Entry #170

83 5 3
                                    

HE CHEATED BECAUSE I MADE HIM DO

by Miss Selfless

"Cedi, I have something to tell you." Tumango lang siya dahil hindi niya magawang alisin ang mga mata sa proyektong ginagawa.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba o hindi. Naging dahilan iyon ng pananahimik ko na ikinalingon niya.

"What is it my love?" tanong niya bago ibinalik muli ang kaniyang paningin sa laptop.

Ibinuka ko ang bibig pero walang salitang gustong lumabas kaya tipid akong tumikhim bago nagsalita. "Forget it. Hindi naman masyadong importate."

That night was my only chance to tell him everything but I became coward. Ayokong masaktan siya ng dahil sa mga sasabihin ko. Mahal ko siya kaya wala akong lakas para wasakin ang puso niya ng dahil sa isang makasariling desisyon.

"Cedi, can I ask you a favor?" tanong ko sa kaniya isang araw.

Hinalikan niya muna ako sa noo at hinaplos ang mukha bago tumugon.

"Anything my love." Malambing niyang ani.

I have a cousin that likes him from the moment that she saw him. Hindi ito lingid sa kaalaman ko dahil sinabi niya sa akin bilang respeto raw sa relasyon namin at respeto bilang pinsan ko. Wala naman akong problema doon dahil nangako siyang hindi manggugulo. Masaya pa nga siya para sa akin.

"Pwede mo bang samahan si Lindsey sa mall? Hindi ko kasi siya masasamahan dahil may mga kailangan akong tapusin."

Agad naman siyang pumayag at isa iyon sa mga minahal ko sa kaniya, ang pagiging mabait. Hindi ako nagsisising nakilala ko siya. Masuwerte pa nga ako dahil sa kabila ng dami ng nagkakagusto sa kaniya, ako ang minahal niya. He made me feel loved and special in his own ways. Araw-araw niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano niya akong iniingatan. His words and actions are more than enough to prove his love for me. Hindi ko nagawang kwestiyunin iyon maski isang beses. Our relationship is not perfect, it has lots of flaws. Pero dahil alam namin ang salitang adjustment, pagpapakumbaba at pagpapatawad, nagagawa nitong takapan ang lahat ng kahinaan ng relasyon namin.

Hindi doon natapos ang pabor tungkol sa pinsan ko dahil sa nasundan pa iyon hanggang sa naging madalas na ito. Nang dahil doon nawalan kami ng oras sa isa't isa. Nang maramdaman kong unti-unti na siyang nahuhulog sa aking pinsan, napangiti ako ng mapait. Inaasahan ko na ang pagdating ng araw na ito pero hindi pa rin ako naging handa.

Hindi ako galit dahil ito ang ginusto ko. Hindi rin ako nagsisisi dahil ito ang naging desisyon ko.

"Cedi, pwede ba tayong lumabas? Date naman tayo my love. Namimiss na kasi kitang kasama." It is true that I miss him. I miss his sweetness. I miss being with him. And I know, I will miss him for the rest of my life.

"Heather, sorry I can't come with you right now. May group project kasi kaming kailangang tapusin." I expected his answer. Sa mukha pa lang niya alam ko ng tatanggi siya. He can't look in my eyes and guilt are all over his face.

"It's okay. Maybe next time, pwede na?" pilit ang ngiti kong pagtatanong na sinagot lang niya ng tipid na ngiti at tango.

Nang makaalis na siya, ay dali-dali akong pumara ng taxi. Pumunta ako sa lugar kung saan simula pa noong bata kami ay naging paborito na naming magpipinsan bilang tambayan hanggang sa lahat kami ay nagdalaga at nagbinata na. This place holds a special role in our life. Nangako kami sa bawat isa na kung dumating ang araw na nakita na namin ang taong tunay na magmamahal sa amin at ang taong sigurado na naming makakasama hanggang sa pagtanda ay dadalhin namin sa lugar na ito at ipakikilala sa kanila.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now