Entry #144

52 2 2
                                    

The Protagonist

by Pyongieshii

Bawat bagong kuwento na nililikha ay may panibagong mundo ang naisisilang. Sa mundong ito, ay doon namumuhay ang mga karakter na nakikilala lamang sa mga piksyonal na mga libro. Isa sa mga ito ay si Saffina. Isang karakter na walang magandang wakas dahil nakatakda siyang mamatay sa loob ng kuwento. Sa kadahilanang, inilikha lamang siya upang kapootan lamang ng mga mambabasa. Sa madaling salita, ay isang kontrabida.

Ngunit isang beses ay natagpuan na lang niya ang sarili niya na naglalakad mag-isa palayo sa lugar na pinanggagalingan niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay bigla na lang nahinto ang walang katapusang daloy ng kuwento ng kaniyang buhay.

Huminto siya sa paglalakad. Maya't maya ay dumausdos ang isang butil ng luha sa kaniyang maputlang mukha. Muling nanumbalik ang mga alaala sa isipan niya.

Kagaya ng mga nababasa sa kuwento niya na nakalathala sa libro. Madaming tao ang namatay sa kanilang lugar. Hindi maipaliwanag kung ito ba ay isang sumpa o nakakahawang sakit. Bawat araw ay madaming tao ang namamatay pagkatapos ay bigla na lang may lalabas na gagamba mula sa bibig ng mga ito. Dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayareng iyon ay dumating sa bayan nila ang isang binata.

"Ikaw daw ang inatasang mag-imbestiga sa pangyayare sa bayang ito?" tanong ng isang ginoo sa bagong dating na binata. Ngumiti naman ito ng malawak sa kaniya.

"Oo ako nga," tugon nito. "Ako si Castiel. Ikinagagalak kitang makilala!"

Inihatid na ng ginoo si Castiel kung saan ito pansamantala munang tutuloy hangga't 'di pa niya nareresolba ang misteryo sa bayan nila. Nang makapasok siya sa tahanan ng tutuluyan niya ay namataan niya ang isang dalagang tahimik na winawalis ang sala. Dahil rito ay napahinto sa pag-akyat ng hagdanan ang ginoo na kasama ni Castiel at nagtatakang pinagmamasdan ang binatang matamang nakatitig sa dalagang naglilinis na hindi man lang naramdaman ang presensya niya.

"Ginoong Castiel?" nabalik ang tingin ni Castiel sa ginoong kasama niya. Ngumiti na lang siya atsaka naglakad na palapit sa kaniya. "Pasensya ka na. Sige, mauna ka nang maglakad. Susunod lang ako sa 'yo." Hindi na nagtangkang magtanong ang ginoo at ginawa na lang ang sinabi niya. Nauna na ito. Samantalang si Castiel ay binalik muli ang tingin sa dalaga. Sa pangalawang beses niyang pagbaling ng tingin rito ay nagtama na ang tingin nilang dalawa. Napuno ng pagtataka ang mukha ng dalaga dahil sa klase ng pagtingin ni Castiel sa kaniya na para bang matagal na siya nitong nakikilala.

Saffina. Binigkas niya ang pangalan ng dalaga sa isipan niya at maya-maya ay naisipan na niyang ibaling ang tingin niya sa harapan atsaka na pinagpatuloy ang kaniyang pag-akyat sa hagdanan.

Isang araw, naabutan muli ni Castiel si Saffina. Pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na kausapin ito ngayong silang dalawa na lang ang tao sa paligid. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tatlong babae ang nauna sa kaniyang makalapit kay Saffina.

"Hoy bayaran!" Hindi lumingon si Saffina pero alam niyang siya ang tinutukoy ng babae. "Huwag mong kalimutang linisin ang kwarto ko!" Ito lang ang iniwang salita nito sa kaniya atsaka na umalis ang tatlong babae. Itinago ni Castiel ang sarili niya upang hindi siya mapansin ng mga babaeng dadaan sa direksyon niya. Nang malampasan na siya ay saka na niya inumpisahang lumapit sa kinaroroonan ni Saffina na tahimik lang na tinutuloy ang gawain niya na para bang walang epekto sa kaniya ang salitang itinawag sa kaniya ng babae.

"Ang babaeng iyon, mamamatay siya 'di ba?" Nagtatakang napatingin si Saffina kay Castiel.

"Sa pagkakaalam ko, taga-imbestiga ka at hindi manghuhula. Bakit naman sa tingin mo ay siya ang mamamatay?" tanong sa kaniya ni Saffina.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now