Entry #199

86 2 6
                                    

Litrato
by anneiluj

Nakatingala ako sa langit, habang iniisip kung gaano ako pinakikilig ni crush kapag nakikita ko s'yang nakangiti. Kung paanong nabibigyan n'ya ako ng inspirasyon sa araw-araw. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti kapag naiisip sya, bumibilis ang kabog ng dibdib ko kapag naririnig syang tumawa, pakiramdam ko natutunaw ako tuwing nandyan sya.

Hinawi ko ang aking buhok dahil sa ihip ng malakas na hangin. Alam ko at ramdam ko na para akong baliw na nakangiti sa kawalan, kaso hindi ko talaga magawang pigilan ang kilig na kumikiliti sa'king puso.

Natigilan ako at agad napalingon sa hallway, naagaw ng liwanag ang atensyon ko. Nasisiguro kong galing 'yon sa flash ng camera. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto na ang lalaking iniisip ko ngayon ay nasa harapan ko na, Hawak nito ang kanyang cellphone at mabilis na iniwas iyon sa tapat ko. Puno ng gulat ang kanyang reaksyon ng makita ang nagtatakang tingin ko.

Hindi ko maiwasang hindi mag-assume pero umaasa ang puso ko. Baka ako talaga ang kinukunan nya ng litrato? Sinubukan kong wag magpahalatang kinikilig pero parang kinikiliti ako sa sobrang saya. muntik ng kumawala ang ngiti sa'king labi, buti na lang mabilis ko itong nakagat, baka makita kasi iyon ni crush. Umayos ka nga self!

Sa ilang segundo, pakiramdam ko ang daming nangyari. Pumasok sa isip ko na lumapit agad sa kan'ya at sabihin ang nararamdaman ko. umiling ako, agad pinangunahan ng takot at kaba, baka mapahiya lang ako. hindi naman kami close baka mabigla sya kapag ginawa ko 'yon.

Ano ba ang dapat na maging reaksyon ko? Dapat ba magalit ako, mag-hi o hello? Nalilito ako sa gusto kong sabihin sa kan'ya. Mula sa likod nakarinig ako ng tawanan, halatang nagkakasiyahan ang mga 'to. Nawala ang saya ko at napalitan iyon ng lungkot. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Alam kong talo ako sa lahat ng bagay at angulo sa kan'ya. Sa tuwing nasa harap ko ang babaeng iyon, pakiramdam ko anino lang n'ya ako at alam kong hindi ako mapapansin kapag nandyan sya.

Dahil sa nangyari parang na pahiya ka sa buong school kahit na ang totoo, sa sarili ko lang naman. Umasa ako. Akala ko, Ako ang gusto nya. Mabilis akong napayuko. Nalulungkot ako sa katotohanan na hindi ako ang gusto niyang kunan ng litrato, kundi 'yung kaklase kong walang kamalay- malay sa likod. Oo, Gusto sya ng lahat dahil natatangi s'ya. samantalang ako... imposibleng magustuhan dahil anino lang naman ng kung sino.

Ganyan ko tignan ang sarili ko... kung ako ba sya? mapapansin na ba ako ng iba? Makikita rin kaya nilang special ako at magugustuhan rin kaya nila ako? Sayang hindi ko kaya maging katulad n'ya. Bagsak ang balikat kong naglakad papunta sa lugar kung saan nakatayo si crush. Bat ako mahihiya? Hindi naman nya ako kilala.

"Naomie!" Natigilan ako at agad na napalingon, mabilis na kumabog ang dibdib ko. Paano nya nalaman ang pangalan ko? Nataranta ako, anong gagawin ko? kinakausap ba ako ni crush? Pero ako lang naman ang may naomie na pangalan dito. Baka mali lang ako ng rinig, baka lucky me 'yon. Gusto ko matawa sa isip ko pero hindi ito ang tamang oras para magmukha akong tanga sa harap ni crush. Agad akong naglakad dahil sa sobrang hiya, ngunit halos manlambot ang tuhod ko ng bigla syang humarang sa harap ko, pinilit kong magpatuloy sa paglalakad kaya lang nadagi ko sya at hindi ko sinasadyang mahulog ang cellphone nya.

Nakailang beses akong napalunok at napapikit sa nangyari, Parang gusto ko ng kainin ako ng lupa sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa ako nakakagawa ng kahihiyan, Nung nakita kong dadamputin ni crush ang kanyang cellphone, inunahan ko agad sya.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now