Entry #205

84 7 11
                                    

Lemniscate Mind 

by Ayanna_lhi



I don't like him, I really don't!

Kung paano siya tumayo, paano siya maglakad, ngumiti, at magsalita, hindi ko gusto lahat 'yon! Sa t'wing nakikita ko siya buong hormones ko sa katawan ang naiinis.

If you'll ask me why? I don't know either. I just don't like him.

Pero bakit ganito? Bakit may hindi ako mapangalanang nararamdaman ngayon sa loob ko? It's so hard to distinguish what is this, mas madali pang e-solve ang algebra at arithmetics dito eh!

"Yella," he called my name with his baritone voice. Kasunod nito ay ang hiyawan ng mga kaklase ko na agad din namang tumahimik para pakinggan ang sunod na mga sasabihin ni, Ron.

"Iodine, Lanthanum, Yttrium, Potassium, Uranium," he said. Agad na kumunot ang noo ko, ano na namang pautot nito?

"Anong pinagsasabi mo?" iritado kong ani. Nakatayo ako sa gitna ng classroom namin, si Ron ay naka-upo sa teacher's table, ang mga classmates ko naman ay nakatayo sa likuran. I remained standing 'cause my classmates won't allow me to sit down. Pinagkakaisahan nila akong lahat.

"Ano ang symbol ng mga periodic elements na sinabi ko?" I glared at him. Why not he asked himself? Alam kong alam niya ang sagot kaya bakit niya ako tinatanong?

I sighed in defeat, saglit akong pumikit at inalala ang mga sinabi niya. Nang makuha ang sagot ay mayabang ko siyang hinarap.

"I, La, Y, K, U," taas noo kong sambit. That's just basic, anong akala mo hindi ko 'yan masasagotan? He bit his lower lip, stiffling his smile.

"Ngayon ay basahin mo 'yan nang deritso," he commanded.

"I LaYK U," humina ang boses ko sa huling pantig na sinambit. My jaw dropped when realization hits me. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras, despite of the chaos my classmates are making pakiramdam ko ay ang tahimik ng paligid, wala akong ibang naririnig kun'di ang dahan-dahan ngunit malalakas na pintig ng puso ko. I breathed heavily. Napaatras ako nang tumayo si Ron mula sa pagkaka-upo.

"Watashi wa anatagasuki in Japan, Ego similis tibi in Latin, I like you in English, gusto kita sa Tagalog." Bigla ay parang gusto kong sumabog, from slow pumps of beat, bigla ay parang tumakbo ako sa karera sa lakas ng pintig ng puso ko.

How it all started? It slowly harken back on my mind.

"Watermelon watermelon papaya, papaya-," natigil ang pangunguna ko sa pagkanta nang may kumatok sa pinto. The teacher then excused herself para harapin ang bisita. I curiously look at the door to see who it is, kung principal 'yan o member ng faculty agad akong babati ng magandang umaga.

But instead of seeing a faculty member, I saw a boy our age together with his mother. Pinapasok siya ni teacher at pinakilala bilang isang transfery.

"Class, this is Roñiel Imago he's a transfery student. Be good to him okay?"

"Okay ma'am," we said slowly in unison.

The first time our eyes laid to each other, agad akong nairita. Pairap ko pang iniwas ang tingin sa kaniya.

"Wow class, matalino pala itong si Ron. His grades are excellent!" Nang marinig ko ang sinabi ni teacher, I felt threatened. Ako ang pinakamatalino sa class namin kaya baka masapawan niya ako.

Since first day iritado na talaga ako sa kanya, hindi 'yon nawala hanggang sa sumunod na school years.

"Dapat green ang mangga hindi yellow," puna niya sa drawing ko. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Grade three nang maging seatmates kami, ang pinaka-ayaw kong school year.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now