Entry #137

65 2 8
                                    

"IDEAL MAN"

by pinkishrose02

—STELLA POV—

Ano nga ba ang karamihan na ideal man ng mga babae? Siyempre unang una sa listahan ang gwapo at mayaman.

Sabi nga nila, maswerte ka daw kapag ang naging asawa mo ay gwapo na nga mayaman pa.

Pero hindi sa tulad ko. Kasal ako sa isang lalakeng gwapo at mayaman for almost 3years. Sa loob ng tatlong taon, nakatira kami sa iisang bubong, natutulog sa iisang kama ni Adrian, pero kahit minsan. Hindi niya pinaramdam sakin na mahal at mahalaga ako sakanya bilang asawa niya. At naiintindihan ko naman si Adrian, dahil hindi naman niya ako pinakasalan dahil sa mahal niya ako. Ginawa niyang pakasalan ako, dahil sa utos ng mga magulang niya.

Botong boto kasi sakin ang mga magulang ni Adrian. Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Adrian ay pinakasalan niya parin ako. Inakala ng mga kaibigan ko na sobrang swerte ko na sa love life ko dahil sa isang Adrian Montemayor ako naikasal, pero nagkakamali silang lahat.

Sa katunayan, pagkatapos ng kasal namin ni Adrian ay walang honeymoon na naganap dahil agad din umalis si Adrian patungong Canada kasama si Irene. Si Irene ay ang long-time girlfriend ni Adrian. Mahigit dalawang buwan sila doon, hindi ko magawang magalit. Dahil ano nga bang karapatan ko? Asawa lang ako ni Adrian sa papel at sa batas, ngunit si Irene parin ang nasa puso niya.

"Aalis kana agad? Hindi ka man lang mag aalmusal? Nagluto ako ng paborito mo." malambing na pagkakasabi ko.

"Busog ako. Isa pa nagmamadali ako, ikaw nalang kumain niyan." seryosong pagkakasabi ni Adrian.

"Pero----"

"Hindi ako uuwe dito mamaya. Baka next week na. May business trip ako sa Cebu." seryosong pagkakasabi ni Adrian bago siya magtungo sa garage kung saan nandoon ang kotse niya.

"Ok, ingat." tipid na pagkakasabi ko at kaagad na nga siyang sumakay sa kotse saka ito umalis.

—ADRIAN POV—

"So, sinabi mo kay Stella na may business trip ka sa Cebu? Kahit ang totoo ay may vacation trip kayo ni Irene sa Maldives." saad ni Jerome.

Napangisi nalang ako.

"Pre, hindi ka ba naaawa kay Stella? for 3years na nasa iisang bubong kayo. Kahit minsan hindi pa kita nakita naging concern kay Stella. Kahit nga ng magkasakit siya. Nasaan ka? Nasa kandungan ni Irene nagpapasarap." puna ni Jerome.

"Ano ngayon? Eh asawa ko lang naman si Stella sa papel at sa batas. Pero alam ng diyos na si Irene talaga ang mahal ko." sarcastic na pagkakasabi ko.

"Alam mo, ako yung nakokonsensya sa ginagawa mo eh. Oo nga't si Irene ang mahal mo. Pero asawa mo parin si Stella, pre. Saka, hindi ba kasama sa sampong utos ng diyos yung wag kang makiki-apid lalo na kung ikaw ay kasal na." saad ni Jerome.

"Iniintay ko lang naman si Stella na mag file ng annulment, para mayaya ko ng mapakasalan si Irene." seryosong pagkakasabi ko.

Napailing na lamang si Jerome sa sinabi kong iyon.

[1week later]

—STELLA POV—

"Kamusta ang bonding niyo ni Irene? Nag enjoy ba kayo?" nakangiting salubong na tanong ko sa kakarating lang na si Adrian.

"Ano bang pinagsasasabe mo." sarcastic na tanong sakin ni Adrian.

"Hindi mo kailangan na maglihim o magsinungaling sakin Adrian. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman, hindi ako bulag para hindi ko mapansin. Alam ko naman na una palang, ayaw mo na sakin. Una palang ay hindi mo na ako matutunan na mahalin. Kaya nga magmula ng ikasal tayo, nabibilang ko lang sa kamay ko kung ilang beses ka natulog dito sa bahay o kung ilan beses ka ba umuwe dito sa trabaho. Ako yung asawa mo pero parang ako yung kabit mo na pupuntahan mo lang kung kailan mo gusto at kung kailan hindi mapapansin ng totoo mong asawa. At naiintindihan ko yun, dahil alam ko rin na si Irene ang totoong mahal mo at hindi ako. Kaya nakapag decide ako na palayain kana, ng sa ganun ay makasama mo na yung babaeng totoong nagpapasaya sayo. At alam kong hindi ako yun. Kaya ito, pirmahan mo." naluluhang sambit ko sabay abot ng Annulment paper kay Adrian.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 2Where stories live. Discover now