Entry #109

172 7 3
                                    

Unpredictable Script

by Su Altera

Paano nga ba natin malalaman na 'yong taong mahal na mahal natin ay sila na 'yong nakatakda para sa atin? Sapat na ba 'yong mahal natin sila o may kailangan tayong patunayan sa kanila? Paano naman natin mahahanap 'yong taong nilaan sa atin? Kailangan ba maging perpekto tayong tao para matanggap nila kung ano tayo?

Ilan lang 'yan sa mga tanong ko na kailanman hindi nahahanapan ng sagot. Pagod na pagod na ako humanap ng taong kaya akong pahalagahan. Minsan ay napapaisip na lang ako kung ano kaya ang mali sa akin at humantong ako sa ganito. Ano kaya ang pakiramdam na tanggap ka bilang ikaw at kung ano kakulangan mo.

"Okay, cut!" sigaw ni Direk Joe. Nagpalakpakan kaming lahat sa set. Sobrang saya ko na natapos din namin ang huling tapping para sa isang palabas sa telebisyon. May halong lungkot din dahil matagal ko nakasama ang mga taong naging parte ng palabas na ito.

"Nagugutom ka na ba. Love?" tanong ni Bryson, ka-love team ko ng limang taon. Nakangiti akong tumango saka niya ako inakbayan. Nagtungo kaming dalawa kung saan may nagaganap na handaan sa set. Huling araw na kasi kaya maraming hinanda ang bawat isa.

"Love, saan mo gusto pumunta bukas? Treat ko'' masayang aniya pa. Inalalayan niya akong maupo sa upuan. Umalis muna siya saglit para kumuha ng pagkain namin.

"Sa Boracay. Gusto ko makakita ng dagat" nakangiti kong sagot pagkabalik niya. Siya pa ang nagbalat ng hipon para daw makain ko agad. Kumain muna kami bago ulit namin pag-usapan ang pupuntahan namin. Nakipagkuwentuhan kami sa ibang kasamahan. May ilang bumati sa amin dahil naging successful ang takbo ng career naming dalawa ni Bryson.

Nagkaroon din nang inuman kasama si Direk. Medyo natagalan kami para masulit ang huling araw namin. Kaya naman gabi na kami nakauwi sa kanya-kanya naming bahay. Hinatid ako ni Bryson sa tinutuluyan kong condo at tinulungan ako ibaba ang ibang mga gamit ko. Sa tatlong taon namin magkarelasyon hindi pa kami nagsama sa iisang bahay. Parehong conservative ang mga magulang namin gayong nasa tamang edad naman kami.

"Bili kaya muna tayo ng dadalhin natin bukas sa Boracay?" sabi ko pagkaupo namin sa sofa. Masyadong maaga pa naman at iyong tinutuluyan kong condo ay malapit lang sa isang mall. Ngunit imbes na sagutin niya ako ay humiga siya sa kandungan ko at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Sobrang proud ako sayo, Love, kulang ang salitang proud para ipaliwanag ang nararamdan ko. Mahal kita, Iris. Masaya ako na ikaw ang napiling katambal ko sa isang palabas. Syempre lalo na sa buhay ko" sumimangot siya nang tawanan ko ang mga sinabi niya. Hindi ako sanay na gano'n siya dahil madalas kaming mag-asaran. Hindi lang ako makapaniwala na masasabi niya talaga 'yon sa harap ko mismo. Pero aaminin ko na kinilig ako sa mga sinabi niya.

"Ano bang nakain mo at ganyan ka na lang kung magsalita" hindi siya naka-imik at nakatitig pa rin sa mga mata ko. Tumayo na ako kaya nahulog siya sa pagkakahiga sa kandungan ko. "Magbibihis lang ako. Punta tayo sa mall bago pa magsara 'yon" iniwan ko na siya sa sofa habang nagkakamot ng ulo.

Paglabas ko sa kwarto na abutan ko siyang may kausap sa cellphone. Wala ako maintindihan sa pinag-uusapan nila pero halatang problemado siya. Basta ko na lang siya nilapitan at yinakap mula sa likuran. Naramdaman ko ang gulat niya at agad na binaba ang tawag. Humarap siya sa akin na namumutla at medyo pawisan. Anong nangyayari sa kanya?

"Kanina ka pa ba d'yan?" pilit na ngiti niyang tanong. Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinignan ko siyang mabuti. Balisa ang kanyang mga kilos at kanyang mga kamay ay nanginginig. Nang dumapo ang paningin ko sa hawak niyang cellphone agad niya itong tinago sa bulsa ng kanyang pantalon.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora