Entry #160

34 3 1
                                    

DESPERATE LOVE

by Gemorya

Magiging masaya ba ang mga tao kapag nagpaubaya sa mga bagay na simula palang ay hindi naman talaga sa kanila? Ang hirap pala talaga kapag ipinilit mo ang iyong sarili sa taong hindi naman talaga ikaw ang gusto. Hindi niya naman talagang magawang mahalin ka kahit anong gawin mo. Nakakagago, nakakaumay umasa. Nakakapagod magmahal ng sobra, nauubos ka. Hindi mo namamalayan, napapabayaan mo na yung sarili mo.

Kagaya ko, nagmahal ng taong hindi ako mahal. Nakakatawang isipin na ako pa mismo ang gumawa ng paraan para mapasa akin siya. Ano bang magagawa ko? Sinalo ko lang naman talaga siya, gaano ba kahirap maging kaibigan? Gaano ba kahirap magmahal ng matalik na kaibigan? Ganito ba maging tanga? Kasi kung ganito, suko na ako maging tanga.

"Ano bang nangyayari sayo? Ayos naman sayo dati na wala si Lufer ah, alam ko namang bitch ka Shiana pero yung magiging tanga ka. Hindi na ata puwede." sermon sa akin ni Xianna, kakambal ko siya, hindi nga lang kami magkamukha. Nandito lang naman kami sa loob ng kotse, papunta kay Lufer. Tinawagan kasi ako ng isa niyang kaibigan na nagwawala raw sa bar kaya agad akong umalis para puntahan siya. Dinamay ko pa si Xianna.

"Tara na sis, nandito na tayo. Baka mapano ang lalaking iyon," sabi ko na hindi sinagot ang sinabi niya kanina. Ayaw kong pahabain ang usapan namin patungkol kay Lufer. Wala naman silang magagawa.

Pumasok kami sa bar at hinanap ang mga kaibigan ni Lufer na agad naman naming nakita, nagmamadali ako silang puntahan. "Thank goodness, nandito ka na. Kanina pa yang best friend mo rito. Umiiyak at nagwawala." sabi ni Jonny.

"Ano bang nangyayari sa kanya?" tanong ko habang inalayan si Lufer sa pagtayo. Napatigil ako nang magsalita ito.

Biglang nanikip ang dibdib ko sa pangalan na binanggit niya. "Leanna, mahal na mahal kita. Huwag mo naman akong iwanan. Parang awa mo na Leanna, hindi ko kakayanin." hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ng mabuti, mapungay na ang kanyang mata dahil sa kalasingan. I don't know what to say, he touched me while saying different name. Nasasaktan ako pero hindi ako puwedeng ipakita sa kanya. Tumingin ako sa mga kasamahan namin na malungkot ang tingin.

"Hiniwalayan siya kanina ni Leanna ng walang sapat na dahilan kaya ayan naglalasing ang gago. Ihahatid na namin kayo, ayaw niyang sumunod sa amin na uuwi na kaya ikaw ang tinawagan namin baka kasi sayo sumunod." mahabang paliwanag ni Ken.

Ngumiti ako sa kanila, "Ako na bahala, ihatid niyo nalang siya sa kotse namin." sabi ko na agad din naman nilang ginawa.

Habang nasa kotse kaming tatlo, panay sermon sa akin ni Xianna. "Ano na naman ang gagawin mo this time, Shiana. I told you to stop. Ihahatid na natin siya sa kanila then let's go home." hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Lufer, nadaanan na namin ang bahay nila kanina. Huminto na sana kami pero hindi ko siya nilabas. Nagulat pa si Xianna sa ginawa ko dahil umalis agad ako sa harap ng gate nila.

"You should stop the car Shiana, turn this fucking car to Lufer's place. Hindi ko alam kung anong gagawin mo!" naririndi ako sa pagsisigaw niya kaya agad akong tumigil. "What the fuck!" she shouted.

"Kung ayaw mo akong samahan sa gagawin ko bumaba ka nalang, and beside, I don't need you. Panira ka lang sa plano ko." walang emosyon kong sabi, napaawang ang labi niya at napasinghap dahil sa sinabi ko.

"I can't believe this, Shiana. Tell me what will you do this time? Hindi mo siya puwedeng itakas." ayaw talaga tumigil.

"Ihahatid na kita sa bahay, sabihin mo nalang sila mommy na may gagawin ako at mawawala ako ng ilang buwan. I will contact you when I need anything." sabi ko nalang and sinimulan ang pagmamaneho. Pinipogilan niya pa rin ako hanggang sa nakarating kami sa bahay. Ayaw niya pang lumabas pero dahil nagalit na ako, napilitan siya. Buti nalang ay hindi nagising si Lufer. May mga damit na rin naman ako rito sa kotse, bibilhan ko nalang siguro si Lufer kapag nakarating kami sa pupunta naming. Bahala na. It's Leanna's fault, she left Lufer alone. Wala na siyang babalikan.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now