Entry #140

58 2 2
                                    

THE PRICE

By sindee

I have always thought that giving would always be greater than taking. Sure, it is kind of fulfilling to be given but nothing beats the one that gives.

At first, I was a firm believer of that.

But seeing how the things I like was taken from me...

"Atasha, pagbigyan mo na ang kapatid mo. Matanda ka na." sabi ni Mama nang makitang nag-aagawan kami ng kapatid ko sa isang laruan.

Dahan-dahan kong binitawan ang laruan sa aking mga kamay at yumuko. I was seven years old then but my childish heart was bruised for that.

Kung iisipin ay napakababaw para umiyak pero umiyak ako noon. For a seven-year-old kid, toys meant everything to me. Kaya sa tingin ko ay may karapatan akong umiyak. My tears are justifiable.

Being the eldest, I am obliged to give in for my siblings. Mapalaruan, mapapagkain at kung ano pa man.

Habang lumalaki ako, nakatatak iyon sa isipan ko. Hindi rin nagkulang si Mama sa pagpapaalala sa akin.

Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman iba sa akin ang mga kapatid ko. They're my family after all. And I guess maturity hit me at a very young age. Lalo pa't ako ang panganay, maagang namulat sa napakaraming responsibilidad.

Or maybe it was my behavior talking. As I grow, I have established this mindset na kahit gaano ko pa kagusto ang isang bagay, kung gusto ng isa sa mga kapatid ko, kailangan kong magbigay-daan para sa kanila. And I was confident that it was fine. Ang ikinaganda noon ay alam ko na mabuti akong tao. Mapagbigay, hindi madamot.

"Waaah! Gusto ko 'to!" kinuha ng isa sa mga kaibigan ko ang damit na hawak-hawak.

I was dumbfounded with her bold move. Hindi makapagsalita. Ako ang unang nakakita ng damit at katulad niya ay gustong-gusto ko rin iyon. Kaya nga may dahilan kung bakit nasa kamay ko iyon.

"Akin na lang Ash ha." wika niya saka itinapat ang damit sa kanya.

"S-sige." sabi ko na lamang at naghanap na lang ng iba para sa akin.

Naniniwala na talaga ako na kung ano ang ugali mo sa loob ng bahay ay dadalhin mo hanggang labas.

I am not the kindest. Of course, I feel irritated a bit. I have my limits. Kahit pa kaibigan ko siya. And I know I am at fault too because I couldn't speak my mind. And I hated myself for that.

Kaso naisip ko rin, isn't it petty? Ayaw ko rin namang makipagtalo sa damit. Napakaliit na bagay para maging mitsa ng gulo. Ang hindi ko napapansin, maging sa malalaking bagay ay kaya ko na rin palang magparaya. Big things start from small things indeed.

"Matalino ang kapatid mo kaya ibigay mo na 'to sa kanya." pagkausap sa akin ni Papa isang gabi.

Gusto kong maging doktor. Ganoon din ang kapatid na sumusunod sa akin. Aminado ako na sa aming dalawa ng kapatid ko, mas matalino siya. Ang iniisip siguro ng mga magulang ko, mas malaki ang tsansa na magiging ganap itong doktor kaysa sa akin. Kaya mas suportado nila ito.

Sa isang pamilyang gipit, malaking sugal na pag-aralin kaming dalawa ng kapatid ko ng medisina. So, I tried to understand my parents. Eventually, I'm starting to accept their decision when I found myself enjoying the program I took.

Just when I started to like my course, I started to doubt if it's really okay to put up others' needs and interests before your own.

I have met him first. Akala ko mapapasaakin dahil ako ang nauna pero hindi rin pala.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now