Entry #118

55 4 2
                                    

Kahit Puso Ko'y Masusugatan 

by Cheng

" Hahahahaha" rinig kung boses ng mga estudyanteng naghalakhakan.

Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada, patungong universidad ng St. De Monteverde Colleges. Isang pampublikong paaralan na kung saan maraming talentadong estudyanteng nag-aaral. Walang sasakyan ang dumaan dito sa entrance kundi nasa exit sila pinadaan para iwas disgrasya. Diba parang wierd sa pandinig. Pero ganyan talaga ang aming paaralan. Nakakalat sa paligid ang maraming estudyante, may mga babae na nag-make-up, may mga grupo naman na nagbabanda, may naglalaro ng volleyball, may mga magkasintahan na masayang nakipag-harutan, may mga nagkwentuhan din parti sa mga crush nila.

" Siguro ang ganda pagnagmahal, may nagaalaga sayo, may magsasabing I Love You sa lahat ng oras, tapos kapag lumabas ka may magsasabing ingat ka palagi, tapos kung oras naman ng pagkain may magsasabing kumain kana huwag magpagutom, gising na mahal ko. Oo college students na ako pero never ko parin naranasan na pumasok sa isang relasyon. Chill lang buhay ko, kuntento nalang kung ano ang makikita. Pero paano kung magbago ang buhay ko. Paano kung pumasok ako sa isang relasyon. Masakit bang masaktan. Ano kaya ang mararamdaman pagnagmahal, masaya ba o malungkot. Inosente ako paano na yun? " Yan ang mga tanong na palaging gumagambala sa aking isipan. Nang sumunod na buwan, dumaan ako sa basketball court ng gym namin, kung saan nagpapraktis ang iba't-ibang atlethics na manlalaro. Nagshort cutt lang ako nang daan para mas madaling makadating sa Blue Building para sa 2nd class ko.

" Araayyyyy!!!" napabulalas ako sa pagkabigla, dahil sa pagtama ng hugis bilog sa aking ulo, siguro bola, wala namang ibang bagay dito kundi bola ng manlalaro lamang.

" Miss ok kalang ba?" boses ng isang lalaki na nagtatanong sa aking kalagayan, habang patuloy parin akong nakahawak sa aking ulo.

" Ah, medyo lang po, pero maging ok din po ito" pakunwari kung saad kahit masakit pa talaga ito.

Iyan ang unang conversation naming dalawa, hindi ko inaasahan na mangyari iyon. Siya si Stanley 4th year students of Engineering and also my ultimate crush since High School, pero hindi ako malandi para magpapansin. Kaya hanggang ngayon naging secreto pa rin ito sa akin. At ako naman si Kate Morgan a 3rd year students of Accounting.

" Best" bulyaw agad ng mga kaibigan kung mga madaldal. Pero imbes na salita ang iganti ko, pinataasan ko lang sila ng kilay.

" Ang OA mo!" malanding saad ng kaibigan kung guy na si Akiro.

" Oo nga best, naka-first face mo lang ang gwapong lalaki na yun naging OA ka na" sambit ni Kelly. Nagtaka ako kung paano nila nalaman.

" Nagtaka ka , kung paano namin nalaman, syempre kitang-kita ka dito sa Blue Building" kilig na sabi ni Blethly.

" Oo na. Bakit may masama ba doon?, tapos kayo kilig na kilig pa!" hindi na nakasagot ang mga kaibigan ko dahil sa pagpasok ng professor namin. Test, Leksyon, Recitation, iyan lang nagawa namin buong araw hanggang sa nagpaalam na ang mga kaibigan ko na umuwi. Syempre ako iba din ang direksyon ng bahay.

Gabi na at nakahiga na ako sa kama para magpahinga. Wala akong magawa, kaya nag open ako FB ko. Pagka open ko may nakita akong friend request. I open it and I shocked.

" Oh no!!!" bulalas ko. Parang tumigil saglit ang mundo ko. Napagtanato ko na ultimate crush ko ang nakipagfriend request sa akin. Kaya wala na akong sinayang na oras pa. I confirm him. Wala pang isang minuto at message ito sa akin.

" Hi!" chat nito . Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa kinakabahan na ako. Pero nagreply pa rin ako baka sasabihan ako nito mamaya na seener.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon