Entry #204

77 3 3
                                    

Sa Huling Araw ng Agosto
by girlinparis

NAPAPIKIT ako saglit at dinama ang hanging humaplos sa aking balat. Hindi ko alam kung ilang buwan na ang nakakalipas pero ito ako, hanggang ngayon, pinagmamasdan pa rin ng palihim ang likuran mo.

Araw-araw akong bumabalik sa mga lugar na pinupuntahan natin dati. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Dito ako palagi dinadala ng paa ko. Kahit anong gawin kong iwas, hindi pa rin ako makausad.

Ang sakit lang isipin na hindi ko magawang makalimutan ang lahat, Quen. Kahit na kailangan. Pakiramdam ko ay tumigil na lamang bigla ang oras ng mundo ko. Hanggang ngayon, nananatili pa rin ako sa panahong ako pa rin ang mahal mo.

Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan. Kanina lamang ay napakasaya ng sikat ng araw pero ngayon ay mukhang malapit nang umulan. Nakikiramay ba ang langit sa lungkot na nararamdaman ko?

Dire-diretso lamang ang paglalakad mo at hindi na inintindi kung may mabunggo ka mang tao. Mukhang nagmamadali ka. Napahinto ako nang makita kong tinatahak mo ang isang pamilyar na daan. At tama nga ako. Huminto ka sa isang maliit at lumang café na madalas nating tambayan noon.

May pag-aalinlangan sa reaksyon mo. Napansin kong sumilip ka saglit sa dala mong phone at muling tumingin sa loob na parang may hinahanap ka roon. Ilang segundo pa ang nakalipas at humakbang ka na paalis, ngunit muling napahinto nang biglang bumuhos ang ulan. Wala kang nagawa kun'di ang sumilong sa loob dahil nakalimutan mo na namang magdala ng payong.

Hindi ka na talaga nagbago.

Nanatili lamang ako sa labas at doon ka pinagmasdan habang nakasukob sa itim na payong. Halos kabisado ko na ang bawat sulok ng lugar na ito. Mula sa ayos ng mga upuan, sa mga tiklap ng pintura sa dingding, hanggang sa mga alikabok na naiipon sa gilid ng mga bintana.

Walang nagbago sa itsura ng lugar maliban sa mga taong naglalabas-masok dito. Kagaya ngayon, iba na ang kaharap mo sa madalas nating upuan.

Unti-unti kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko kasabay nang lalong pagdilim ng kalangitan. Bakit ang dali naman magbago ng nararamdaman mo, Quen? Mabuti pa ang klima, may tagapagsabi kung kailan posibleng uulan o aaraw. Hindi katulad mo na mabilis magbago ng nararamdaman nang wala man lang pasabi.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko sa may kahera ang nakapaskil na kalendaryo. Huling araw na ng Agosto. Natatandaan mo rin ba, Quen? Ito ang araw na una tayong pinagtagpo ng tadhana—dito mismo sa eksaktong lugar kung saan nakapako ang mga paa ko.

Simula noong maging tayo, palagi mo akong pinasaya. Tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, hindi ka nakalimot na bigyan ako ng isang tangkay ng rosas araw-araw.

"Para saan 'to?" tanong ko nang iabot mo sa akin ang isang rosas. "Kakatapos lang ng birthday ko kahapon ah—August 1! Hmm.... may nagawa kang kasalanan 'no?"

"Hindi ah!" Hinawakan mo ang kamay ko at hinalikan ito. "Because it's your birth month, I will make you feel extra special everyday. Hanggang sa huling araw ng Agosto kung kailan tayo unang nagkakilala."

"Bakit ang sweet mo?" Tiningnan kita nang nakakaloko pero nginitian mo lamang ako. Pinisil mo pa ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo.

"Wala lang. Last year kasi, hindi pa tayo magkakilala kaya pambawi ko man lang sa tatlumpu't araw na hindi kita nakasama."

Bakit ba tayo naghiwalay, Quen? Bakit hindi ko maalala? Ang babaeng kaharap mo ba ang dahilan?

Napabalik ako sa realidad nang makita kong tumayo ka sa kinauupuan mo at naunang umalis sa babaeng kasama mo. Dali-dali naman akong nagtago sa likod ng isang puno kung saan hindi mo ako makikita.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now