Entry #195

71 1 1
                                    

THE SEARCH

by ssiligaya

Tanging ingay lamang ng TV ang bumabalot sa pagitan nina Edriel habang nakahiga si Andrea sa braso ng binata. Umurong nang kaunti si Andrea para lumayo sa binata ngunit isinunod nito ang katawan niya upang mapalapit ulit sa dalaga.

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Andrea at pinagiisipan ang sasabihin nito kay Edriel. Ipinikit niya sandali ang kanyang mga mata habang nanunuyo ang kanya lalamunan at patuloy ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa kaba.

"Edriel?" tawag nito sa binata, agad na napunta ang atensyon ni Edriel sa kinakabahan na si Andrea. Nagtaka ang binata dahil sa pagtawag nito sa kan'yang pangalan. Agad na hinalungkat ni Edriel ang kanyang isipan kung may nagawa ba siyang kasalanan nitong mga nakaraan niyang ginawa ngunit wala siyang natatandaan.

"Yes, baby?" malambing na tugon ni Edriel dahil alam niya sa sarili na wala siyang ginagawang kalokohan.

"I-I just want to rest," nauutal na saad ng dalaga nang hindi man lang napupunta ang mga tingin nito sa binata.

"Then rest, here." Itinuro ni Edriel ang brasong inuunan ng dalaga kanina ngunit umiling ito bilang pagtugon. "What do you mean by rest, baby?" Agad na kumunot ang noo ng binata at nagtatakang tumingin sa kasintahan.

"Let's stop this po muna, hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Hindi kita maramdaman, kahit na sino, hindi ko maramdaman. Napapagod ako, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. I can't even find myself happy anymore, gusto ko maging masaya," mahabang paliwanag ng dalaga habang namumuo na ang mga luha sa mata. Humarap si Edriel at hinawakan ang pisngi ni Andrea at pilit hinuhuli ang mga tingin nito.

"I'll find a way to make you happy, don't do this, I don't want to lose you, bb. Nalampasan natin 'yan noon, I know we can do this again," unti-unting nababasag ang boses ng binata habang sinasabi niya iyon kay Andrea. Umiling si Andrea bilang pagtugon.

"I want to do this by myself, Edriel. Hindi laging ikaw ang gagawa ng paraan para makita ko ang sarili ko. Paano kung hindi pala tayo in the future, paano ako? Maiiwan ako samantalang ikaw kaya mo, please. Let me do this by myself this time. Let me find myself on my own," halos magmakaawa na si Andrea para lamang pumayag si Edriel ngunit matigas ang binata. Hindi ito pumapayag sa desisyon ni Andrea dahil alam niya sa sarili niyang sila talaga ni Andrea para sa isa't isa.

"No, baby. I love you, please don't do this to me, hindi ko kaya," patuloy na ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ni Edriel, halos nagsisipag-unahan na itong lumabas.

"Alam ko at kung talagang mahal mo ko, you'll give what I want. Let me go, Edriel, baka ito na rin 'yong way para makita ko ang sarili ko sa 'yo." Unti-unting tinatanggal ni Andrea ang pagkakahawak ni Edriel sa pisngi nito. Parehong nagsipagkawalaan ang mga luha sa kanilang mga mata.

"This is the worst," ngumiti si Edriel ngunit bakas pa rin sa mga mata nito ang sakit na nararamdmaan niya ng mga oras na ito. "Okay tayo, e, okay tayo. Alam kong wala kang iba, kaso mas masakit pa pala ito sa may iba ka, dahil 'yong taong gusto mong makasama sa hinaharap hindi ka makitang kasama," wika niya habang patuloy pa rin ang pagluha. Ginawang pamunas ni Edriel ang likod ng palad nito. Mukha itong batang inagawan ng lollipop sa mga oras na iyon.

"I'm sorry, Edriel, kung ang saktan ka ang tanging paraan para unti-unti mo akong bitawan at tanging daan para sa unang hakbang ng paghahanap ko sa sarili ko, then I'll do ito. Sasaktan kita nang sasaktan hanggang sa bitawan mo ako," hindi makapaniwala si Edriel sa narinig niya kay Andrea. Tumawa ito at umiling, tumingin siya kay Andrea na panay iwas ang tingin.

"Kung makita mo muli ang sarili mo sa akin, maghihintay ako, hihintayin kita. Kasi gusto ko, ikaw ang ngayon pati na rin sa hinaharap ko. Mahal kita Andrea, alam mong mahal kita." Matipid na ngumiti si Edriel at tumayo, muli niyang hinuli ang tingin ni Andrea, bakas pa rin sa mga titig ng binata ang pagmamahal sa dalaga. Ngumiti itong sandali at hinalikan ang noo ng dalaga. "Maghihintay ako, hanggang sa mahanap mo na ang sarili mo, ituloy mo ang mga pangarap mo, supportado kita sa mga mararating mo, ako pa rin ang number one reader mo, okay?" muli niyang saad at binigyan nito ng isang ngiti si Andrea at tumalikod papalabas ng pinto.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now