Entry #156

29 2 1
                                    

A Bestfriend's Love

by LA Vill

*Present*

Nakaupo si Clara sa bench ng dati niyang eskwelahan noong high school siya. Ito ang dating kinakatayuan ng puno ng mangga na paborito nilang tambayan noon ni Jasmin. Kaysarap balikan ang mga alaala. Parang kelan lang noong magkasama silang tumatambay dito. Naghaharutan na parang may mga sariling mundo. Nagtutuksuhan dahil sa pagdaan ng kanilang crush. Naging saksi ang lugar na ito sa paghubog nila ng kanilang mga pangarap at dito rin nabuo ang maraming pangako. Pangako. Nagkalambong ang kanyang mga mata ng sumagi ang mga salitang iyon sa kanyang isipan. Papaano nga bang naging makatotohanan ang salitang promises are meant to be broken? Bakit nga ba kailangang baliin ang mga pangakong dapat ay pinanghahawakan?

*Flashback*

"Bestfriends tayo forever pinky promise!" - Jasmin

"Bestfriends Forever, Pinky promise!"- Clara

Isang kasunduang binuo nina Jasmin at Clara noong sila'y musmos pa lamang.

Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina kaya di kalaunan ay naging magkaibigan din sila. Bestfriends nga sila kung tawagin. Solid, walang iwan at sanggang dikit sa lahat ng laban. Palaging magkasama sa iba't ibang bahagi ng kanilang buhay hanggang ng sila ay magdalaga. Sa iisang eskwelahan din sila nag-aral.

"Clara! Bilisan mo na diyan malalate na tayo sa school! " Pasigaw na tawag ni Jasmin kay Clara sa labas ng bahay ng huli.

"Oo, Sandali! I'm coming!" - pasigaw ding sagot nito sa kaibigan habang nagmamadaling isinuot ang sapatos at kinuha ang bag sa lapag tsaka lumabas ng bahay nila.

Napangiti si Clara nang madatnan niya ang kaibigan sa labas ng bahay nila. Di maipagkaila ang pagkainip nito sa paghihintay. Parehas silang nakatirintas ang buhok at may kulay pink na hair clips. Sabay silang napangisi nang magtama ang kanilang mga mata.

"Yehey! Sa wakas nandito na ang kamahalan!" Pang asasar ni Jasmin sa kaibigan.

"Sorry naman na late ako ng gising eh, nag aral kaya ako kagabi. Atsaka-" magpapaliwanag pa sana si Clara pero hindi na natapos.

"Stop! Alam ko na ang galawang yan parte ba ng pag aaral mo kagabi ang ilang episodes ng K-drama?". Panggagatong ni Jasmin sa pang assar kay Clara.

"Uy, hindi kaya-",mangangatwiran pa sana si Clara.

"Oo na bestfriend nag-aral kana kagabi kaya halika na kasi malalate na tayo. Period!". Pagtatapos ni Jasmin sa usapan sabay angkla ng braso nito kay Clara. Napabuntong hininga nalang si Clara at sumabay sa paglalakad ng kaibigan. Ito ang kadalasang tagpo sa pang araw araw nila. Hindi sila mapaghiwalay sa anumang oras. Kahit magbanyo lang kapag break time kailangang magkasama sila. Kapag lunchtime dapat magkasama sila. Sa seating arrangements sa school kahit alphabetical ay gumagawa parin sila ng paraan para magtabi. Partners in crime. Sa kanilang pagdadalaga ay kaagapay nito ang pagbabago. Habang sabay nilang dinidiskubre ang hiwaga ng mundo kaakibat nito ang paglago ng kanya-kanyang pangarap.

"Jas, alam mo ba gustong gusto ko talagang maging sikat na manunulat", wika ni Clara isang araw habang nakatambay sila sa paborito nilang puno ng mangga sa kanilang eskwelahan.

"Talaga?! Alam kong matutupad yan ikaw pa!" Pagbigay suporta ng huli sa kaibigan. "Ako naman gusto kong maging isang sikat na artista", wika ni Jasmin sabay pinagdaop ang kanyang mga kamay at tumingala na parang nakikita ang sarili na bumibida sa isang pelikula. Napangiti si Clara sa tinuran ng kaibigan. "Kung ganoon pala kailangang matupad lahat ng pangarap natin. Ikaw ang magsasabuhay sa mga novel na isusulat ko.", Tila nangangarap ring wika ni Clara sabay pinagdaop ang kanyang mga palad. Nagliwanag ang mukha ni Jasmin sa suhestiyon ng kanyang kaibigan. Nakangising tinitigan niya ito. "Promise yan ha! Pinky swear!" At gaya ng kanilang ritwal mula ng bata pa sila ang iniabot nito ang kanyang pinky finger sa kaibigan para ma seal ang kanilang pangako na tinugon naman agad ni Clara. "Promise! Pinky Swear!". Isang kasunduan na naman ang kanilang sinelyuhan.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now