Entry #162

73 2 2
                                    

Bata, Pasensya

by Athens Postrado

Sa pagpatuloy ng buhay, patuloy rin ang hirap na mararanasan.

Kasama ng bawat pagkuskos at pagpiga ko ng mga damit ay ang pagtulo ng mga butil ng pawis sa aking noo. Sabay pahid saka tayo upang isampay na ang mga ito.

"Babalik ka ba mamaya, Katalina?" tanong ni Ate Jenna, ang aking amo.

"Opo, may racket pa kasi ako. Babalik pa naman ako para sa mga sinampay."

Tumango siya at pumasok na muli sa bahay.

Unti-unti nang dumarami ang mga guhit sa aking mga daliri dahil sa pagkababad sa tubig. Patuloy ang pagtulo ng aking pawis ngunit tuloy pa rin para sa nakaabang na swledo sa bawat pagtapos ng araw.

Tatlong trabaho sa bawat araw – labandera sa umaga, tagalinis ng mall sa hapon at waitress naman tuwing gabi. Hindi man malaki ang nakukuhang sweldo ngunit iyon lang ang bumubuhay sa 'min ngayon.

Halos kapusin na ako ng hininga dahil sa pagod, nangangalay na ang buong katawan ko at gugustuhin ko na lang na tumigil.

Hindi pwede.

Sa taong katulad ko, ang pagtigil ay ang pagsayang ng sentimo, ang hindi paggalaw ay sayang sa oras. Kung tumigil ka ay hindi ka mabubuhay.

"Bayad po," ani ko sabay abot ng bayad.

Nang bumaba ako sa tricycle ay bumungad sa 'kin ang nagmimistulang kulay grey na paligid. Iyon na lang yata ang kulay na para sa amin. Kahit ang nagmumunting liwanag galing sa street lights at mga kandila ay hindi magawang paliwanagin ang paligid na ginagalawan namin.

Tinahak ko ang masikip na eskinita na puno ng mga nakakalat na gamit kagaya ng kahoy, extrang yero, mga upuan na halos iyon na lang ang nagiging pundasyon ng mga kabahayan.

Nadaanan ko pa ang barbeque-han ni Aling Nena kaya napabili na lang ako ng tatlong piraso bilang pasalubong.

Agad kong napansin ang ilaw na nanggagaling sa bahay kaya dali-dali na akong pumasok.

"Mama!"

Sumalubong agad sa 'kin ang aking apat na taong gulang na anak. Binitiwan ko ang aking dala-dala at agad siyang niyakap at binuhat.

"Ba't gising ka pa? Hindi ka niyan lalaki, sige ka," biro ko pa sa kanya sabay kiliti sa kanyang tagiliran. Muntik pa siyang makawala sa 'kin hanggang sa binaba ko na siya nang tuluyan.

"Eh, gusto raw niyang hintayin ka. Hindi ko naman alam na gagabihin ka na naman," ani Marites sabay lapit sa 'kin.

"Full house sa bar. Salamat sa pag-alaga sa baby Keith ko. Magkano na ba utang ko sa 'yo?" biro ko sa kanya.

"Tulungan mo na lang akong mamalengke bukas. Matulog na kayong dalawa." Iyon lang at umalis na siya.

"Kumain ka na ba? May biniling barbeque si Mama," tanong ko sa anak kong kanina pang naghihintay sa 'kin.

"Mama, nag-drawing po ako."

"Wow naman, patingin!" Kinuha ko 'yong pirasong papel na may nakaguhit na bahay na nakalagay pa kung ano anong kwarto ang naroon. "Galing, galing naman." Pinisil ko ang kanyang pisngi at hinanda na ang maliit naming hapag.

"Mama, pwede po ba bilhan niyo 'ko ng crayons, para po mas gumanda 'yong drawing ko."

Pilit akong napangiti, "Susubukan ni Mama, ha?"

"Ma, pwede ko 'tong ubusin?"

"Nagutom ba ang baby ko?"

"Opo."

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now