Entry #183

56 8 3
                                    

My Beloved Dog Tiger 

by Zyca Swayze

Last Sept. 2018 nakita ko sa Facebook ang isang post tungkol sa isang stray dog. Hinahanapan ng isang loving and forever home. At dahil likas sa'kin ang mapagmahal sa aso at pusa ay di ako nagdalawang isip na nag message sa nag post.

Wala naman problema sa transportation kasi sila naman ang gagastos. Araw ng Biyernes ay nagbyahe kami ng anak ko mula Pampanga hanggang Commonwealth Q.C. Riverside, Manila upang sunduin si Tiger.

Nang makita ko siya ay awa at pagmamahal ang aking naramdaman. Awa dahil nalaman ko na kapag nahuli siya ng mga taga dog pound ay pauusukan siya ng tambutso ng sasakyan. Na kung tawagin ay gas chamber.

Payat at halatang kulang sa pagkain ang kawawang aso.

Noong una ay ayaw niyang sumama sa'min. Excited din ang anak ko dahil gusto niya din ng aso. Nakipaghabulan at inuto pa namin siya hanggang sa ma corner.

Nang makasakay na kami sa bus ay nakaunan siya sa hita ko. Nakita ko na tumulo ang kanyang luha. Naisip niya siguro may magmamahal na sa kanya.

May masisilungan na siya at may matatawag na pamilya. Naging mahaba ang biyahe namin pauwi dito sa Pampanga pero behave lang siya.

Pagdating sa Dau, Pampanga ay walang gustong magpasakay sa'min kaya naglakad kami.

"Kuya sa Diamond Balibago po." Sabi ko sa isang jeepney driver.

"May lahi ba yang aso mo?" Tanong ni Manong.

"Aspin po kuya." Matipid kong sagot.

"Ay sa iba ka na lang sumakay." Pagtanggi ni Manong driver.

"Kung may breed po ba ang aso ko pasasakayin mo?" Hindi siya sumagot at nagmaneho na paalis.

Kaya wala kaming choice kundi ang maglakad kahit pagod. Hanggang sa makarating kami sa Barangay Hall ng Balibago. Pinasakay kami ng tricycle driver kahit may dala akong aso.

Nang makauwi kami dito sa bahay agad akong niyakap ni Tiger at pinaghahalikan. Pinaramdam niya sa'kin ang kanyang pasasalamat.

Nagpapasalamat siya dahil kinuha ko siya sa lansangan. May magpapakakain na sa kanya.

"Tiger baby, bibili ako sa tindahan. Tara sama ka." Yaya ko kay Tiger na parang isang tao kung aking kausapin.

Palagi siyang nakasunod sa'kin. Kumakawag ang buntot sa tuwing umuuwi ako galing trabaho. Na parang sinasabi niya na "Welcome home Mama" sa tuwing sasalubong siya sa'kin.

Si Ramil na asawa ko bagama't ayaw ng aso ay wala na siyang nagawa pa. Hindi naman nagtagal ay napamahal na sa kanya si Tiger.

Binibili ko siya ng dog food. Pinapa doktor kapag nagkakasakit. Wala akong pakialam kahit pa sinasabi ng iba na "askal lang naman."

Masaya kaming dalawa. Palagi siyang nasa tabi ko lalo na kapag malungkot ako. Dalawang taon kaming magkasama. Sa saya man o hirap.

Lumipat man kami ng tirahan ay kasama ko siya. Pati na din ng pusa ko na si Dada. Ganoon ko sila kamahal. Parang pamilya na.

"R kunin mo na si Tiger at iuwi mo dito. Kawawa naman siya. Walang magpapakain sa kanya." Sabi sa'kin ng asawa ko noong nakakapag rent na ulit kami ng bahay.

Kaya't isang gabi ay umuwi ako sa pamilya ko kung saan naiwan ang aso ko. Naglakad kami nang may kalayuan dahil walang gustong magpasakay sa'min.

"Bakit kayo naglalakad?" Tanong ng isang lalaki sa may tindahan noong nagpapahinga kami mula sa mahabang paglalakad.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now