Entry #193

36 0 1
                                    

MGA TALA AT ANG BUWAN

NI UNPREDICTABLE_CHAOS

Sally's PoV:

Sabi nila sobrang saya daw kapag nagmamahal tipong makita mo lang daw siya, mayakap, makasama, mahalikan, kahit gaano pa kagulo ang nagdaang mga oras sa buhay mo tila ba'y agad itong napapawi,

Pano pa kaya nung lumakad ako papunta sa altar, suot-suot ang puting gown, pinapaligiran ng mga bulaklak at mga taong importante at naging parte ng ating buhay, tapos nakisabay pa ang liwanag ng buwan na nagsisilbi nating spotlight at ang mga tala sa kalawakan na nag sisilbi nating mga ilaw tapos hanggang makita mo ko na hawak hawak ang paborito kong bulaklak habang naglalakad patungo sayo Nakita ko pa nga kung gaano ka kasaya, habang nakikita ko rin kung pano pumatak ang mga luha mo sa mata sobrang saya naman natin hindi ba? Naalala mo pa ba ang lahat ng mga yon? Kung paano mo hiningi sa tatay ko ang kamay ko at kung paano tayo sumumpa sa harap ng Diyos sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at magmamahalan sa habangbuhay, mananatiling ako lang at wala ng iba, naka plano na e, planado na ang lahat pati mga pangarap nating sa buhay planado na, bakit pinagpalit mo ko? Bakit iniwan mo ko ng ganon ganon lang?

"Uy, isang taon na ang nakakalipas ganiyan ka nalang ba talaga?" tapik ng kaibigan ko sa braso ko bago niya ko inabutan ng tissue habang minamase ang likuran ko, "For sure masaya nayun ngayon." Aniya, hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang lahat na kung bakit parang sobrang dali lang ng lahat ng ito para sa kaniya. "...ikaw nalang talaga ang nakakakapit pa." dugtong nito huminga ako ng malalim hinahayaang pumatak ang mga luha ko habang nakatingin ako sa buwan at sa mga tala sa kalawakan habang pinapakinggan ang bawat pag kanta ng mga hangin, ang paghampas ng alon at ang bawat pag kislap ng mga bituin.

"Alam mo ba na paborito naming pagmasdan ang mga tala sa kalawakan habang umiinom kami ng kape, tapos nag gigitara siya habang ako naman ay kumakanta..." hindi ko nanaman mapigilan ang mga luha ko, sa loob ng isang taon hindi siya nawaglit sa aking isipan kaya't hanggan ngayon nasasaktan parin ako ng sobra-sobra. "...nakikita ko siya sa lahat ng maliliit na bagay." Pagpunas ko sa mga luha ko.

"Hindi ko naman sinabing kalimutan mo siya..." pumunta siya sa harapan ko. "...ano ba sa palagay mo ang mag papalaya sayo?" pagtatanong nito sakin bago ko pinikit ang mata ko. "Ang makasama siya ulit." Hinga ko ng malalim

(Flashback)

Bata pa lang ako kilala ko na si Jun, siya ay isa sa mga tumutugtog sa simbahan at isa rin siyang miyembro ng mga choir, ngunit hanggang tingin lang ako sa kaniya sa totoo lang hindi ko naman talaga siya gusto at wala akong balak na magustuhan siya hindi ko ng aba alam ayaw na ayaw ko sa kaniya noon kaya madalas ko rin itong mapag sungitan, nung nag highschool na kami patuloy pa rin ang pag s-serve nito sa simbahan hindi kalaunan nagiging isang volunteer worker na rin siya sa mga charity kaya naman maraming hangang hanga at nag kakagusto sa kaniya bukod sa maraming talento, maka-Diyos, at matulungin si Jun ay isa sa pinagmamalaki ng aming paaralan dahil sa angkin nitong talion lahat na yata na sa kaniya kaya maraming mga babaeng patay na patay sa kaniya lalo na yung nag college kami at ako lang ang may ayaw sa kaniya.

Isang gabi, habang naglalakad ako pauwi medyo ginabi na rin dahil sa paggawa naming ng proyekto kaya ayun naubusan din ako ng pera kaya naman naglakad naman ako. "Huy..." pag harang ng isang lalaki sa harapan ko na tila ba ito'y lasing. "Anong oras na ba't naglalakad ka mag isa?" napa-atras ako. "ano gusto mo gumapang ako?" matapang nap ag sagot ko dito

Bigla lang ito tumawa ng malakas. "Halika dito turuan kita ng leksiyon." Bigla niya ko nilapitan at hinawakan ang braso ko ngunit sinubukan kong kumawala hindi naman din kasi taliwas sa ating kaisipan na mas malakas ang lalaki kahit na ito pa'y isang lasing kaya naman ang tanging ginawa ko nalang ay nag sisisigaw. "tulong!" sigaw ko ng malakas, hinila niya ulit ako sabay ang malakas na sigaw ko. "TULONG!"

Pinikit ko ang aking mga mata ng sandalling maramdaman ko na hinila ako bigla papalayo sa lasing na matandang lalaki. "Manong kapag hindi po kayo tumigil tatawag ho ako ng pulis." Aniya binuksan ko ang mata ko laking gulat ko ng makita ko si Jun na hawak hawak ang aking kamay. "P-pasensiya na may pamilya pako..." ani ng matanda bago ito tumakbo papalyo sa amin. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" paghawak nito sa ulo ko, putik ba't bigla akong kinilig imbis na matakot, normal pa ba to? "O-oo..." utal na pagkasabi ko.

"sigurado kang ayos ka lang?" pagtatanong ulit nito upang ikumpirma na ayos lang talaga ako. "San ba yung bahay niyo? Samahan na kitang maka-uwi." Aniya bago niya kinuha ang bag ko sa daan, "D-doon banda." Utal nap ag turo ko bago kami nag lakad HOY BAKIT AKO NAKANGITI PARANG TANGA!? Eto ba yung sinasabi nilang 'the more you hate, the more you love?' Love? Love agad?!

"Dito nalang ako, Salamat Jun." ani ko ngumiti siya. "ayos lang yon, Sally." Nagulat ako nung binanggit niya ang pangalan ko. "Kilala mo ko?" pagtatanong ko dito at tumango naman ito. "oo naman hindi ba't ikaw yung nagdikit ng mga poster sa bawat room ng skwelahan kung gaano mo ko kinamumuhian..." nanlaki ang mga mata. "ano kasi a---" hinawakan niya ulit ang ulo ko. "ayos lang yun."

"Sally." Pagtawag ni papa bago siya lumabas, "Anong meron dito at ngayon ka lang umuwi?" pagtatanong ni papa sakin bago siya tumingin kay Jun. "Uhm, papa si Jun sinamahan niya kong maglakad papauwi dito kasi may lasing na lalaking humarang kanina sakin sa daan." Hinawakan ako ni papa sa labis na pag-aalala niyo sakin. "Ayos ka lang ba? Bakit naglakad ka lang?" sunod sunod na pagtatanong nito. "e naubusan po ako ng pamasahe buti na nga lang po dumating si Jun."

"Salamat iho, hindi ba't ikaw yung nag gigitara sa simabahan?" masayang pagbati ni papa, "Opo tito." Magalang na pagkasabi nito kay papa, simula noon, naging mag ka close na sila ni papa, hindi ko nga namalayan na unti-unti na rin nahulog ang loob ko sa kaniya hanggang ipinagtapat niya na dati pala crush niya na ko, kaya naman ayun nanligaw siya sa bahay kaya naman sobrang laki ng tiwala nina mama at papa sa kaniya umabot kami ng anim na taon, pag nag aaway kami hindi niya hinahayaang hindi kami mag kayos kaagad, palagi ang pag bisita niya sa bahay naming, parehas na kaming may sariling trabaho kaya naman hindi ko makakalimutan nung araw na lumuhod siya sa harapan ko sabay ang paglabas ng sing sing, ako na yata ang pinaka masayang babae nung oras na yon, hanggang sa kinasal kami

(Present)

"...hanggang sa kinasal kami nag palitan ng 'I do' nag plano, dami nga naming plano kaya naman hindi ko akalain nung bigla niya kong iniwan sa ere mag-isa, parehas kaming naging busy kaya kinailangan kong mag ibang bansa, ni wala na nga kaming halos contact sa isa't isa pero yung pagmamahal nandon parin hindi na wala, kaya yung araw na huling tawag niya alam mo ba sinabi niya? Sabi niya 'alagaan mo sarili mo,mahal na mahal kita sa tuwing na m-miss mo ko tingin ka lang sa mga tala kasi ganiyan karami ang pagmamahal ko sayo at sa tuwing tinitignan mo naman ang buwan yan ang saksi ng pagmamahalan natin dahil nung gabing iyon na natagpuan kita mas maliwanag pa sa araw ang buwan' hindi ko naintidian ng maayos ang sinabi niya kaya nagtanong ako kung kamusta siya sabi niya okay lang daw tuparin ko raw pangarap ko, hanggang sa tumawag ang mama."

Huminga ako ng malalim. "...wala na raw siya, namatay siya sa cancer." Tinignan ko ulit ang buwan. "wala ako sa tabi niya nung mga oras na iyon..." pag iyak ko. "...pero siya palagi siyang nakaantabay at sinusuportahan ako without knowing na ayaw niyang maka istorbo sa pagtupad ko ng pangarap ko, kung bakit niyang piliin na ipagpalit ako sa naiisip niya na, kung bakit kailangan niyang umalis ng ganon ganon na lamang..."

"Mahal na mahal ka ni Jun at alam mo yan sa sarili mo, alam mo rin na hindi niya rin gustong ilihim ang lahat ng ito sayo sapagkat alam niya na mas ikadudurog mo ito." Hinawakan niya ang kamay ko. "...hindi ka naman talaga iniwan ni Jun e buhay na buhay pa rin siya sa puso't isipan mo...ano bas a palagay mo ang gusto ni Jun na gawin mo?" pagtatanong nito bago ko pinikit ang mga mata ko.

Naalala ko ang mga panahon na kung paano niya ipinaramdam ang pagmamahal at pagmamalasakit sa iba, kung paano niya ko minahal, at alam ko rin na kung mabibigyan siya ng chance na mabuhay ulit ay ako pa rin ang pipiliin niyang makita, panahon na siguro na ako naman ang gumawa ng pabor sa kaniya, ang ipaubaya siya sa may kapal, alam ko naman na kahit mas malayo na kami sa isa't isa ang pag-ibig naman naming ay kahit kalian ma'y hindi malalayo at walang makakaputol nito, sapagkat ang pag-ibig ay katumbas rin ng pagpapalaya at pag papaubaya.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now