Entry #202

65 2 6
                                    

Change Oil
by Liverspreads

🎶Bakit hindi mo sinabi noong una pa lang?🎶

Napalingon ako sa katabi kong lalaki na ngumunguyngoy or should I say kumakanta, may nakapasak na bluetooth earpiece sa tainga. Ang lakas ng volume ng pinapakinggan niyang kanta!

Moira! Pasok!

🎶Ako 'yung nauna pero hindi ang mahal🎶

Nagkibit-balikat na lamang ako. Kapit ko ang isang mug ng kape, umuusok pa na kanina ko pa gustong ibuhos sana kay ex para makaganti. Nasa bandang kaliwa ng lalaki ang target ko. May kaholding hands na iba. Kagigil. Nakakasama ng inside. Ewan ko ba, napakawalang kwentang feelings, pinag aaksayahan ko pa ng inis at bwisit.

Atras pati leeg ko noong nakita 'kong lumuha si Kuya na nagmomonologue na. That's out of ordinary!

Nanlaki pati ang mga mata ko.

Shet! Ampotrages! Natapunan pa 'ko ng kapeng hawak ko! Sino ba kasing hindi magugulat sa lalaking ito?

Ako naman ang nilingon ni Sir Monologue. Maagap niyang kinuha ang mug sa kamay ko.

Para akong tangang nakatulala sa kan'ya habang pinupunasan niya ng panyo ang malagkit kong kamay.

Nakuha agad ako ni Sir Monologue sa mga mata niyang blue green. Shet na malagket!

"Okay ka lang ba, Miss?"

Akmang pupunasan niya ng kan'yang panyo ang kamay ko nang sabay pa kaming napapitlag.

May tumawag sa pangalan ko, pangalan niya rin yata.

"Rendell?"

"Irina?"

Eh, kapit ni lalaking luhain ang kamay ko, mukha kaming naghoholding hands. One sided nga lang. Siya ang may hawak.

Habang ako tila ewan. Tulala sa isang tabi.

"Irina.." sabi ng boses na hanggang sa ngayon, kilala ko pa at gusto ko na burahin sa mundong ibabaw.

Hindi pa rin binibitawan ni.. sinita ko siya. "Kamay ko, please."

Imbes na mahila ko ang malagkit kong kamay, lalong humigpit ang kapit ni lalaki. Hindi ako makalingon, para akong may stiff neck.

"What's the meaning of this, Rendell?" singit ng babae.

Automatic na napaharap ako sa nagsalita. Ay. May presensya pala ng babae akala ko 'yung boses lang ni pighati at landian ng kahapon.

Ni ex. For short.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Change oil?" balik tanong ko. Tikwas ang de-eyeliner kong kilay sa side chicks niyang tila tattoed na ang eyebrows, habang sa gilid ng mata nakikita ko si Mr. Hold-My-Hand na tila pa-Incredible Hulk na ang vibes.

May pag-igting pa ng panga.

Me, myself and I is very amaze from what I see, ganoon pala ang itsura ng lalaking umiigting ang panga.

Akala ko pang Wattpad lang 'yon eh. Sa true life rin pala.

"Are you happy now, Niana?" sabi ni Mr. Umiigting Ang Panga, in poker handsome face with a cold tone. Parang conversation namin ni ex sa Messenger na cold na rin.

Nagmukhang paper bag si ex at si side chick na kasama niya.

While me naman..

Oh, well.. a handsome mabangong guy with umiigting na panga is holding my so sticky hand.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon