Entry #151

55 2 2
                                    

Miracles of December

by tiramissyoulikecrazy

We were the King and Queen of Hearts since our High School days. Nag-aaral kami sa iisang university at hindi sa pagmamayabang pero hinahangaan kami ng lahat dahil sa pagiging campus sweetheart namin. We were together since High School up to College. Hindi na kami nagpahihiwalay. Kahit may dumarating na pagsubok sa relasyon namin ay palagi namin itong nalalampasan. Because we understand each other.

Hanggang sa dumating ang panahon na nagkatrabaho na kami. Naging busy na kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Isa na akong doktor at si Austin naman ang nagpapatakbo ng kompanya ng pamilya nila. Aaminin ko, hindi na kami nagkakaroon ng oras sa isa't-isa dahil abala kami sa trabaho.

It was Christmas day when we were at the restaurant for a date. Maaga siyang dumating kaysa sa akin. Nang makita ko siya ay halata sa mukha niya ang pagod. Nagpahinga ba siya? It's Christmas so needs to take a rest for the mean time. Hindi ko na lang pinahalata ang pag-aalala ko para sa kaniya at binati siya.

"Hello, love." Humalik siya sa pisngi ko. "How are you?" tanong ko nang makaupo ako sa upuan.

"I'm fine." Pati ang boses niya ay halatang pagod na rin.

"Its been a while mula noong huli tayong nag-date. I guess, pambawi natin ito sa isa't-isa dahil pareho tayong walang ti—"

"I'm breaking up with you." Kusang tumigil ang bibig ko nang sinambit niya ang katagang iyon. Bigla na lang uminit ang gilid ng mga mata ko.

Tumawa ako, "'Wag ka ngang magbiro nang ganiyan. Pasko ngayon kaya kailangan nating mag-celebrate."

"I'm serious." Kusang tumulo ang mga luha ko nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. "I'm sorry," dagdag.

"W-why?"

"I don't know what's happening to me. Wala na akong time para sa 'yo. So—"

"So you're choosing your career instead of choosing your girlfriend?"

Dahan-dahan siyang tumango at napayuko na lang. "I'm really sorry."

Nagtuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga luha ko habang unti-unting tinatanggap ang katotohanan na nakikipaghiwalay na siya sa akin. Nanginginig na rin ang mga kamay ko.

"I can't believe you," umiiyak na sambit ko. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng restaurant.

It was Christmas day when he decided to choose his career over me.

Unang araw ng disyembre ngayon at tahimik kong pinagmasdan ang paligid ng ospital. Nakatayo ako sa labas habang ninanamnam ko ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko na ang diwa ng pasko.

Nagulat ako nang may biglang sumulpot na babaeng intern sa gilid ko at tinanong ako. "Senior, do you believe in miracles?" tanong niya nang may nakita kaming pasyente na pa-discharge na. She used to call me Senior because I was her mentor in this hospital.

I froze. May bigla akong naalala sa tanong na iyon. Tinanong rin kasi ni Austin sa akin 'yon noon. The guy who left me three years ago.

I smiled, "Yeah." Tinanong niya ako kung bakit. "Because miracles gives us hope. Lahat ng naniniwala sa miracle ay nagkakaroon ng pag-asa para mabuhay, magsimula ulit, at magbago."

Nakita naming sumalubong sa pasyente ang asawa niya. "Nagmahal ka na po ba, Senior?" Sunod na tanong ng intern.

I faced her, "Yeah. I had a boyfriend before. We were together since High School up to College but he choose his career over me so... we b-broke up."

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now