Entry #164

32 3 2
                                    

SUCCESS

by peri_winklet

"Akala ko makakapasa na ako kanina. Sayang babe." malungkot na sambit sa akin ni Timothy.

Mabilis kong hinawakan ang kamay nito at ngumiti

"Ano kaba? Okay lang yun! Malay mo next audition mo matanggap kana diba?" sagot ko.

Nandito kami ngayon sa isang karinderya tanaw ang Omelas Entertainment kung saan nagaudition si Timothy para sa isang role. Pang limang beses na balik na namin ito ngunit hanggang finalist lang siya nakakasama.

"Kailan kaya ako makakapasok diyan?" sambit nito habang nasa building pa din ng Omelas ang tingin.

"Next audition malakas kutob ko na makukuha mo na yung role na yun!" pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.

Ngumiti naman ito at tumayo.

"Tara na babe. Maglalakad pa tayo hahahahahah"

Pamasahe lang ang dala naming pera ni Timothy dahil akala namin ay hindi kami aabutin ng tanghalian dito. May natira lang kaninang sobrang pera dahilan para makakain kami.

Pero ngayon, Maglalakad kami pauwi hahahahaha...

Limang taon na kami ni Timothy. Sa loob ng limang taon na yun ay sobrang dami nang problema ang hinarap namin pero nakakaya naman naming dalawa.

Engineering student si Timothy at ako naman ay Masscommunication student. Ngunit nahinto siya noong nasa thirdyear college na kami dahil namatay ang mama niya. Nasa puso niya din talaga ang pagaartista dahilan para kung saan-saang audition kami sumasali at nagbabakasakaling matanggap ang boyfriend ko.

"Babe, paano kaya pag sumikat kana?" tanong ko habang nakaupo kami sa labas ng bahay nila.

"Anong ako? Dapat tayo! babe pag naging artista na ako, tapos siyempre director kana. Ibig sabihin malaking chance na mahawakan moko hahahahaha pwede din namang ikaw ang leading lady ko."

"Tapos maraming scene na sasampalin kita hahahahahahaha"

"Aray ko naman babe. Ang sama mo naman sa akin hahahaha"

"Joke lang!"

"Paano naman kapag naging director kana?"

Ngumiti ako dito at hinawakan ang kamay niya.

"Kapag naging director ako, hahanap na ako ng kapalit mo!" pang aasar ko.

"Kapag naging artista ako, hahanap ako ng mas maganda sayo akala mo ha!"

"Edi humanap ka. Gusto mo ngayon palang magbreak na tayo para makahanap ka na ng bago mo eh!"

"Joke lang Pam! HAHAHAHAHA" sambit niya at niyakap ako.

"Iloveyou babe."

"Iloveyoutoo Tim."

Umayos kami ng upo at sabay pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"Siguro kung hindi namatay si mama, dalawa kayong nakasuporta sa akin ngayon. Sobrang swerte ko talaga sayo Pam."

Napatitig ako dito habang nagsasalita ito.

"Grabe noh? Isipin mo limang taon na tayo. Ang bilis parang dati lang lagi tayong nasa harap ng bahay niyo tapos may bitbit tayong mga damit para lang umarte hahahahaha."

"Naalala mo noong firstday natin ng highschool babe? Dami agad babaeng may gusto sayo nun tapos lagi nila akong tinatanong kung pwede ko daw ba sila ilakad sayo hahhahahahahaha grabe hindi ko lang talaga masabi noon na gusto na kita matagal na hahahaha"

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن