Entry #163

51 3 4
                                    

Her Smiles

by MisterVahn

Tila wala na akong maihihiling pa sa Panginoon nang dumating sa buhay ko ang aking anak na si Zay-ann. Walang salitang makalalarawan sa kung gaano ako kasayang masilayan ang maamo n'yang mukha. S'ya'y isang anghel na ipinadala rito sa lupa.

Laking pasasalamat ko nang isilang ko s'yang malusog at napakagandang bata. Hindi mawala-wala sa aking mga labi ang guhit ng saya sa t'wing akin siyang pinagmamasdan. Nang dahil sa kaniya, roon ko napagtanto kung gaano kaganda ang buhay maging isang ina.

Si Aeron naman, na kaniyang ama ay hindi rin mailalarawan ang sayang makikita sa pigura ng kaniyang hitsura. Sobra niyang mahal ang anak niya at masasabi kong masayang-masaya siya na s'ya'y isang ganap nang ama.

Sabay naming pinangarap ito — bubuo ng isang masayang pamilya at nang dumatal sa buhay namin si Baby Zay-ann, walang paglalagyan ng aming saya.

Halos wala na kaming tulog sa kababantay sa aming anak. Halos sa kaniya na umiikot ang mundo naming dalawa bilang mag-asawa.

Lumipas ang ilang mga araw, linggo, buwan at hanggang sa nag-isang taong gulang na siya. Nanatili siyang malusog at iyon ay lubos na pinasasalamatan ko sa Panginoon.

Sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti ay naiibsan ang aking mga karamdaman. Siya ang aking gamot, ang mga ngiti niya ang siyang nagpapawi ng aking lungkot. Sa tuwing binabanggit niya ang salitang "mama", hindi ko mailalarawan ang kakaibang nararamdaman ko. Ewan ko ba, napakasarap marinig at hindi ko kailanmang pagsawaan iyon. Napakasarap sa pakiramdam at damang-dama ko ang pakiramdam bilang isang ina.

Lumipas pa ang ilang taon at apat na taong gulang na si Baby Zay-ann. Nakikita na rin namin ang ugaling mayroon siya. Napakapalatawa at napakakisig niyang bata. Nakikipaglaro na rin siya sa ibang mga bata at natutuwa akong makita siyang nasisiyahan.

Subalit...

Subalit dumatal ang hindi ko inaasahan.

Isang araw habang naglalaro siya ay bigla ko na lamang siyang nakita na umupo habang hawak-hawak ang dibdib niya. Kinabahan naman ako sa pangyayaring iyon. Tinanong ko siya kung may masakit ba siyang nararamdaman subalit tumugon lang siya ng, "Wala po, Mama." kasabay ang pagngiti nang may kulay at punong-puno ng pagmamahal. Ang kaninang kabang naramdaman ko ay napawi ng kaniyang mga ngiti.

Ngunit akala ko'y ayos na. Isang araw no'ng dumalaw kami sa kaniyang Lola, hindi ko inaasahan ang komento ni mama kay Zay-ann. Bakit daw pumayat ang kaniyang apo? Nagtaka naman ako at nagulat. Marahil sa palagi kong nakikita ang aking anak kaya hindi ko napapansin ang mga pagbabago sa kaniyang katawan.

Muli kong kinausap ang aking anak. Paulit-ulit ko siyang tinanong kung may nararamdaman ba siyang masakit ngunit ganoon pa rin, palagi niyang sinasabing "Wala po, Mama" at "Ayos lang po ako" kasabay ang pagngiti.

Subalit sa pagkakataong ito'y hindi na ako nagpadala sa mga ngiti niya. May nararamdaman akong may ibang ipinahihiwatig ang mga ngiting ipinakikita niya ngayon.

"Anak, sabihin mo kay mama ang totoo. May masakit ka bang nararamdaman?" mahinang tanong ko — nag-aalala.

Ngumiti lang siya saka huminga. "Mama, wala po. Ayos lang po talaga ako."

Ayaw ko mang maniwala subalit masyadong nakatutunaw ang mga ngiti niya.

Papauwi na kami sa bahay habang naglalakad. Hindi ko alam subalit may kakaiba akong naramdaman. Maganda naman sana ang panahon. Masarap sa pakiramdam ang init ng panghapong araw at hindi ito nakasasakit sa balat. Ngunit halos 'di ko alam ang aking gagawin nang tinawag ako ng aking anak.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now