Entry #206

59 3 3
                                    

The Prize of Being Alone
by Arciyayaiya

MAPIPILI kaya ako?

Dito na kaya magbabago buhay ko?

Paano kung hindi? Paano kung magtuloy ako maghirap? Paano kung hindi ko pa rin mapatunayan sa pamilya ko na kaya kong mabuhay nang wala ang kanilang tulong?

Ito na ang huling bagay na hahawak at pipili ng aking kapalaran, upang tuluyang magbago ang aking buhay. Himala na lamang ang aking pinanghahawakang pag-asa.

Mahigpit ang hawak ko sa panyong nasa aking kamay. Sana... sana manalo ako.

Inikot na ang karambola at patuloy pa rin ang emcee sa pagha-hype sa mga nanonood. Nag-umpisang kumabog ang aking puso, hanggang sa makaramdam na lamang ako na may tumutulo sa aking pisngi. I'm crying.

Pinunasan ko ang aking luha, ngunit patuloy pa rin itong tumutulo. Nagmi-mistula ng gripo ang aking mata dahil sa walang preno nitong pagtulo ng luha. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa aking paligid hanggang sa makarinig ako ng pangalan.

Agad akong tumingin sa emcee at inulit pa nito ang pangalang kanina niya binanggit. Nagliwanag ang aking mukha kahit na basa pa ang mukha ko sa bandang pisngi. Kusa ring tumigil ang aking luha.

Napalitan ito ng saya at dali-dali akong umakyat ng entablado. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya naman noong nakaakyat ako sa entablado, kumaway ako sa mga tao. Pumalakpak naman sila na parang nakikisakay sa gusto kong gawin.

Patuloy pa rin akong kumakaway hanggang sa matamaan ng aking mata ang repleksyon ng aking sarili. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila.

Bigla akong napaisip kung para sa akin ba talaga ito? Deserve ko ba ito?

Hindi ko alam ang gusto ko, ngunit nahanap ko na lang aking sarili na gumagawa ng isang bagay na hindi ko inaakalang magagawa ko.

"I DON'T want this!" I exclaimed. Mascara rushing through my cheeks, while defending what I want from my parents. "Why you just can't support me on what I want? This is not I want! This is bullshit— ugh!" patuloy pa rin akong sumisigaw. Iyong kaninang hawak-hawak kong papel na ibinigay nila sa akin, nilapag ko sa sahig at paulit-ulit kong inapakan.

Nakaka-gago 'yong idea na, sarili mo pang pamilya ang unang tatanggi sa gusto mo.

Bakit ba gan'on? Bakit iyon ang gusto nila para sa akin? Bakit gustong-gusto nilang manahin ko 'yong walang kwenta nilang kompanya, kaysa suportahan ako sa totoo kong gusto?

"Sta—"

"What!? Will you say to me that I am only the one who will heir the company? Huh? Iyon ba? Ha!" I cut off my mom. Saglit kong tinigil ang pag-apak sa papeles na ibinigay sa akin noong pinutol ko si Mom, then start stomping again.

"Stop yelling at your Mom!" isang baritonong boses ang umalingawngaw sa buong mansyon, kaya napatigil ako sa aking ginagawa. Napahilot pa sa sentido si Dad bago ulit nagsalita, "Can't you understand? You'll the only one— the only one child of ours!" pagpapaintindi niya sa 'kin at binigyan pa niyang diin ang salitang child. I tweaked my hair out of frustration and let out a grunt.

"If that's the case, why can't you do a child to be the he—" isang malakas na pwersa ang dumapo sa aking palad, dahilan para mapatigil ako sa aking pagsasalita. Hindi ko man nakikita, ngunit alam kong namumula ang aking pisngi, dahil sa ginawang pagsampal ni Mom. Ayaw na ayaw kong nasasampal ako sa mukha, kaya naman umiiyak akong hinawakan ang aking pisngi.

"Ganiyan ba? Ganiyan ba ang gusto mo!?" Mom let out her anger through words. Akala ko roon na siya matatapos ngunit natigilan ako nang makaramdam na naman ako ng palad sa aking pisngi. Kumpara sa nauna niyang sampal, mas masakit ito kaysa, roon sa ginawa niya kanina .

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon