Entry #124

127 4 2
                                    

LOST AND FOUND

by T.A.M

CHRISTMAS is just around the corner and it feels cold. The coffee shop where Bliss is sitting right now constantly saves her from the coldness. They sell excellent coffee with good servers. The brownish color painted on the walls and the homey aroma is bringing warmth to her in any weather of the year.

Walang ideya si Bliss kung ano ang dapat niyang isipin. Maganda ang tugtog sa loob ng coffee shop, mabango ang pagkain at kapeng inihahanda pero hindi iyon nagpapagaan ng kanyang pakiramdam. Wala sa sariling inikot niya ang singsing na nasa kanyang daliri. Is this the reason? Probably.

Mayamaya pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi iyon tawag kundi mensahe at nang silipin ng dalaga iyon ay galing pala sa kanyang ama. Isasama raw siya nitong bumisita sa kanyang ina. Napangiti siya nang mabasa iyon. Matagal silang hindi nagkita nito at ngayon nga na sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkikita sila. Upon locking her phone, she saw her parents' photo in it. They were both smiling and it's as if they've got everything in the world.

"Bliss, hija! Alas-onse na ng umaga. Kailangan mo nang bumaba at kumain," sigaw ng kanyang ina mula sa kusina. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kanyang kwarto pero dinig na dinig niya ang sigaw nito.

Umaga na siyang natulog dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Bliss's mind is always full of invalidating thoughts that she keeps on questioning herself. She feels like everything that failed to happen is her fault. Her mother always reminds her that she deserves every good thing that life has to offer.

Bumangon siya matapos marinig ang sinabi ng ina at inayos ang sarili sa harap ng salamin. The brownish complexion, her short height, and not being smart enough make her bedtimes sleepless. She's a struggling career woman and a daughter to her parents. She's always expect validation from people around her especially by someone who she loves. Bliss can't even have one thing that she wants in life and it keeps on frustrating her every day.

"Tingnan mo nga iyang sarili mo, anak. Ano na naman ba ang problema? Si Evan na naman ba?" mahinahong tanong ng ina at napabuntung-hininga siya. Alam na alam nito ang rason kapag nagkakaganyan siya. "Alam mo, hayaan mo na muna siya tapos tulungan mo na lang ako sa pagluluto at darating ang papa mo."

Pilit siyang ngumiti sa sinabi ng kanyang ina na darating nga ang kanyang papa. Dalawang taon na ang huling uwi nito sa kanilang bahay.

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito at paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan na ilabas ang kanyang saloobin upang marinig nito ang matagal na niyang kinikimkim. Ang dami niyang pinagdaanan sa buhay na pilit sinarili dahil ayaw niyang makasakit ng iba lalo na ng kanyang mga magulang. Maybe her mom wasn't right when she told her that she deserves all the good things that life could offer.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin at mayamaya ay nandito na ang Papa mo, aba," biro rin nito pabalik sa kanya at natawa siya. "Pakitingnan na rin kung ayos ba ang bulaklak na binili ka kanina." Tango ang kanyang naging sagot rito.

"Ma'am Bliss? Kanina pa po tumutunog ang cellphone ninyo," saad ng isang server na walang choice kundi ang kalabitin siya dahil sa lalim ng kanyang iniisip.

Tipid siyang ngumiti at dinampot ang cellphone. "Pa?" tawag niya mula sa kabilang linya.

"Anak, pasensya ka na. Baka bukas na ako matutuloy riyan sa inyo ng Mama mo. May kailangan lang akong asikasuhin sa ngayon. Tatawagan kita, okay?" At naputol na nga ang tawag. Matagal nang naiintindihan ni Bliss ang sitwasyon. Silang mag-ina na lang ang natira habang ang kanyang ama ay nasa malayo. Tiningnan na lamang ng dalaga ang tasa ng kape na nasa harapan at nakitang malamig na nga ito.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon