1: Imprisoned

1.8K 32 21
                                    

Mina's Pov:

"Ma'am Mina, your food is ready. Sa kwarto na po ba kayo kakain o sa dining room?" Rinig kong pagtawag sakin ng maid sa labas ng kwarto.

"Alright, I'll go there as soon as I finish what I'm currently doing."

"Masusunod po, Ma'am. Ipinaaalala po ng Dad niyo ang mga paalala niya sa inyo. Don't forget about it." Naramdaman kong tuluyan nang umalis ang maid sa labas ng kwarto ko kaya naman bumangon na ko sa kama.

Sinimulan ko nang ayusin ang sarili ko. I looked at myself in the mirror. When I see my reflection I started to feel sad, again. I stared at my fancy dress. Yes, it's beautiful but I prefer wearing a simple pajama inside the house.

I know it's not me, it's not who I wanna be. The fact that I can't do anything about it makes my sadness even worser.


A lot of money, expensive materials, jewelries, fancy dresses, delicious foods, power, cool cars, nor other people who follows whatever you say. Sabi nila, 'yan ang batayan sa maganda, masaya at payapang buhay.

Pero iba ang pinaniniwalaan ko, gusto kong maging malaya. Gusto kong makaramdam ng saya. Yung tunay na kasiyahan. Yung hindi ko na kailangang tiisin na ngumiti kahit di naman ako masaya.

"Excuse me, Maam. Pinatatawag na po kayo ng Dad niyo." Bumalik na naman yung maid kanina.

"Okay. Susunod na ko. Sandali na lang 'to." Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.

Wala naman sigurong masama kung piliin ko kung saan ako komportable. Matapos mag-ayos, bumaba na ko para kumain sa dining room.

"Mygod! Why are you so slow, Myoui Mina?" Bumungad kaagad sakin ang panenermon ni Dad.

"Sorry Dad. May inasikaso pa kasi ako."

"Ano naman 'yun? Diba sinabi ko na sayo noon pa man na ako nang bahala sayo, ang kailangan mo na lang gawin ay ayusin ang sarili mo. Tingnan mo, ganyan ba ang mukhang maayos? Ang dami mong pwedeng suutin na damit 'yan pang pajama ang napili mo? Bakit hindi mo suutin ang mamahaling mga damit mo?" Dagdag niya kaya naman mas nakaramdam ako ng lungkot.

"But we're inside the house. It's okay kung nakaganito lang po ko. Saka komportab----" Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin nang biglang tumaas ang boses ni Dad.

"Hanggang kailan ka susuway sa mga payo ko sayo?! Myoui Mina, It's for your own sake! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kung malaman nilang ganyan ka na parang walang pakialam sa sariling itsura? Umayos ka nga, Mina." Seryosong sabi niya dahilan para tuluyan na kong mapayuko.

"So---Sorry Dad, It won't happen again."

"Dapat lang. Kumain ka na. Nawalan na ko nang gana. Sa office na lang ako kakain. Bye. Umayos ka dito sa bahay." Sabi niya bago tuluyang umalis mansion.

Yes, hindi lang basta bahay ang tinitirahan ko kundi isang mansion. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ang Dad ko, kahit ako nagtataka eh. Hindi ko alam kung kailan siya magbabago. Hindi ko alam kung kailan niya ko hahayaang tumayo sa sarili kong mga paa.

Nang iangat ko ang aking ulo, tuluyan na naman akong mag-isa. Kahit nga nandito si Dad, pakiramdam ko mag-isa parin ako.

"Ma'am, kailangan mo ba ng kausap?" Tanong sakin ng nag-iisang Yaya kong si Jihyo.

"Yaya, I'm glad you're back!" Natuwa ako nang malamang bumalik na si Yaya Jihyo dito sa Mansion.

"Siyempre. Matitiis ko ba ang alaga ko? Bata ka palang, inaalagaan na kita. Ngayong malaki ka na, siyempre aalagaan padin kita." Dagdag niya sabay ayos sa buhok ko.

"Akala ko di ka na babalik eh. Sobrang namiss kita, Yaya."

"Mina, isang linggo lang akong nawala. Relax, para namang isang taon akong nawala eh." Nakangiting dagdag niya sakin.

"Yup. Kasi naman wala akong kausap dito. Wala akong karamay sa tuwing sesermonan ako ni Dad. Wala akong kakampi. Walang naniniwala sa kakayahan ko."

"Hulaan ko, pinagalitan ka na naman ng Dad mo noh."

"Yes, palagi naman. Nasanay na nga ko."

"Aw, ang alaga ko. Ayos lang 'yan wag ka nang malungkot. Ang mahalaga nandito na ulit ako para kampihan ka." Sagot niya kaya mas natuwa ako.

"Kailangan ko pa bang magpalit ng magagarang dress bago ituloy ang pagkain ko?"

"Kung saan ka masaya at komportable."

"Thank you, Yaya. Kakain na ko. Sabayan mo na ko."

"We're not allowed para sabayan ka, Mina. Bilin 'yan ng Dad mo." Sagot niya sakim kaya napasimangot ako.

"Pero di ka na naiiba sakin, Yaya. Please. Diba palagi naman kitang kasabay. Nalulungkot ako eh. Ako lang mag-isa ang kakain. Di na nga ko sinabayan ni Dad tapos -----"

"Fine. I'll eat with you. Maging masaya lang ang alaga ko." Bumalik ang ngiti sa labi ko nang maupo na si Yaya Jihyo sa tabi ko.

Sa lahat, masasabi kong si Yaya Jihyo ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Bakit? Wala na kong Mom. Bata palang ako nang mawala ang Mom ko. Nag-iisang anak lang ako. At pakiramdam ko, prisoner ako ni Dad sa mansion na 'to.

Simula pagkabata, si Yaya Jihyo na ang palaging nasa tabi ko. Kahit nung nag-aaral pa ko, si Yaya Jihyo na ang nagsilbing guardian ko sa sobrang busy ni Dad. Sa tuwing sinesermonan ako o pinag-iinitan ni Dad, to the rescue siya para sakin. Nagkaedad na nga si Yaya Jihyo sa kaka-alaga sakin eh. At thankful ako na kahit ngayong malaki na ko, nandito padin siya.

Para na siyang pangalawang nanay ko. Siya lang ang karamay ko sa masaklap na mundong 'to.

My name is Myoui Mina. 25 years old. Kaisa-isang anak ng mayaman at maimpluwensyang businessman na nagmamay-ari ng maraming sikat na Mall sa bansa.

Like what I've said, All I want is to be happy and free. But it seems like, I won't be able to achieve that dream for now. 'Cause I'm imprisoned in this mansion.

💕To Be Continued💕

A/N: Guys, I'll do my best para mapa-improve pa ang pagsusulat ko. I'll work hard for it. So, sana po suportahan niyo especially sa mga MiHyun shippers. Para sa inyo.'to. Saranghaeyo 😍

Don't forget to vote and add some comments. 🤗

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now