minsan naman, kunwari ay naiinis ako pero tinatawanan lang niya ako kasi alam niyang hindi naman totoo.

At nito ko lang nalaman na kaya pala siya natutuwang biruin ako dahil crush niya ako. Nalaman ito ng buong staff dito sa kitchen kaya simula noon kapag nagkakasama kami, dito man sa cold o hot kitchen, binibiro na nila kami. Sa totoo lang ay ayoko pansinin dahil baka hindi naman seryoso si Zoe. Ngunit kahit anong hindi ko pagpansin, nagsimula na rin akong matuwa sa mga biro niya. Nakakatuwa pagmasdan iyong mga ngiti at tawa niya. Oo, may gusto ako kay Zoe pero natatakot akong sabihin sakaniya at hindi ko alam kung bakit.

Sa paglipas ng araw, wala namang nagbago samin ni Zoe. Gano'n na rin dito sa aming trabaho.

"Chef Evan, sino 'yong isang intern? Iyong maputi?"

Napatingin ako kay Jason, isa siyang on-call waiter dito sa restaurant kapag may event. Sakto namang pumasok si Zoe rito sa cold kitchen kaya sabay kaming napatingin ni Jason sakaniya.

"Chef Evan, may mga plato pa ba? Maglalagay lang ulit kami sa buffet table."

"Ito, mayroon ng bagong hugas dito."

"Pakilala mo naman ako, Chef." Bulong sa'kin ni Jason.

Nang makalapit samin si Zoe, nagsalita na ako.

"Zoe, si Jason nga pala."

Ngumiti si Jason kay Zoe. "Hi, Zoe!"

Tumango lang si Zoe sakaniya at kinuha na iyong mga plato na napatuyuan na rito sa lababo. Kukunin na niya iyong huling plato nang biglang aabutin din ito ni Jason. Imbes na iyong plato ang mahawakan niya, kamay ni Zoe ang nahawakan niya.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon