Entry #177

79 9 4
                                    

Sunset In Paradise

by agirlwhocannotwrite

ANG mga luha sa mga mata ni Matthea ay walang humpay sa pagbuhos nang hawakan ang sa pinakahuling pagkakataon ang taong kamaikailan lang naman niya nakilala. Kahit na ganoon ay labis pa rin ang sakit na nanunuot sa kanyang dibdib tuwing naiisip na kailangan na niyang magpaalam dito. Hindi pa siya handa, hindi pa niya kayang ipaubaya ang taong minahal niya sa maikling panahon.

"I need to go, you need to let go of me," sabi nito at malumanay na ngumiti sa kanya.

Umiling siya. Bakit napakadaling sabihin nito ang mga salitang iyon? Bakit hindi siya nito naiintindihan? Bakit ngayon pa nito kailangang umalis?

"Ako lang ang aalis pero ang mga alaala natin ay mananatili. Don't cry now." Pinunasan ng lalake ang luhang nasa pisngi niya.

"Theodore..."

Pumikit si Matthea at bumuhos ang mga alaala ng una nilang pagkikita ng binata...

Bumuntong-hininga si Matthea nang makita ang resulta ng kanyang entrance exam sa balak niyang pasukan na university. Hindi na naman siya nakaabot sa quota, pangalawang beses na ito. Dalawang taon na siyang nahinto sa pag-aaral, naiisip nga niya minsan na huwag na lang ituloy ang pag-aaral at magtrabaho na lang para mapag-aral ang mga kapatid niya. Gusto niyang isuko na lang ang pagtatapos niya para sa mga kapatid niya na sa tingin niya ay mas malayo ang mararating keysa sa kanya.

Gustuhin man niyang umiyak at lumugmok nang tuluyan ay hindi naman pwede iyon. Hindi naman katapusan ng mundo niya kung hindi niya matutupad ang pangarap niyang maging nurse. Gagawin na lang niya sa mga kapatid niya ang mga hindi niya nagawa sa kanyang sarili. Maiintindihan naman siguro siya ng kanyang ina.

"Panay ang buntong-hininga mo, parang pasan mo naman ang mundo sa tuwing tinitignan mo ang papel na iyan."

Napalingon siya sa taong tumabi sa kanya sa bench. Ngumiti ito sa kanya pero inirapan niya lang ito. Ayaw niya nang kausap ngayon.

"Sungit, bad news ba 'yan?" tanong nito.

Napairap ulit sa kawalan si Matthea. Balak na sana niyang umalis nang matigilan siya sa sinabi nito.

"Huwag kang mag-alala. Kung hindi naman magiging dahilan iyan para mamatay ka ay dapat magpasalamat ka pa rin."

Nilingon niya ulit ito, nandoon pa rin ang matamis na ngiti sa mapupula at maninipis nitong labi. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng lalake, nakasuot ito ng makapal na jacket at may bonet din itong suot sa ulo. Ginaw na ginaw lang?

"Ano namang alam mo? Siguro mayaman ka kaya walang problema kung hindi ka makapag-aral. Ako, malaking problema iyon sa akin dahil kailangan kong makahanap ng trabaho dahil gusto kong umahon kami sa hirap," sabi niya at nagtagis ang bagang.

Tumango-tango ang lalake at bahagyang natawa.

"Kung nabibili lang ng pera ang buhay ay siguradong ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Uubisin ko lahat ng perang meron ako para lang mabuhay pa ng matagal." Tumingin ito sa kanya gamit ang malungkot na mga mata.

"Theodore." Inabot nito sa kanya ang isang kamay.

Huminga nang malalim si Matthea, merong bumubulong sa loob niya na dapat siyang mapalapit sa Theodore na ito. Sandali pa siyang natigilan bago tinanggap ang kamay nito.

"Matthea," banggit niya sa kanyang pangalan.

Ngumiti ito nang malaki kasama ang mga mata nito.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon