Entry #161

77 5 2
                                    

After Life Wish

by augcloite

Kalat na ang madilim na gabi sa buong kalupaan. Ngunit, sa kinalalagyan ni Mito ay tila hindi man lang sumisilay ang buwan. Gano'n pa rin tulad no'ng unang napadpad siya rito. Kulay kahel ang kapaligiran na napalilibutan ng animo'y mga bulak na may naglalakihang mga ulap. Maging ang liwanag na nagmumula sa libo-libong mga bituin ay kalat na kalat sa buong paligid

Tanaw niya mula sa malawak na lawa ang makukulay na ilaw ng buong siyudad. Halos gabi-gabi ay iyon ang nakikita niya. Hanggang sa lumitaw ang imahe ng isang babae. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nakita. Ngunit agad din iyong napalitan ng lungkot.

"Mito."

Napalingon siya sa isang nilalang na tumawag sa kanya. Kahalintulad nito ang kasuotan niyang puting tela na hanggang galang-galangan ang manggas at hanggang sakong ang haba. Ngunit mas nangingibabaw ang gintong baluti nito na siyang mas nakapagpakisig sa anyo nito.

"Ikaw pala, Raziel," nakangiting turan niya rito.

"Ba't ka pa naririto sa lawa?" tanong pa nito nang tumabi ito sa kanyang kinatatayuan. Dumungaw din ito sa lawa at napatangu-tango sa nakita. "Pinagmamasdan mo na naman ang taga-lupa."

"I just..." Marahas siyang bumuntonghininga. "I can't stop looking at her, Raziel."

"Gaganapin na ang huling hatol bukas," anito na ang paningin ay nananatiling nasa lawa. "Mas mainam na hindi mo na isipin pa ang taga-lupa. Hindi ka na tulad ng dati, Mito."

Muli, isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Nakatakdang mapabilang si Mito sa hanay ng mga anghel sa langit. Gano'n pa man ay hindi niya makuha na maging masaya. Kailan nga ba siya naging masaya? Isang bagay lang naman ang nakakapagpasaya sa kaniya...

Her smile. That's what makes him happy even in after life. Ngunit ngayong nasa kabilang parte na siya ng sanlibutan, kung saan ay malayo sa kaniyang kasiyahan, ay hindi niya magawang matuwa.

"Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Mito," saway sa kaniya ng katabi na mukhang nababasa ang kaniyang iniisip. "Ang lahat ay naaayon sa Kaniyang mga plano. Matagal na panahon nang nakatakda ang magiging buhay mo rito sa kinalalagyan mo ngayon."

"Hindi gano'n kadaling kalimutan ang naging buhay ko sa lupa," aniya at hinarap ito. "Kung alam mo lang ang sakit na nararamdaman ko, Raziel. Maiintindihan mo ako."

Napailing na lamang ang anghel sa tinuran niya. "Mito, hindi Niya pahihintulutan ang isang bagay kung ito ay hindi nakatakdang maganap. May dahilan ang lahat ng bagay sa mundong ibabaw, maging dito sa ating kinalalagyan."

Hindi umimik si Mito. Bagkus ay pinagsawa niya ang paningin sa malawak na lawa. All his life, he always wished to be with his love — to be with Sierra. Kung sana lang ay pwede siyang makabalik sa panahong iyon, wala siyang ibang gagawin kung 'di ang iparamdam sa dalaga ang kaniyang pagmamahal.

But it will never happen again. He can never turned back in time. Bumigat ang pakiramdam niya sa isiping iyon. Nasa langit na siya't lahat ngunit hindi pa rin maalis ng kinalalagyan niya ang lahat ng lungkot na naipon sa kaniyang sistema.

"Ano ba ang iyong nais, Mito?" makahulugang tanong sa kaniya ni Raziel.

"Siya," pagtukoy niya sa imaheng nasa lawa. "Siya ang gusto ko. Na sana, kahit sa huling pagkakataon ay makita ko siya."

"Ngunit alam mong imposible iyang kahilingan mo, Mito," paalala pa ng anghel. "Hindi ka pahihintulutan ng langit sa nais mo."

Bumagsak ang mga balikat niya sa sinabi ni Raziel. Ilang dekada na ang nakararaan magmula nang mawalay siya sa dating kasintahan. No'ng mga panahong iyon, napakasaya pa niya sa piling ng minamahal.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now