Entry #186

39 1 0
                                    

My lover is devil

A tale of 1,000 letters

by Leixxx

May isang Shinigami o tagasundo na tinatawag na Rhem ang nagmula sa ilalim ng mundo. Binigyan siya ng trabaho ng kaniyang Big Boss upang magtungo sa mundo at bantayan ang mga taong malapit ng maubos ang life span. Ginawa siyang 'scheduler' upang maisakatuparan ang oras at panahon ng bawat kamatayan, kaakibat ng kanyang bagong misyon ang mga babala at tagubilin.

Hindi niya maaaring hawakan ang anumang bahagi ng katawan ng taong malapit ng mamatay sa oras ng pagkaubos ng kanyang lifespan kundi lahat ng emosyon at damdaming ng taong iyon ay mapupunta sa kanyang lahat. Isa iyon sa mga ipinagbabawal sa imperyno, ang sinumang sumuway sa mga kautusan ay may kapalit na kaparusahan, maaaring maubos ang kaniyang mga pakpak hanggang sa mamatay.

Sinunod ni Rhem ang mga tagubilin at matapos na mabasbasan at nagsimula na siyang maglakbay sa mundo.

Isinakatuparan niya ang pagsubaybay sa isang binatang si Aldred, simpleng estudyanteng may kasintahang nagngangalang Naomi, mahal na mahal nila ang isa't isa at naging daan iyon upang magkaroon ng pang-unawa si Rhem ukol sa pagmamahal pero hindi siya nagtangkang makialam sa mga nangyayari isa pa, nakita na niya ang life span ni Aldred, tatlong araw bago ang kanyang kamatayan kung kaya't inihanda na lamang niya ang mga kailangang impormasyon upang maipabatid sa imperyno ang magiging tadhana ng binata.

Ang bawat Shinigami ay may espesyal na katangian. Si Rhem ay nagtataglay ng 'deadly eyes' ibig sabihin ay kaya niyang makita ang magiging kapalaran ng isang tao bago pa man siya mamatay. Mayroon siyang 'deathnote' at doon niya inililista ang mga taong mamamatay sa tiyak na oras, lugar at dahilan ng kamatayan. Iyon ang kaniyang nakakaboring na misyon sa mundo. At sa isang iglap ay naisakatuparan niya ang kaniyang trabaho, isang araw bago ang death schedule ni Aldred nagtungo ang magkasintahan sa isang bangin, dala ang maliit na gasera at ang isang basket na eroplanong papel. Medyo mahangin noon at tamang-tama sa pagpapalipad ng mga eroplano sa alapaap.

Mula sa mga kwento at alamat, bago sumapit ang araw ng mga puso ay maraming tao ang nagtutungo sa naturang bangin upang magwish na matupad ang kanilang mga kahilingan. Kailangang mapalipad ang isang libong eroplanong papel na nagtataglay ng mga liham ng kahilingan upang matupad ang anumang inaasam na pangarap. At ganoon nga ang ginawa ng magkasintahan, isa-isa nilang pinalipad ang mga eroplanong papel na may matatamis na ngiti sa kanilang mga labi, umaasa sila na magkakatotoo ang mga kahilingan subalit sa hindi malamang kadahilanan ay hindi sila nagtagumpay, mabilis na bumagsak sa lupa ang kahulihang siyam na daan at siyamnapu't siyam na eroplano. Nagulat si Naomi sa kaniyang nasaksihan.

"Naku! Paano na magkakatotoo wish natin my love?" medyo nangangamba si Naomi.

"Don't worry! Mga alamat lang ang lahat, may iba pang paraan upang matupad ang mga kahilingan mo." Hinalikan niya sa pisngi ang kasintahan bago pa sila nagdesisyong umalis sa burol.

Naiwan si Rhem sa burol, nacurious siya sa kahulingang eroplanong hindi napalipad ng magkasintahan, kinuha niya iyon sa isang sulok ng damuhan at manaka-nakang binuklat at binasa.

"I wish magkatuluyan kami ni Aldred habang buhay." Iyon ang mga kahilingan ni Naomi na puno ng kasabikan ngunit talagang malupit sa kaniyang ang tadhana at hindi sila ang para sa isa't isa ni Aldred.

Huling araw ng death schedule ni Aldred, lumipad sa kaitaasan si Rhem habang pinagmamasdan ang maliwanag na bahagi ng buong city. Kitang-kita niya kung gaano kabusy ang mga tao, sa bawat oras at panahon na lumilipas ay nagbabadya ang kamatayan, ang kasiguraduhan ng katapusan at walang hanggang pagkawala sa mundo. Panay kalungkutan at kadiliman ang naghahari sa kaniyang kalooban kung kaya't hindi niya alam ang pakiramdam kung paano magmahal, maging masaya at magkaroon ng pag-asa. Para sa kaniya, ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now