Entry #129

244 7 5
                                    

Nine Days

by CamsyNotClumsy

In just nine days, we are getting married.

Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ko. Para akong nakalutang sa ulap. Sobrang sarap sa pakiramdam. We're both twenty-eight years old and we have both stable jobs, kaya't masasabi kong handa na talaga kami para sa panibagong kabanata ng buhay namin.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako sa isang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Iyong pagmamahal na totoo at wagas. Pagmamahal na kailanman ay hindi magtatapos.

"Bagay ba sa 'kin?" I asked him while looking myself at the full length mirror wearing an A-line wedding dress. Sobrang excitement ang naramdaman ko nang dumating ang wedding dress na ito, dito mismo sa condo kung saan kasalukuyan kaming nakatira. After the proposal, nagpasya na kaming magsama.

"It fits you so well, Andi. Nothing has changed, kahit anong suotin mo, maganda ka pa rin."

I smiled brightly. That's one of the reasons why I loved him. Ang tingin kasi niya sa akin, lahat maganda.

Pero hindi lang iyan, katulad ng sabi ko, isa lang iyan sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Bukod sa nakakatunaw nitong mga ngiti at mala-chinitong mga mata, napakabuti rin ng puso niya.

I met Kyle, seven years ago. Iyan 'yung mga panahong tila wala na akong pag-asa. Pakiramdam na ayoko ng maniwala na may mananatili pa sa akin. I don't know what's wrong with me because every one I love, leaves me. My parents died because of car accident and my ex-boyfriend suddenly left me without any reason.

Until he came into my life. Magmula noon, sa kanya na umikot ang mundo ko. Pa'no ba naman kasi, he's the one who made me believed na may isa pang taong mananatili sa akin. Palagi niyang pinapaalala na minsan kailangan ko lang talagang mawasak, para mabuo muli.

I smiled brightly when I remembered how we first met.

It was rainy season. Matapos akong iwan ng parents at ng ex ko, pakiramdam ko, wala ng patutunguhan ang buhay ko. Sa totoo lang, handa na akong mawala sa mundong ito. Wala na siguro ako sa tamang pag-iisip, kaya't nagawa ko ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inaasahang mangyayari.

Umuulan. Madilim. Mag-isa sa gitna ng daan. Naghihintay ng sasakyan na kayang tumapos ng buhay ko.

Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon nang may paparating na kotse sa harapan ko. Agad akong tumakbo papuntang gitna ng kalsada. Umiiyak. Wala ng pag-asa. Napapikit dahil sa takot. Naghintay. Ngunit lumipas na yata ang ilang minuto, wala pa ring sasakyan na bumabangga sa akin.

As I opened my eyes, I saw a handsome man, running towards me. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha gawa ng ilaw ng kotse. Katulad ko, basang-basa na rin ito gawa ng ulan. Doon ko lang napansin na bumaba pa pala ito ng sasakyan para lang lapitan ako. At that moment, I know... I know that God send him to me.

And that started all- our love story. Binago niya ang mundo ko. Siya ang naging tagapagtanggol ko. Siya ang naging sandalan ko. Higit sa lahat, siya ang nagbigay ng saya at bumuo sa pagkatao ko.

Iniisip ko nga, paano kaya kung hindi siya napadaan sa lugar na 'yon? Siguro, miserable pa rin ang buhay ko hanggang ngayon.

Matapos kong magbihis, ay umupo ako sa tabi ni Kyle. I suddenly felt my stomach rumbling. As I raised my left arm to check what time is it, It's already 4pm. Bigla tuloy akong nag-crave sa milk tea at pizza. Ilang araw na rin pala kaming hindi nakakatikim no'n dahil masyado ng busy para sa preparation ng kasal namin.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now