Entry #123

50 3 2
                                    

So, this is the reason why

By Barbara Crae

Habang nakaupo dito sa terminal kung saan tayo unang nagkita, hindi ko maiwasang mapangiti at makaramdam ng kirot sa puso ko habang inaalala ang mga araw na una tayong nagkatinginan, una tayong nagkausap at kalaunan ay nauna rin pala ako sa pagkahulog sa'yo. Nakakatawa lang isipin na hanggang ngayon gano'n parin ang nararamdaman ko. Isang araw, pansin ko para akong tanga kakahintay sa'yo dito. Umaasa na baka bigla kang lumabas at bumaba galing sa bus. Suot ang pink na sweater, earphones sa magkabilang tenga at hume-headbang pa akala mo ikaw lang ang tao sa paligid.

Siguro sa ngayon habang hinihintay ka muli na magbalik, ang pwede ko ring gawin ay ang balikan kung paano nagsimula ang lahat-lahat...

A month ago

"Ayy sorry po kuya!" Napapikit ako sabay paghinga ng malalim nang bigla akong nabangga ng isang batang nasa edad sampu at may dala-dalang chocolate drink, may kasama itong mga kaibigan at humihingi na rin ng sorry.

Nginitian ko sila at nilinis ang suot na puting t-shirt na kababago ko lamang nabili gamit ang panyo na binigay ng isang bata.

"Okay lang, okay lang ako..." Tumango sila at pagkatapos ay umalis na. Hindi ko na sila pinansin pa at nagtungo sa bench, nasa terminal ako ng bus at naghihintay sa next stop. Sabado ngayon at syempre rest day, pero imbes na magpahinga ako galing sa trabaho ay pinapunta ako ng lola ko sa kanila kaya ano pa ba ang magagawa ko? Edi ang pumunta dun sa kanila. At pupunta ako sa kanila na ganito ang damit, magaling!

Uupo na sana ako nang makita ang bus na papunta dito sa bus stop. Inayos ko muna ang sarili ko at 'di na pinansin ang mga malalagkit na tinginan ng mga tao.

Huminto na ang bus at isa-isang lumalabas ang mga tao na sumakay at nasa baba kaming mga pasahero na sasakay hanggang maubos na sa loob. Nang makitang kakaunti nalang ay kumapit ako sa gilid at akmang papasok ako nang nagulat ako sa mahinang pagtili ng babae na pababa sana. Nilingon ko ito at kita ang earphones nitong natapakan ko.

"Arghhh! Bago ko pa lang toh nabili eh!!!" Parang bata niyang sabi. Nakangiwi ito habang hawak ang wire ng earphones niya.

"Hala miss sorry! Di ko napasnin eh" paghihingi ko ng sorry, iniangat niya ang tingin niya sabay tango pero in a cold way lang.

"Sorry–"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita ang driver, "Dong kung sasakay ka, pasok ka na may mga pasahero pa kasi"

Awkward akong ngumiti kay kuya driver at sa mga pasahero, imbes na pumunta sa loob ay bumaba nalang ako at sinundan ang babae kanina. Bigla nalang kasing nawala.

Napatingin ako sa bench kung saan ako naghihintay kanina at nakita ko siyang nakatitig lang sa earphones niya. Nilapitan ko siya, umupo at tumabi sa kanya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap niya sa'kin.

"Nice t-shirt..."

Nangunot ang noo ko sabay tingin sa kanya. " Nice earphones" ganti ko.

Ngumiwi ang labi niya at sumandal sa sandalan ng bench. "Ang malas ko naman sa araw na ito" bumuntong-hininga ito sabay halukipkip. Sumandal na rin ako at humalikpkip katulad niya.

"Naniniwala ka pala sa malas o swerte thing" tanong ko. Tinagilid ko ang tingin ko at may kung anong bagay na kumalabit sa puso ko nang makita ang mata niyang puno ng ekspresyon at makikita ang pagkurba ng labi niya.

Tumango ito sabay tingin sakin, agad naman akong umiwas sa 'di mapaliwanang na dahilan. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko nang ang bilis ang pagtibok nito.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now