Entry #112

110 5 3
                                    

Trials of Faith

by akosievniice

Halos nasa huling pahina na ako ng libro na kanina ko pang binabasa ngunit hindi pa din tapos ang aming meeting tungkol sa cheerdance. Kanina pa din silang nagtatalo at nagbabatuhan ng mga ideya... ng sabay-sabay.

"Wait.." wika ng aming presidente "Tumahimik muna ang lahat. Isa-isa ang pagsasalita n'yo para hindi tayo magkagulo at saka para mas maintindihan ko ang mga point ng sinasabi n'yo." Kinuha niya ang notebook na nakapatong sa mesa sa kaniyang likuran at nagsimulang itala lahat ng ideya na nagugustuhan niya.

Nasa ikatlong hilera ako ng upuan dahil ayokong umupo doon sa unahan, baka lagi akong tanungin ni Rex, President ng SSG. Saka baka makita niya na nagbabasa lamang ako ng libro at hindi nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Okay. Si Enola Airam ang isa sa ating flyers." Napatigil ako sa pagbabasa nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. Ako? Ini-angat ko ang tingin ko at halos lahat sila'y sa akin nakatingin! Takot nga ako sa matataas, e!

"Airam," agad na nabaling ang tingin ko sa aming president "Ikaw ang huli naming napili para sa flyer since mababa lang ang timbang mo at alam naman naming kaya mo 'yon."

"A-Ako? Bakit ako?" Hindi ko sila maintindihan. Alam naman siguro ng ilan sa naririto na takot ako sa matataas pero bakit pinili pa din nila ako!

Wala na akong nagawa dahil nakapagdesisyon na si Rex na isa ako sa flyers. Hindi naman ako makatanggi sa kaniya dahil wala naman akong ambag sa meeting kanina at puro basa lang ako ng libro. Kahit ayaw ko, gagawin ko 'to para sa president namin dahil ayaw ko siyang ma-stress kahahanap ng gustong sumali bilang flyer.

After class, pinatawag ni Rex kaming lahat ng kasali sa cheerdance at pinapunta sa field. Nauna na lahat ng kasali sa cheerdance doon sa field at susunod na lang daw si Rex. Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Rex at ipinakilala ang kasama niya na si Alexa na parang minsan ko ng nakita sa canteen. Rinig ko sa usapan ng mga katabi ko dito na minsan lang daw lumabas ng room 'yang si Alexa kaya kaunti lang ang nakakakilala sa kaniya.

"So guys, si Alexa ang magtuturo sa atin ng steps para sa cheerdance!" Malakas na sigaw ni Rex sa unahan para marinig siya ng mga nasa hulihan.

Nagsimula na siyang ituro sa amin ang steps at madadali lamang ang mga ito kaya hindi kami gaanong napagod. Pinaulit-ulit lang naming ginawa'yung una niyang itinuro para makabisado namin agad bago kami magtungo sa gagawin naming mga flyer.

Naka-limang ulit kami noong steps na itinuro niya saka nagpahinga. Binigyan niya kami ng limang minuto na pahinga bago niya ituro ang gagawin naming mga flyer. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko naman talaga gustong maging flyer. Mas gugustuhin ko pang maging back-up dancer na lang sa production number na gagawin ng mga kaklase ko kaysa dito.

Matapos ang limang minuto na pahinga ay nagsimula na kami muli sa pag-eensayo. I-di-nemo niya sa amin ang dapat naming gawin once na naihagis kami sa ere. Pinakita at sinubukan muna niya iyon bago namin subukan. Habang pinapanood ko s'yang ihagis sa ere ay ramdam kong nangatog ang tuhod ko! Hindi ko talaga kayang gawin pero wala na akong magagawa.

Matapos niyang ipakita sa amin ang dapat gawin ay sinenyasan niya kami. Bago kami magsimula kanina ay pinagsuot niya kami ng sweatpants o pajama. Apat na lalaki ang nakapaligid sa akin at lahat sila'y kasing tangkad ko lamang. Kaya kaya nila akong saluhin? Sa tingin ko'y hindi, e, mukhang mababalian pa ako ng buto rito.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now