Entry #143

57 3 1
                                    

See You In The Next Life

by fadednotion

Tagaktak ang pawis dahil sa mainit na tela ng kaniyang kasuotan. Panay ang punas sa noo dahil sa init ng panahon. Idagdag pa na napakaraming tao ang ngayon ay nasa fast food chain kung saan siya nagtatrabaho at talaga namang ang lahat ay aligaga dahil hindi pwede roon ang mga empleyadong makukupad kung kumilos.

Maraming estudyante at ilang empleyado mula sa kalapit na mga establisyemento ang naroon dahil ito ang oras ng tanghalian. Hindi s'yempre mawawala ang mga rude customers na araw-araw nagpapainit sa ulo ng mga crew ngunit wala naman silang magagawa kundi ang manahimik dahil 'customers are always right' nga raw kuno.

Halos araw-araw, tuwing tanghali ay ganito ang senaryo sa pinagta-trabahuhan ni Genoveva. Mahirap dahil bukod sa mainit at maraming gawain, uuwi lang siya para magpalit ng damit at papasok naman sa isa pa niyang trabaho tuwing gabi. Kung kaya"t ang pagtulog niya ay umiikot lamang palagi sa apat na oras.

Twenty years old na siya at dalawang taon na mula nang maka-graduate siya ng senior high school. Breadwinner ng pamilya eversince her father was been headshot and died six years ago. As for her mother, she's getting weaker and weaker every year. Dahil nga sa kawalan ng lakas ng ina sapagkat mas lalo pa itong naging sakitin, sa edad na labinlima ay natuto nang kumayod si Genoveva mairaos lamang ang araw-araw na gastusin magmula sa gamot ng kaniyang ina, pagkain nila sa araw-araw at baon ng tatlong kapatid na lahat ay mas bata sa kaniya.

"Grabe, nakakapagod iyon ah!" bulalas ni Shiela. Katabi ito ni Genoveva at halos malugmok na sa counter. Kapwa sila naghahabol ng hininga dahil sa dami ng customers na araw-araw namang nangyayari ngunit dalawa lamang silang nag-aasikaso sa mga ito. Kuripot kasi ang amo at ayaw nang dagdagan pa ang empleyado niya.

"Araw-araw naman, masanay na tayo!" ani Genoveva at ngumiti sa ka-trabaho kahit pa halos hindi na siya mapakali dahil sa pawis na natuyo na sa berdeng kasuotan.

Mahirap ang trabaho niya ngunit wala rin naman siyang ibang magagawa sapagkat kailangan din niya ng pera. Wala na siyang panahon para maghanap ng bagong trabaho dahil ang isang araw na gugugulin doon ay isang araw na sahod ang mawawala sa kaniya. Kaya't wala siyang ibang magagawa kundi ang magtiis.

"Ako muna rito, break time mo na," wika ni Shiela at tumango naman ang ka-trabaho. Oras na para kumain siya at kailangang-kailangan iyon ni Genoveva sapagkat naubusan siya ng lakas sa dami ng customers kanina. Libre naman ang pagkain sa pinagtatrabahuhan niyang fast food kung kaya't malaking tipid na ito para sa kaniya.

Dala ang pulang tray na naglalaman ng isang pinggang kanin at ulam, kasama ang isang baso ng tubig ay dinala niya ito sa labas upang maghanap ng mauupuan. Sa kasamaang palad ay wala nang bakanteng upuan sa labas at lalong gayo'n din sa loob. Ilang beses pang nagpa-linga-linga si Genoveva hanggang sa dumako ang tingin niya sa table na iisang tao lamang umuukupa at bakante ang harap nito.

Nagsimulang maglakad patungo roon si Genoveva ngunit saglit ding natigil sa paglalakad at napaisip.'Mukhang mayaman ang babaeng iyon. Baka mawalan siya ng ganang kumain kung sakaling makita niya ako. Baka mapagalitan pa ako ng boss ko kung sakali.'

Muli siyang lumingon sa loob ng fast food at nakita niyang halos nakayukyok na roon si Shiela dahil sa gutom. Bahagya siyang na-guilty kung kaya't naglakas-loob siyang lumapit sa ginang na mag-isa sa lamesa upang makiupo. Kailangan na niyang makakain agad dahil sa isip niya ay kawawa naman ang ka-trabaho.

"Hi, Ma'am! Okay lang po ba kung maki-share ako ng table? Wala na po kasing bakante, pasensya na po sa hitsura ko," alanganing wika ni Genoveva at halos mautal nang humarap sa kaniya ang ginang. Sopistikada ito, nasa edad 50 at mayroong makapal na make-up na bagay naman sa kaniya. Unang tingin pa lamang ay mapaghahalataang mayaman kung kaya't mas tumindi pa ang intimidasyon na nararamdaman ni Genoveva.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now