Entry #187

33 4 1
                                    


Rewrite our story

by Skileiven

Una ko siyang nakilala noon sa kalsada. Marumi, mabaho, walang bahay, walang pera wala siyang kung ano man na pwedeng ipagmamalaki.

Noong una nilalagpasan ko lang siya. Katulad din ako ng ibang tao na nilalagpasan ang mga taong gano'n. Kunyari walang nakita at mag bubulag-bulagan nalang.

Isa ako sa mga tao sa Pilipinas na mandaraya. Isa akong pulis at nangongotong sa mga taong mahihirap.

Tama nga ang mga tao. Ang mahihirap ay lalong humihirap at ang mayayaman ay mas lalong yumaman dahil sa mga katulad ko.

"Hoy, manong pulis!" Sigaw ng babae sa likod, irita akong huminga ng malalim bago sita harapin.

"Stop calling me manong. Binata pa ako!"

"Wushu, pahinging pera!" Walang modo niyang pagkakasabi sa akin.

"Wala akong pera!" Sigaw ko sa kaniya at tinaboy.

"Ako pa lokohin mo, manong. Nakikita kita lagi na nangongotong!" Agad akong naalarma dahil sa sinabi niya at lumapit sa kanya.

"Magkano ba kailangan mo at nang tumahimik ka na?" Inis kong bulong sa kanya at nilabas ang wallet ko

"Bente, pangkain ko gutom na gutom na ako" sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya.

Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya ay parang natunaw ang puso ko. Ang iba kasi usang daan o isang libo pa ang hinihingi sa akin.

Pinaligo ko siya at binilhan ng bagong damit bago pakainin.

Ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko ng buo ang mukha niya. Maganda siya, kutis artistahin at matangos ang ilong. Sa ganda niya ay pagkakamalan mong dyosa ang kaharap mo.

"Dali, tara na. Gutom na ako!" Huwag mo lang isama ang boses niya at talagang maiirita ka.

Pinakain ko siya ng lahat ng gusto niyang kainin at sumabay na rin ako sa kanyang kumain. Para siyang hindi pinakain ng ilang buwan kung kumain. Ganiyan ba talaga ang mga pulubi, tsk.

"Wait, may dumi sa gilid ng labi mo" tawag ko sa pansin niya habang busy siyang kumakain.

"Ha? Saan?" Tanong niya at dinilaan ang gilid ng labi niya. Ang hot niya ng ginawa niya yon.

"Hays, nandito" lumapit ako sa kanya at pinunasan gamit ang daliri ko ang dumi sa gilid ng labi niya. Napatingin ako sa mukha niyang inosente, sa mata niyang maraming sinasabi, sa ilong na matangos at sa labing mapula...

"Natanggal mo na ba, manong? Para makakain na ako, hehe" tanong niya at nagulat ako ng mas nilapit ang labi niya sa akin para ipatingin sa akin kung may dumi ba ang labi niya.

"O-oo, w-wala na, haha" tinignan ko lang siyang matapos sa pagkain at binayaran lahat. Umalis na ako sa restaurant at iniwan siyang mag isa doon. Pinakain ko na siya ano lang gagawin ko, tsk.

"Manong!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ulit ang boses niya sa likod ko.

"Ano ba?! Bakit ba sinusundan mo pa rin ako?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Ilang segundo lang ay nakita ko na siyang sumisinghot na kalaunan ay lumakas ang kanyang iyak.

Napapatingin na sa amin ang dumadaan at ang aama ng tingin sa akin.

"Grabe, ang sama naman ng lalaki"

"Walang awa"

"Manloloko siguro 'yan"

"Opo, manloloko 'yan! Waaaaahhh huhuhu" Sigaw naman nitong kaharap kong pulubi habang umiiyak. Napasinghal nalang ako at agad napalapit sa kanya ng matunugan kung ano ang susunod niyang sasabihin.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now