Entry #108

176 11 5
                                    

​FAKE OR PLASTIC

by frozengel

"Fake." Napatigil ako sa pagtawa ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Nanonood ako ng k-drama sa aking cellphone at kasalukuyang natatawa sa eksena ng biglang umepal ang lalaking ito na hindi ko naman kilala.

"Excuse me?" I said just to know if he's talking to me. He looked at me with a smirked on his lips that made me raise my left eyebrow. "What did you say?"

"I said, she's a fake." He told me then pointed his index finger to the group of students na nagtatawanan. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala ako ang sinasabihan niya. Akala ko ako e.

"Paano mo naman nasabi? Kilala mo ba siya?" I asked him. I should have warned myself not to talk to stranger pero ewan, I think, he's a good person naman. Mukhang hindi naman siya yung tipo na gagawa ng masama.

"I don't need to know the person, alam ko lang." Aniya. Napaismid ako.

"Wow, manghuhula ka mister?" Natatawa kong sabi sa kanya pero tiningnan niya lang ako ng seryoso na agad din namang binawi para muling tingnan ang grupo ng magkakaibigan. Apat sila, dalawang lalaki at dalawang babae. Ang isang babae ay nakatayo sa unahan at tila bangka sa kwentuhan habang ang tatlo ay audience na halos maglupasay na sa kakatawa.

"Look at the girl wearing maroon shirt." Sabi nitong katabi ko, ang tinutukoy nya ay yung bangka sa kwentuhan. Ewan ko, sinunod ko ang sinabi niya. "Her friends are lucky to have her. She's funny and witty, she can make her friends laugh, and she can make them happy. But look at her eyes as she watches her friends laughing." Tinitigan ko yung babaeng naka-maroon, ewan ko ba pero parang may mali sa kanya, iba ang sinasabi ng mga mata niya sa kinikilos niya. Nang makabawi sa tawanan ang kanyang mga kaibigan ay bigla syang tumawa na animo'y ang saya-saya.

"Anong gusto mong palabasin? Na pinaplastik niya ang mga kaibigan niya?" Inis kong sabi pero umiling siya saka ako tinitigan.

"She's faking her smile for her to hide what she really feels inside. Ayaw nyang malaman nila ang totoo nyang nararamdaman kaya kahit mahirap sinasarili nya. I don't know why, maybe because she's afraid that they will judge her. Being fake and being plastic is two different things. Siguro kung babasehan sa description, pareho lang ang meaning niya but it depends on the situation. Pinepeke niya ang ngiti niya dahil ayaw niyang mahawa ang mga kaibigan niya sa kaniyang kalungkutan. Kahit nahihirapan, gumagawa siya ng paraan para mapasaya ang mga kaibigan niya. She's telling jokes na kung iisipin mo naman ay napaka lame but because she delivered it very well, bentang-benta sa kaniyang mga kasama. She's being fake in a good way, unlike plastics, aside from not being true, ginagamit nila yung iba para sa sariling kasiyahan." Mahabang lintanya niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot ng marinig ko ang sinabi niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya sa halip, pinukol iyon sa babaeng naka-maroon. Nagpaalam na ang nga kaibigan nito at masayang kumaway ang babaeng naka-maroon ngunit ng mapag-isa ay gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. Napatungo ito at bumuntong-hininga.

"Ikaw, hanggang kailan ka magiging fake?" Muli akong napalingon sa katabi ko, nakanganga. "Hanggang kailan ka magkukunwaring masaya? Hindi ka pa ba napapagod?" Hindi agad ako nakasagot pero ramdam ko ang isang tila punyal na tumusok sa aking dibdib.

"I-I don't know what you're talking about." I said then looked away. Parang nagging awkward ang atmosphere.

"Really? Kagaya ka rin niya. Nagkukunwari ka, nagtatago ka ng totoong nararamdaman mo. Nagpapanggap kang masaya kasi akala mo iyon ang mas makakabuti para sa iyo. Sinasarili mo ang problema, hindi mo hinahayaang mahalata ng iba. You're a fake. Your smile is fake. You are not really happy. Nagtatago ka lang din sa likod ng isang maskara."

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now