Entry #209

98 4 1
                                    

Paano na 

by POTAto


Unti-unti kong pinihit ang doorknob at marahang tinulak ang metal na pintuan ng silid na ito. Inilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok na kwarto, biglang sumabog ang aking mga emosyon at bumilis ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko siya kayang tignan ng ganito. Madaming nakasaksak sa kanyang katawan mga nakinaryang mistulang nagbibigay hininga at buhay sa kanya.

Mula sa aking kinatatayuan biglang nanlambot ang aking mga tuhod at napasandal ako sa pader. Agad na lumapit saakin ang kanyang mama na tila di na natutulog sa kapal ng eyebags at nannunumo ang mga mata. "Maupo ka Xian", malambot na wika niya saakin. Inabot ko na din ang mga dala kong basket ng prutas at ang paborito niyang bulaklak; Isang bouquet ng mirasol.

Lumapit ako sa kanyang tabi at di ko paipinta ang sarili at di na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sabay hawak sa kamay niyang sinlambot ng bulak.

Bahagyang bumukas ang pintuan at pumasok ang Isang pamilyar na tao agad na tumaas ang temperatura Ng aking dugo di ko napigilan ang sarili ko "Ikaw ang may kasalan nito!", Sigaw ko sa kanyang muhka at pinakawalan ang malakas na suntok na kanina ko pa kinikimkim.

Agad na pumagitna saamin si tita Cathy ang mama ni Mia (ang nakahiga ngayon sa kama) at si David ang lalaking kapapasok lang dito sa private room ng hospital na ito ang dahilan kung bakit naaksidente si Mia ang pinaka mamahal kong babae.

"Wala kang karapatang maging Boyfriend ni Mia!",halos mapaos na sigaw ko sa kanya. "Dahil sa kapabayaan mo, hinayaan mo siyang mag maneho pauwi ng mag-isa Asan ka nun! Sa inuman! Nagpapakalasing habang si Mia kailangan ka! Umiiyak! Wala kang kwentang boyfriend! dagdag ko pa.

Umiiyak nalang si tita na nakapagitna padin saamin at pilit akong pinapakalma hinahaplos ang aking balikat.

"Tapos pagbabawalan mo siyang makita ako! Sino ka ba boyfriend ka lang naman ahh! Ako kasama na niya ako simula pagkabata, kapatid na turing ko jan. Sino ka ba para tumutol saamin!", di ko mapigilan ang sarili kong magalit sakanya.

Napatili bigla si tita, na mas lalong nagpakaba saakin. Si Mia nanginginig ang buo niyang katawan. Halos di ko na maramdaman ang aking kamay sa sobrang lamig. Agad namang tumakbo at nagsisigaw ng tulong sa mga nurse at doctor sa labas si David habang ako naman ay pilit na kinakalma ang sarili at niyayakap si tita at pilit din siyang pinapakalma mahirap na baka pati siya ay maatake din tulad ng kanyang asawa; ang papa ni Mia.

"Doc ano pong nangyayare?", Nag-aalalang tanong ni tita.

Humarap na saamin ang doctor at tumigil na din nag panginginig ni Mia,"Muscle conflexion po ma'am, normal lang po iyon, tatlong linggo na din po siyang nakahiga: walang kilos kaya yung muscles mismo ang gumawa, ugaliin po nating hilot hilutin at istretch ang ilang parte's ng kanyang katawan tulad ng kanyang mga paa, kamay, at palad para kahit papano ay kumbaga nakakapag ehersisyo padin siya at mabuhayan ang kanyang dugo", wika ng doctor. "Excuse me po",dagdag pa Niya.

"Salamat po doc", sagot naman ni David.

Sabay sabay naman kaming tatlong napaupo at naka hinga ng maluwag. Binalot ng katahimikan ang buong kwarto at tanging ang Makinang makakabit Kay Mia ang naririnig pati na din ang pagpatak ng dextrose mula rito.

Binasag ng pag huni ng aking tiyan ang katahimikan hindi pa pala ako kumakain mula kagabi. Nagkatinginan nalang kaming tatlo at nagtawanan. "May tinapay jan Xian, at peanut butter. Kung gusto mo baba ka may 7/11 sa labas dun ka bumili bilhan mo din ako ng mainit na cup Noddles at tubig"

"Sige po tita" sabay ngiti sakanya.

"Heto ang bayad" sabay abot ni tita ng limang libong papel.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now