Entry #180

66 3 5
                                    

Dekada't Dalawa

by SiPressNaman

A smile form on my lips ng makita ang engagement ring sa daliri ko. A ring that signify truthfulness, purity, and love. Naghintay ako sa loob ng halos isang dekadang relasyon naming dalawa. Hindi pa man kami kasal ay natatawa na akong isiping, pinagdaanan na namin ang lahat.

Mula pagkabata kilala ko na siya. Tanda ko pa ngang lagi niya akong ipinagtatanggol kapag may umaaway sa 'kin. Noong junior high school ay over protective rin siya, especially sa mga lalaking umaaligid at sinusubukan akong ligawan.

Nitong senior high hanggang college same treatment pa rin. Ang kaibahan nga lang ay umamin na siya, na gusto niya ako. Akala ko nagbibiro lang ito kasi wala man lang ekspresyon ang mukha niya. Sabagay, lagi namang gano'n. Kaya halos lahat ng tao liban sa 'kin at sa totoong nakakikilala sa kaniya'y inaakalang masungit ito.

Well, hindi ko rin maitatangging may itsura siya. Nainis din ako sa mga babae at sa hindi tunay na lalaking nagkagusto rito noon, ah, hanggang ngayon pala. Nakaaakit ang karisma nito, lalo na 'yung labi niyang una kong tinitingnan. Oo nga't nagki-kiss kami kaso sa pisngi, noo at sa kamay ko lang. Ipinangako kasi nitong sa araw ng kasal namin 'yun gagawin.

At ito na nga, ang araw na pinakahinihintay ko. Hindi gaya ng iba ay simple ngunit alam kong dadalhin ko habang buhay ang experience na 'to. Nakabawas pa nga sa gastusin ang wedding dress na suot ko ngayon dahil sa Mom niya. Tradisyon na sa kanila ang magpasa ng mga wedding gowns kaya hindi na kami umarteng iyon din ang gamitin.

Dahil siguro isang beses lamang magamit sa halos ilang taon, sakto at akala mo'y ginawa rin ito for me. Pasok 'yung haba, designs, lahat. Napanaginipan ko pa ngang suot ko na ito hindi ko pa man nakikita. Nakalaan na talaga kaya gagawin ko ang lahat para hindi masayang.

"Ate? Ready ka na?"

Tumango ako sa tanong ng kapatid ko, tatayo na rin sana ng pumasok ito ng tuluyan at yakapin ako bigla. Pinigilan kong umiyak dahil ayokong humulas ang make-up ko. Titiisin ko at siguradong hindi lang siya ang yayakap sa 'kin mamaya. Nandiyan pa ang mga magulang ko pati ng sa pinakamamahal ko.

"Huwag kang umiyak, hindi ka naman iiwan ni ate, magpapakasal lang ako." biro ko sa kaniya bago ito naunang bumitaw.

Pinigilan ko rin siyang magsalita at baka lalo kaming matagalan. Pumasok na rin sina Papa at Mama rito sa loob ng pinagbihisan ko. Tinitigan ko silang tatlo at kahit hindi kami magsalita ay buong puso akong nagpapasalamat sa pagmamahal at suportang ibinigay nila.

"Let's go?" untag sa 'kin ni Papa kaya umangkla na ako sa braso nito.

Lumunok ako ng ilang beses at naramdaman niya yatang kinakabahan ako kaya pinisil nito ang kanan kong pisngi. Isa 'yun sa paraan niya na ginagawa rin nito sa kapatid ko, kapag alam niyang pinanghihinaan kami ng loob. Ngumiti ako para mawala agad ang tensyon. Tumingin ako sa unahan at alam kong sa kabila ng pintong 'yan, ilalaan ko ang puso ko sa isang tao.

Pumailanlang ang isang kanta bago bumukas ang pinto. Humakbang ako habang nililingon isa-isa ang mga taong dumalo sa araw na 'to. Saksi rin sila sa lahat ng nangyari at hindi kami iniwanan. Sa mga bisita ay isang lalaking nakaputi ang pinakatitigan ko. Alam nitong malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

Nagngitian kami bago bumalik ang tingin ko sa unahan. Nandoon siya, naghihintay. Mga ilang hakbang pa ang layo ko rito ay halos tumulo na ang aking luha. Gusto kong humingi sa kaniya ng tawad. Sa lahat ng kakulitan, katigasan ng ulo, at pagtatampo. Tiniis niya 'yun dahil mahal niya ako, gano'n din ako sa kaniya.

Naputol lamang ako sa pag-iisip nang alisin ni Papa ang kamay ko sa braso niya't naghandang ipasa sa iba. May nabanaag akong hesitation at lungkot sa kaniya dahil ng malaman niyang ikakasal na ako ay nalungkot siya. Nagbiro itong ang daya ko raw dahil ang bilis kong lumaki, may sarili ng buhay ang prinsesa niya.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now