Entry #176

73 4 13
                                    

THE WALL OF CASCADING WATER

 by saphiruxx

I'D LIKE to temporarily dislocate my spirit from my body so I closed my eyes and heard the waterfall as it brought its own music. I asked God to take me out for just a short while, let my soul go wherever it wanted to go. Kapag nakamulat ako sa mundo, hindi ko alam ang daan at hindi ko alam kung tamang daan pa nga ba ang tinatahak ko.

Napatayo na lamang ako nang lamunin ako ng tubig, kasunod ang malakas na pagtawa ng isang pamilyar na boses ng babae.

"Lakas ng trip mong mag-sunbathing sa talon."

"Twenty-twenty one na, p'wede na lahat." Nag-ipon ako ng tubig sa kamay ko at sinaboy sa kaniya.

"Ano ba 'yan, Art!" Aktong susuntukin niya ako pero mabilis akong tumayo. "Sa'n ka pupunta?"

"Lalayo sa 'yo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Dito ka lang." At mabilis niya akong hinila pabalik sa pagkakaupo, katabi niya. "Hindi ka p'wedeng umalis."

Bumigit ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Sa bawat patak ng tubig ng talon na nasa harapan namin, hindi mapigil ang malalakas na pintig ng dibdib ko. The water was dazzling into the rocks as saw how the flower next to it were nodding gently.

"S'an ang next destination natin?" tanong niya habang nilalaro ng kaniyang paa ang tubig.

I met her few months ago. Few months ago and I already made my plan. Sa maikling panahon na 'yon, parang nakilala ko na siya ng lubusan. Siguro dahil pareho kami ng gusto, ang mag-travel at libutin ang mundo dahil do'n namin na raramdaman, na malaya kami. Sa kalayaang 'yon, naging malaya din ang loob ko na mahulog sa kaniya.

This was supposed to be the day of my flight to London. Then I will travel and explore the land alone. Pero narito ako ngayon, sa tabi ng babaeng nais kong makasama sa bawat ng byahe ng buhay ko.

Bago pa man siya dumating sa buhay ko, gusto ko na talagang puntahan ang dream destination ko. Ngayong nasa kamay ko na, pinalampas ko dahil bakit hindi, kung p'wede ko namang dalhin ang pangarap kong babae sa pinapangarap kong lugar.

"Balang araw, Cy..." Diretso akong nakatingin sa talon at madahan siyang tiningnan na siyang pagtatagpo ng aming mata. "Gusto kong pumunta ng London kasama ka."

A SCENE from the past suddenly played back inside my mind. It was nothing but the picture of us. Isa-isang bumabalik sa alaala ko ang mga panahong akala ko, masaya na siya sa 'kin. Kampante ako na ako ang nais niyang makasama sa lahat ng byahe niya. Naging kampante ako na walang dulo ang paglalakbay naming katulad ng rumaragasang tubig ng talon. But I realized, our water wasn't meant to travel forever.

May hangganan.

"I'm on my way to heaven," I uttered on the phone. Then I heard her laugh.

How I wish I can be the reason of those laughter and smile forever.

"Gonna hang up. You wouldn't like it if I got into accident," biro ko pa bago pinatay ang linya ng tawag.

I held the steering wheel tightly. Umigting ang panga ko at nilingon ang mga bagahe ko sa likod pati na rin ang plane ricket ko.

My chest rose and fell with rapid breaths. "This is for us..."

I drove my car to their house. The wind pushed the car to no avail. Minutes after, I arrived and the first I did was to go to her room.

Nakita ko siya sa harap ng kaniyang vanity table, masayang nakangiti. I should be happy for her, pero hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nanlulumo sa mga ngiti na 'yon.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu