Entry #115

85 7 3
                                    

The Wedding

by Aldria

I can remember the days we've been together. I used to give you letters back then. You never tell pero alam ko na napapangiti ka habang binabasa mo ang mga sulat ko. 'Yon ang alam ko dahil 'yon ang nakikita ko. With that, I knew that there's something between us. We are more than friends but less than lovers. Ano nga ba tayo?

Hindi na importante kung ano tayo noon 'cause look at us now. Nasa simbahan na tayo and it's the most special event of your life.

You are so gorgeous in your wedding gown. You're smiling with tears on your cheeks. I know you are so happy at this moment. At ito ako, naluluha rin habang pinagmamasdan kang dahan-dahang naglalakad patungo sa direksyon kung saan ako nakatayo. I can't help myself staring at your beautiful face. And all the memories bring back from where it all started.

"Why are you looking at me like that?" you asked with curiosity. Nasa bench tayo nakaupo noon. Bitbit mo pa ang librong kakabili mo.

" I just can't help it. You are so beautiful!" prangkang sagot ko. Hoping you can see the love in my eyes just by gazing at you.

"Duh! Alam ko namang maganda ako, 'no," natatawa mo pang sagot sabay hampas sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay mo at inikot ang katawan ko paharap sa iyo.

"I promise I am going to marry you someday." Bigla ka namang natigilan sa sinabi kong 'yon. Binawi mo ang kamay mo kaya nakaramdam ako ng hiya.

"I'm sorry! 'Di ko dapat sinabi 'yon," dagdag ko pa nang na-realize ko na baka masyado kitang binigla.

"Tara?" Sabay tayo sa kinauupuan natin at nauna ka na ring naglakad.

ONE night you called me. Umiiyak ka na naman. Agad kong kinuha ang susi ng kotse at pumunta agad sa inyo. I don't know what happened. All I know is that you needed me. Pagka doorbell ko ay ang mama mo ang nagbukas ng gate.

"George, it's late. May problema ba?" takang tanong niya. Agad ko namang naisip na baka hindi nto alam na umiiyak ka.

"Makikitulog po sana, Tita," kamot-ulo kong palusot. Agad akong nagtungo sa kwarto mo. And when I opened the door, yakap mo agad ang bumungad sakin.

Ayaw ko nito. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Ilang oras na akong nasa inyo ngunit hindi ka man lang nagku-kwento. Wala man lang akong nagawa bukod sa pakinggan kang umiiyak. Hindi mo namalayan na nakatulog ka na. Pinagmamasdan kita. You are so beautiful especially with those thin rosy lips.

I woke up with you beside me. I smiled when I saw you staring at me. Sana ganito araw-araw.

"Hi!" I whispered.

"Thank you!" pabulong mo ring sagot.

"For what?" taka kong tanong sabay hila sayo palapit sakin.

"Thank you for always being there for me. For all the times that I am alone, for listening, for laughing with me, for crying with me. To all the craziness, all the downs, and ups. To all the worst and the best. Thank you!" mahabang eksplinasyon mo. You looked at me as if I am the only one you can see. At ang sarap sa pakiramdam no'n.

"Drama mo naman!" natatawa kong sagot pero ang totoo natutuwa ako sa mga sinabi mo. You don't know how happy I am when you said those words, Anna.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko na nanggigilid na naman ang mga luha mo.

"O, bakit?" Napabangon ako mula sa pagkakahiga at hinaplos ang pisngi mo.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon