Entry #150

43 2 2
                                    

Masquerade

by Queen Samarra

Jared

"Congrats pare!"

"Ha?" Hindi ko nagets ang bungad sa akin ni Shane, pati na rin ang mapang-asar na ngisi ng iba naming mga tropa. Binuksan ko ang desktop computer sa workstation ko at nagsimulang mag log-in.

"May makakatulong ka na sa mga tasks."

"Eh di mabuti." komento ko. Sana lang mabilis turuan para gumaan naman ang workload ko sa araw-araw.

Napansin ko na hindi pa rin nawawala ang mga nakakalokong ngisi nila, kaya medyo nagets ko na.

"Babae ba?" kaswal kong tanong.

Lalong lumakas ang kantiyaw nila.

"Oo." sagot ni Shane. "Galing sa kabilang team. Siguradong matutuwa ka."

Matutuwa ba talaga ako? nagdududa kong naisip. Kapag ganito kasi ang reaksyon nila, mas malamang kaysa sa hindi...

Bumungad sa email ko ang Welcome to the team bulletin message, at agad ko iyong binuksan. Wala akong mapapala dito sa mga kupal kong kaibigan, puro pang-aasar eh hindi naman sinasabi kung sino.

Matignan na nga...

Hindi ko alam kung ano ang tamang paraan para idescribe ang reaksyon ko. Hindi naman ako nadismaya o nanlumo, medyo nagexpect lang.

Nandun din kasi sa kabilang team yung crush ko eh.hehe.

"Akala mo si ano na, eh noh?" natatawang sabi ni Lito."Eh kaso hindi."

"Kaya nga disappointed iyan si Jared." gatong pa ni Shane. "Kasi si Miles pala."

"Okay naman si Miles,ah." sali ni Gerald sa usapan. " Simple, Mahiyain, mahinhin..."

"In short..." ani Jared, sabay napabuntong-hininga. "Manang."

***

Miles

Hindi ko makuhang maging lubusang masaya kahit na ako ang napili sa bakanteng posisyon na inaplayan ko sa kabilang team. I am looking forward on handling new tasks, but there is one thing that scares me to death.

My new team mates.

Nope, hindi naman sila bully or anything.At least, I hope not. Sadyang matagal lang bago ako maging at ease sa mga tao, kahit na nung estudyante pa lang ako.

But then...

That's the main reason why you applied,right? piping paalala niya sa sarili. Dahil sawa ka na sa pagiging awkward at pagiging takot sa mga tao. Because you want to move out of your comfort zone. .

Still, isn't this action a big leap of faith? Lalo na at mas maraming lalaki sa magiging bago niyang team. Nakakahiya mang aminin, pero umabot siya sa ganitong edad na pawang mga babae lamang ang mga kaibigan, at mabibilang mo pa nga sa mga daliri sa isang kamay. Kahit nga sa team niya ngayon ay puro sila babae.

Kaya masisisi ba siya kung doble ang pagkailang niya sa mga lalake? Isang beses lang siya nagkaroon ng kaibigang lalake, at pusong-babae pa.

"Okay lang iyan." malakas na alo niya sa repleksiyon niya sa salamin. Buti na lang at mag-isa siya ngayon sa ladies room , kaya ayos lang kahit na kausapin pa niya ng malakas ang sarili. "Hindi ko naman sila kailangang maging kaibigan, di ba? I just have to work hard and to adjust well para hindi ako maging pabigat sa team. That's all."

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now